[Janna's POV]
"Nay, tay, Leslie dito po." kumaway kaway ako upang makita nila ang pwesto ko kung nasaan ako naroroon.
"Congratulations anak," sag bati sa'kin ni tatay.
"Masaya kami para sa'yo anak congratss. Natutuwa ako na hindi ka pa drn nagbabago kahit dito ka nag aral sa Australia."
"Syempre naman po nay, pusong Pinoy pa rin po 'tong anak ninyo."
"Ate may—"
"Ahh, anak tara na maupo na tayo."
"Ano iyon Leslie? May sasabihin ka?"
"Wala 'yan anak gusto lang 'yan mag pabili ng ice cream sa labas."
"Hindi po na—"
"Tara na anak maupo na tayo magsisismula na yung graduation ceremony."
Yes! Imade it. Nakapag tapos ako sa kursong BSBA dito sa Sydney, Australia. Plano ni tatay na pumasok agad ako sa company naming at pumayag naman ako. Ngunit tumanggi ako sa mataas na posisyong inaalok ni tatay dahil kaka-graduate ko palang naman ay mas pinili ko munang mag trabaho bilang isang ordinaryong tao. Noong una ay ayaw kong mag trabaho ako sa company namin ngunit pinilit ako ni tatay at ang kondisyon ko naman ay ang mag tatrabaho ako sa company naming ngunit isa lamang ordinary employee gaya ng sinabi ko. Ang mangyayari lang ay mas pinili kong itago ang tunay kong pagkatao which is hindi ako makikilala ng mga katrabaho ko bilang isang anak ng may ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko.
"Anak," tawag ni nanay.
"Po?"
"Ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo eh."
"Iniisip ko lang po 'yung napag usapan namin ni tatay."
"Weh? Baka naman iba 'yang nasa isip mo ah."
"Nako nay kung ano man pong nasa isip ninyo ngayon wala pa po sa plano ko 'yan."
"Buo ka na ba ngayon anak?"
"What do you mean nay?"
"I mean, kung okay kana because of heart break?"
Totally? Hindi. Hindi ko masasabing buo na ako ngayon, hindi ko alam kung kailan ako mabubuo, At lalong hindi ko masasabing mabubuo pa ba ako. Nitong mga nag daang mga taon hindi ko maiwasang isipin si John. Kung anong kalagayan na niya sa mga oras, araw, buwan at taon na nag daan. Hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko pa 'to nararamdaman when it comes John Scott. 'Yung tipong kahit masakit pero gusto ko siya parin. Na kahit anong kapalit basta siya ay makakamit. Potek OA ko may pamilya na 'yung tao kung ano-ano pang kagagahan iniisip ko.
"Opo nay okay lang po ako." Ngumisi si nanay na tila nang aasar.
"Nak. Ang tanong ko kung buo ka na ba? Hindi ko tinatanong kung okay ka. May mga sitwasyon kasing pwede mong sabihin na okay ka kahit hindi ka buo. Gano'n din 'pag tinanong kita kung 'buo ka na ba?' at sinagot mo 'okay lang' parang sinabi mo na rin na hindi ka okay. Dahil 'pag sinabi ng isang tao na okay siya 'wag kang maniwala hindi 'yan totoo."
"Hayys nanay ko nga 'to."
"Mag sinungaling ka na sa lahat anak 'wag lang sa nanay mo, dahil kilala kita, alam ko kailan ka nag sasabi ng totoo at hindi."
"Opo nay, sige na kayo na po ang panalo."
"Pero anak. Kung gusto mong ibalik ang oras? Anong gusto mong balikan."
"Noong buhay pa po si Lorie nay." Biglang sumagi si Lorie sa isip ko mas masakit pa sa heart break ang mawalan ka ng isang matalik na kaibigan. Alam ko na kung nabubuhay siya ay proud na proud din siya saakin ngayon.
Natapos na ang ceremony at unti-onti nang nagsi-alisan ang mga graduated students. Pero parang tila bakit ayaw ko pang umalis sa lugar na ito, may feeling ako na may darating na kung sino. Bakit ganon? Sa isang tao ko lang nararamdaman ang ganitong feeling. Kay John lang.
"Anak tara na."
"Opo nay andiyan na."
"Na miss mo ba ako?" Kilala ko 'yung boses na 'yon. Kahit dalawang taon na ang makalipas. 'Yon 'yung boses ng taong minahal ako at minahal ko.
"Bakit ayaw mo akong harapin? 'Di mo ba ako na miss? Ako kasi na miss kita eh." Hindi ako maka galaw, ang bilis ng tibok ng puso ko. Unti-onti akong humarap ngunit hinawakan na niya ang isang kamay ko at siya na ang nag harap saakin sa kanya. Ang medyo singkit niyang mga mata, ang kanyang perpektong mga panga, matangos na ilong, pulang labi at naka ayos at medyong magulong mga buhok. At higit sa lahat siya na minahal ko ng buong buo higit pa sa sarili ko.
"Congratulation, miss." Matapos niya akong batiin ay niyakap niya ako, niyakap ko naman siya pabalik.
"Anak-anak gumising kana."
"Asaan po ako nay? Na alimpungatan ka ata, nasa loob tayo ng sasakyan pauwi na sa bahay. " Naalala ko kaka-tapos lang pala ng graduation ko. Akala ko totoo na eh, ako na sana ang magiging pinaka masayang graduated students dito kung sakaling totoo man 'yon.
"Nay, kumusta na po si John? Pumupunta po ba siya sa bahay?" Nag lakas na ako ng loob mag tanong kay nanay.
Ngumiti nanaman ito ng nakakaloko. "Sinasabi ko na nga ba eh," aniya. "Hindi ko siya pumupunta sa bahay anak. Ngunit 2 years ago pumunta siya sa bahay." Biglang kumabog ng malakas ang dib-dib ko sa mga maaaring sabihin ni nanay.
"Sinauli niya lang yung jacket mo anak na naiwan mo ata sa kanya ng hindi mo alam." Naglaho kaagad ang galak na naramdaman ko kanina nang mapag tantong iyon lang dahilan niyon at wala ng iba.
"Mayroon pa anak." Hindi na'ko umaasa na may sense pa 'yang mga sasabihin ni nanay.
"Tungkol sa paglisan mo." Tila nabuhay ang muli ang kalooban ko.
"Wala ako sa posisyon para sabihin ang lahat sa 'yo Janna. Isa lang ang alam ko at maaari kong sabihin 'yun ay ang mahal na mahal ka niya anak. Mag usap kayong dalawa mag kumustahan kayo, malay mo is there a second chance na kayo talaga."
Second chance na maging kami ulit na alam kong hinding-hindi mangyayari, na alam kong imposible at alam kong wala nang pag asa para sa aming dalawa. Alam ko na lahat na tila ako mismo ang spoiler ng sarili kong kwento. 'Yung tipong nanood ako ng isang palabas pero masyadong predictable 'yung daloy ng estorya. Wala pinagkaiba sa sarili kong istorya.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019