Chapter 29

332 13 0
                                    

"Asan kaya 'yong abnoy kong bestfriend na 'yon?" Pag tatanong ko sa sarili habang hinahanap ko kung saang unit siya ng condo na 'to namamalagi. Kakagaling ko lang ng school pero medyo maaga pa naman kaya idadaan ko muna kay Lorie 'tong jacket na ipinahiram niya sa'kin. Ito lang ang alam ko na tinitirahan niya no'ng mga bata pa kami.

"Excuse me, Miss." Pang aabala ko sa babae sa front desk.

"Yes Ma'am?" Sagot nito.

"May Lorie Serano po bang nakatira rito?" Tanong ko.

"Ka ano-ano niyo po?"

"Close friend po."

"Wait po check ko lang po." Actually hindi talaga ako sure kung dito pa siya nakatira ngayon, ang lalaki talagang 'yon halos lingo-lingo kami nag kikita pero 'di ko alam kung saan nakatira.

"Wala pong Serano ang apelyido ang nakatira rito." Aniya.

"Ahh ganon po ba? Sige po salamat." Takte ka talaga Lorie! Saan kabang lupalop namamalagi? Maka uwi na nga lang tatanong ko nalang pag nag kita kami ulit.

"Hija." Napalingon ako ng may biglang parang tumawag para kompermahing ako 'yon.

"Ako po?" Tnong ko sa matandang sumambit kanina ng hija na kung hindi ako nag kakamali ay janitress dito.

"Si Lorie ba? 'Yung mestisong matangkad na gwapo ang hinahanap mo?"

"Opo kilala niyo po si'ya?"

"Halika rine maupo ka muna." Pag aaya sa'kin ni lola. Wala naman akong masyadong gagawin this day at maaga pa naman kaya umupo muna ako sa alok ni lola.

"Ikaw ba si Janna?" Napas ismid ako sa pag banggit ni lola sa pangalan ko. Bakit niya ako kilala?

"Siguro nagulat ka kasi kilala kita hane?" Masyado talaga akong halata.

"Bakit niyo po ako kilala? Pati po si Lorie?"

"Palagi ka kasi niya sa akin naiki-kwento eh." Aniya. "Napaka bait na bata 'yon."

"Paano niyo po siya nakilala?" Pagsisingit ko.

"Ako ang pinaka matandang employee dine kaya naman kilala ko na ang mga umaalis rine. At isa si Lorie sa mga 'yon." Sumilay naman sa mga labi niya ang mumunting ngiti.

"Mabuti pa nga iyong batang 'yon eh binibisita ako madalas. Nanay ang tawag sa akin ng batang iyon para raw may nanay siya wala na kasi siyang nanay eh." Bakit? Anong kayang nangyari? Iniwan ba siya? Andami kong tanong sa isip ko na hindi ko manlang magawang naitanong kay lola dahil nahihiya ako.

"Halos kilala na siya rito sa buong condo marahil minsan ay tinutulungan niya akong mag trabaho dine sa condo, kahit wala na raw bayad okay lang basta makipag kwentuhan lang ako sa kanya." Pagpapatuloy ni lola sa pag ku-kwento

"Isang beses pa nga ay naitanong niya sa'kin na bakit pa raw ako nag tatrabaho rito sa condo kung pwede naman daw na akong mag pahinga nalang sa bahay. Ang sagot ko naman ay, ito na kasi ang buhay ko simula noong pinlano kong ipatayo ang condong ito." Nagtataka akong tumitig kay lola at mukhang alam na niya ang ibig kong itanong.

"Yes, I'm the owner of this condo hindi naman masama kung sasabihin ko sa'yo dahil matalik ka namang kaibigan ni Lorie. Secret identity ko lang 'to para mabantayan 'tong condo para may magawa na rin ako."

"Nilisan na ni Lorie ang unit niya rito simula nang lumisan siya rito sa bansa. Tita niya lamang ang nag aalaga sa kanya. Broken family kasi ang batang 'yon, nasa ibang bansa ang pamilya ng mommy niya at andirito naman ang daddy niya na may ari ng isang restaurant diyan sa bayan. Mommy niya ang nag paaral sa kanya sa ibang bansa at nang matapos niya ang high school doon, umuwi siya rito para sa'kin at lalo na para sa'yo. 'Yan ang saad niya. Ma kuwento rin kasi ang batang 'yon." Tahimik akong nakikinig kay lola. Ang dami ko pa palang kailangang alamin tungkol kay Lorie. Bakit gano'n? Nag lalabas ako ng problema sa kanya pero siya rin palang may mga problemang mas malala pa sa'kin pero hindi niya mailabas sa akin.

"Lola matanong ko lang po saan po ngayon nakatira si Lorie?" Kinapalan ko na mukha ko upang magtanong mukhang marami kasi kailangang e-explain si Lorie sa'kin this time.

"Ang alam ko ay nasa puder siya ngayon ng daddy niya. Siguro this time ay nasa hospital siya nag papagaling. Pinagdarasal ko palagi na pahabain ang buhay ng batang iyon eh nakaka awa napakabait panaman." Napintig ang tainga ko sa mga huling sinambit ni lola. May sakit ba si Lorie?

"Po? sa hospital? Bakit po?"

"Mukhang hindi mo pa alam anak, kung gayon ay kailangan mo nang malaman bago pa mahuli ang lahat." Pagpa-patuloy ni lolal.

"Anak na ang turing ko kay Lorie kaya naman ay wala na siyang maitatago sa'kin. Sa tanda kong 'to alam ko na ang totoo at kasinungalingan." Hindi ko alam. Tangina Lorie bakit wala kang sinasabi sa'kin? kala ko ba best friend tayo? Yari ka sa'kin!

"Alam niyo po ba kung saang hospital naroroon si Lorie?" Dahan dahang umiling si lola, takte my voice was trembling naiiyak ako shit.

"'Yung restaurant po nila alam niyo po ba ang exact location?"

"Sa likod ng mall malapit sa Macats College."

"Sige po lola mauna na po ako."

"Balitaan mo ako anak ah." Pahabol pa ni lola. Patakbo akong lumabas ng condo at kamalas malasan nga naman oh umulan pa at masaklap no'n wala akong payong na dala, tanging isang backpack lang at jacket ni Lorie ang dala ko. Nang mga panahong ako nangangailangan kay Lorie ay andiyan siya sa tabi ko simula pagkabata hanggang ngayon except noong umalis s'ya, panahon na siguro siya ang mangailangan sa akin.

Shocks!s lalo pang lumakas ang ulan may halo pang kulog at kidlat. Wala akong magawa kung 'di mag abang na tumila ang ulan dito sa waiting sheed, pero mukhang malabo. Ang hirap pa humanap ng sasakyan dahil sobrang rush na rush ang mga tao. May isang pamilyar na kotse ang huminto sa tapat ng waiting sheed, lumabas ang may ari ng kotse na may dalang payong papunta sa'kin.

"You need an umbrella Miss? Sakay ka na hatid na kita." Walang ano-ano'y hinablot ko ang payong niya at sabay kaming sumukob sa iisang payong papunta sa kotse niya.

"Sa likod ng mall malapit sa Macats College." Pag sasalita ko ng makapasok na si John sa sasakyan. Desperadang desperada na ako, gagawin ko lahat para lang sa best friend ko. He needs me right now.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon