Chapter 21

443 16 0
                                    

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Lorie. Kakasara lang namin ng tindahan namin sa palengke matapos no'n ay nag paalam na ako kay nanay na lalabas lang kami ni Lorie. Narito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya at hindi ko alam kung saan kami patungo.

"Basta." Tanging sagot niya.

"Bahala ka nga diyan. Hindi mo naman ata ako kikidnapin 'di ba?"tipid akong tumawa. Naalala ko tuloy bigla si John nang mga panahong biglang may kumuha sa'kin at ipinasok ako sa isang van na kagagawan pala niya.

"Huh? Bakit ko naman gagawin 'yun sa bestfriend ko?" Aniya.

"Malay mo lang HAHAHA."

"Baliw ka na talaga." kasabay niyon ang pagngisi niya.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa pagbabalik ng lalaking 'to eh. Siguro dahil nasanay n a'ko mag isa. Na miss ko talaga 'tong lalaking 'to eh, lalo na 'yong mga pang aasar niya na pag inasar ko naman siya rin ang mapipikon.

"Andito na tayo."

"Anong ginagawa natin dito?

"Mamamasyal?" Narito kami sa tabing dagat. Naupo kami sa tabi nito matapos niyang maglatag ng sapin.

"Ang sarap maman pakinggan ng mga along humahampas sa dalampasigan."

"Kaya kita rito dinala para ma relax ka." ngiti nito sa'kin.

"Thank you. Pahiga nga ako." Ginawa kong unan 'yung hita niya, ang komportable ko pag siya ang kasama ko kaya hindi na ako naiilang.

"You're always welcome my bestfriend." Napatingin ako sa kanya habang siya malayang nakatingin lang sa dalampasigan. May lungkot akong nakikita sa mukha niya.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya

"Ikaw? okay ka lang ba?"

"Oo naman."

"Basta't okay ka okay rin ako." Pawang may mga lungkot na itinatago sa kabila ng magaganda niyang ngiti.

"Namiss mo ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Oo nga, paulit-ulut natanong mo na 'yan sa'kin eh."

"Pag nawala ba ako ulit ma mi-miss mo parin ako?" Medyo nagulahan naman ako sa tanong nito.

"'Diko alam."

"Ikaw kasi mami-miss ko eh. Basta lagi mong tandaan na lagi lang akong nasa tabi mo ah." Hindi ko maintindihan si Lorie sa mga sinasabi niya, gayunpaman ay hindi na ako sumagot at hinayaan ko lang ang sarili ko na pakinggan ang hampas ng mga alon sa dalampasigan at tanawin ang mga bituin sa langit.

"At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadaramn. Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon Ikaw at ako "

Hinayaan ko lang ang bibig kong kumanta at damhin ang himig ng musikang lumalabas sa akinh bibig.

At sa wakas Ay nahanap ko na rin Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin At hindi naitatanggi.

Si Lorie naman ang kumanta ng susunod na lyriko.

Ang tadhanang nahanap ko
Sa'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag-ibig
Natin na magtatagal.

Pag papatuloy niya pa. Ang lamig ng boses ni Lorie gaya ni John ay parehas din silang may talento sa pag awit.

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon (mula noon)
Hanggang ngayon Ikaw at ako.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon