Chapter 38

431 17 1
                                    

"Oh my god na miss ko talaga ang Philippines. Excited na'ko mag lagalag ulit dito."

"Pilipinas lang na miss mo?" Bigla akong napatingin sa likuran ko kung sino ang nag salita, yeah I got it.

"Beeees!" Kumaripas ako ng takbo patungo kay Hannah kasabay ang pag sunggab ko sa kanya ng yakap.

"Syempre ikaw rin na miss ko 'no."

"Same. Paano ba naman kasi sinong hindi makaka miss sa'yo gayong wala na akong contact simula nang lumayas ka rito sa Pinas." Nginitian ko na lamang siya. Napatingin ako sa likod kung sino yung kasama niya, agad niya rin namang napansin ang pagtataka ko at tanong sa aking mukha na kung sino 'yung kasama niya.

"Ah. I forgot may kasama nga pala ako. Janna si Denvier, Denvier siya 'yung kaibigan ko na sinasabi ko sa'yo." Pagpapakilala nito sa'kin. Parang pamilyar 'yung mukha niya? Nagkita na ba kami? Nakatingin lang ito sa akin na tila ang tagal na naming magka-kilala.

"Kapatid mo?" Pamimilosopo ko kahit na alam ko na wala naman siyang kapatid. Nakalimutan niya atang ipakilala sa akin kung sino siya sa buhay niya.

"Nope, he's my boyfriend." Yumakap ito sa lalaking nag ngangalang Denvier.

"Woooh. Sana all."

"Ikaw? May nagpapatibok na ba ng puso mo?"

"SYEMPRE-" Sinigaw ko ang salitang 'yon at nanlaki ang mata niya. "Wala pa." Agad ko rin namang sinundan.

"Aww akala ko mayroon na eh. Don't worry may ere-reto ako sa'yo."

"Nako tigil-tigilan mo nga ako diyan. "

"'Sus y'an nanaman siya. Tara na nga umuwi na tayo sa inyo 'yung air dito sa airport very polluted." Reklamo niya.

"Ayy iba na siya umaarte na ah porket may boyfriend."

"Hindi naman sakto lang hehe."

After ng kaonting ckikahan together with my bes ay dumiretso na kami sa bahay dahil nag pahanda sina nanay at tatay ng pagkain para doon na raw kami mananghaliaan. Habang nasa CR si Denvier ay sinamantala ko ang pagkakataong makapag tanong kay Hannah ng tanong na kanina pa gumugulo sa aking isipan.

"Bes," bulong ko.

"Bakit? Anong binubulong-bulong mo diyan na para kang isang bubuyog."

"Akala ko ba si Sherwyn?" Muntik na itong masamid at maibuga ang tubig na iniinom niya. Tumingin lang ako sa kanya at nag aantay ng sagot niya.

"Ano kaba bes matagal na kaming wala. Ay mali wala pala talagang kami. HAHAHA," humalakhak pa 'to.

"What?! Why?! How?!"

"Sunod-sunod mga tanong? Isa-isa lang." Biglang dumating na si Denver at naputol ang pag uusap namin.

"Oo nga bes ang ganda roon. Sige pupuntahan natin 'yan," panglilihis ni Hannah sa usapan at kinurot nito ako ng mahina sa tagiliran kasabay ng tingin na makisama ako.

"Oo bes aasa ako diyan," nakahinga na lamang ito ng maluwag nang ma-gets ko ang ipinaparating niya. Na co-curious talaga ako sa pangyayari sa buhay nito.

"Bhe, let's go?" Pag aaya ni Denvier.

"Okay bhe susunod na ako," Dumiretso na si Denvier sa labas habang kami ay naiwan dito.

"Mamadaliin ko nalang 'yung mga sagot sa mga tanong mo ah baka mainip 'yun sa kaka-antay sa'kin eh. First question 'What?' Uulitin ko wala na kami ni Sherwyn actually wala nanan talagang kami. He only cares about me, that's it. Second 'Why?' Maybe dumating si Denvier then nahuli niya ang puso ko at hindi na pinakawalan. Third question 'How?' 'Di ko rin alam kung paano basta ang alam ko mahal ko siya. That's all na bes sige bye!" Bumeso ito samantalang ako naiwang nakatulala na tila hindi pa makapaniwala sa mga pangyayari sa buhay niya. Siguro kung hindi ko inalis lahat ng contact ko rito sa Philippines maliban lang sa pamilya ko, ay paniguradong hindi ako nag mumukhang tanga ngayon.

_____________________________________________________________________________________

"Anak are you ready?"

"Yes po." Tumawag pa talaga ang tatay ko para siguraduhing papasok ako ngayong araw. Ngayon kasi ang first day ko bilang isang ordinaryong trabahador ng kompanyang pag aari namin.

"Don't worry anak hindi ka papabayaan ng anak ng investor ng kompanya natin. Ibinilin na kita roon."

"Opo sige po, paalis na po ako."

"Mag iingat ka anak ah," ibinaba niya na ang telepono.

Pumasok ako sa kompanya nang may ngiti sa aking mga labi. First day ko ngayon kaya kailangan good vibes lang, para good vibes buong taon hehe.

"Good morning po ma'am, how can I help you?" Pagtatanong ng isang babae na in-charged ata para sa mga new applicant.

Iniabot ko rito ang dala kong envelope na naglalaman ng mga information ko, ang sabi kasi ni tatay ipakita ko lang daw iyong mga 'yon. Nang makita ng babaeng pinag abutan ko ng envelope ang mga papeles roon ay napatingin ulit ito sa akin. "Kayo pala 'yong inaantay na new secretary ng boss namin na ipinadala po ng CEO."

WHAT THE- muntik na akong mapasigaw sa harap ng babae nang malaman kung anong position ang ibinigay sa akin ni tatay. Dapat pala nilanaw ko na gusto ko nalang maging frondesk clerk para sure talagang isang ordinaryong employee lang ako. Anak ng tokwa being a secretary of the boss is not an ordinary work!

"Sure po kayo miss? Baka nag kamali po kayo ng tingin." Paninigurado ko na nagbabaka sakaling nagkamali nga lang ito ng tingin.

"Sure na sure na po ma'am. Na double check ko na rin po. Sunod po kayo saakin ma'am." Kahit gustong-gusto ko na umuwi hindi ko magawa. Dahil ito ang sinabi ni tatay rito wala akong magagawa kung 'di sumunod na lamang.

"Mabait ba boss niyo miss?"

"Actually po ma'am ipinadala lang po siya ng investor ng company na 'to dito upang pamahalaan ang mga narito, dahil po 'yung boss namin dati ay nag resign na. And yes po mabait po 'yon. Bukod po sa mabait na, gwapo pa."

"Lalaki boss niyo miss?" Gulat kong tanong tila parang gusto ko na talagang tuluyang umuwi na.

"Yes po." Kumatok ito sa isang office. Ito na ata 'yung office ng boss nila. Hindi mo alam kung tatagal ba ako sa trabahong 'to, parang mababaliw na ako. Kung hindi ko lang talaga tatay ang nagpadala sa akin dito malang nakauwi at natutulog na ako ngayon sa bahay.

"Sino yan?" Pagtatanong ng boses ng lalaking nasa loob. Kilala ko ang boses na 'yon kahit dalawang taon na ang lumipas kilalang kilala ko pa rin ang boses na 'yon. Pero dapat wala na akong nararamdaman sa mga sandaling ito, dapat wala lang sa'kin 'to! Sinubukan kong kurutin at sampalsampalin ang sarili ko na nag a-assume na sana ay panaginip lang ito ngunit hindi. Hindi ito isang panaginip.

"Sir andito na po 'yung ipinadalang secretary niyo."

"Come in."

"Let's go na miss. Don't worry 'wag kang kabahan mabait 'yang si Sir." Pang mo-motivate ng babae. Tuluyan na kaming makapasok sa loob. Parang gusto ko na mag back out. Nakita ko 'yung lalaki na naka formal wear na nakatalikod saamin, at nang kami ay makalapit ay unti-onti itong humarap. A develish smile curve on his lips. Walang pinagbago gwapo pa rin. At higit sa lahat mahal ko pa rin.

"Good morning Mr. Scott." Nagawa ko pang bumati sa kalagayan ko ngayon.

"Oww you already know me Ms. Darangal."

"Because of that Sir," turo ko sa name plate na may nakasulat na buong pangalan niya na naka harap saamin."

"You! Sir, You already know me." Ngumiti ako ng tila na insulto ko siya. Don't me Sir. I'm now the new Ms. Janna Darangal, your past, Sir. Ms. Darangal at your service.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon