"So pano na 'yan? Edi hindi na tayo magkikita ng madalas?"
"Ano kaba edi bisitahin mo 'ko at bibisitahin din kita. Laki ng problema? Stop pouting Mr. Serano."
"Lakas naman pong maka Mr.Serano ni Ms. Darangal."
"Basta 'wag mo akong kakalimutan ah?"
"Hala Lorie okay ka lang? Lilipat lang kami ng bahay, kung makapag salita ka riyan parang sa ibang lupalop ako ng mundo pupunta." Agad-agad kaming pinalipat ni tatay sa bahay nila. Ayaw niya raw kaming makitang nag sisiksikan at nag ta-tiyaga sa maliit na paupahan. Hindi na kami tumanggi pa kaya naman sinisimulan na namin ngayon mag lipat, tinutulungan din kami ni Lorie.
"Oh s'ya mag pahinga muna kayo riyan 'yung kargador na ang bahala rito." Si nanay.
"Sige po." Sagot ko.
"Ahh Janna." Pag tatawag ni Lorie sa pangalan ko.
"Lorie?" Pagtatawag ko rin.
"May sasabihin sana ako eh."
"Ano 'yon?"
"I'm so sorry." Nagtataka ako sa sinabi ni Lorie hindi ko siya maintindihan. Tila ang lungkot-lungkot ng mga mata niya.
"Bakit ka nag so-sorry?" Tanong ko.
"Dahil sa pangiiwan ko sa'yo." Aniya.
"Ano kaba? Okay na tayo 'di ba? Wala na 'yon sa'kin."
"Sorry kasi—."
"Janna e-check mo 'yung loob kung may mga naiwan pa." Biglang sigaw ni nanay.
"Opo nay!"
Hinarap ko ulit si Lorie. "Ikaw naman tigil-tigilan mo na 'yan ah? Okay na tayo 'wag ka na masyadong ma-mroblema pa, sige riyan ka muna."
"Ahh wait. Mauna na ako kailangan ko na rin kasing mag pahinga."
"Sige. Thank you ah." Niyakap ko si Lorie bago umalis, yumakap naman siya pabalik sa'kin ng napaka higpit na parang ayaw na niya ako pakawalan. 'Yung pakiramdam na last na yakap na 'yon.
"Janna!" Pag tatawag ulit ni nanay.
"Opo nay andiyan na! Sige na Lorie bye."
Habang sinisiguro kong wala na ngang naiwang kahit anong gamit dito sa loob ay pinagmamasdan ko muna ang buong bahay. Andami ring memories dito sa bahay na 'to ang dami nang nangyari sa akin at saksi ang bahay na 'to. Bigla akong napatingin sa sahig at may nakita akong isang lantang rosas. Isa 'yun sa mga rosas na binigay sa'kin ni John nang mag punta siya rito. Kumuha ako doon ng isa para iipit sa librong binili niya sa'kin nang mag punta kami sa bookstore. Tanda 'yon na pinapahalagahan ko ang mga bagay na binibigay sa'kin. Kinuha ko ang rosas na 'yon para ibalik sana sa librong pinag ipitan ko nito, baka nalaglag kanina habang nag hahakot kami nang mahawakan ko ang rosas ay aksidente kong na nadurog ito sa diin ng pagkakahawak ko dahil na rin siguro sa tagal na nito sa pag kakaipit. Parang 'yung puso ko na biglang nadurog nang bitawan ko si John. Hinayaan ko nalang at pumunta na ako sa sasakyan na ipinadala ni tatay para mag hatid sa amin.
"Wow ang ganda! Dito na tayo titira ate?" Manghang tanong sa'kin ni Leslie habang nakatitig sa bahay nila tatay.
"Oo anak dito na kayo titira." Biglang sagot ni tatay na nasa likod na pala namin. Ang buong akala ko ang pamilya ni tatay at iyong typical na mayaman lamang. Hindi ko akalaing super yaman pala nila na ultimo kahit buong Brgy. na pinagmulan namin ay kaya nilang bilhin.
"Simula ngayon sisiguraduhin kong magiging komportable na ang pag tulog ninyo everytime at hindi na kayo mag pa-pagod pa." Si tatay.
"Napakalaki naman nito Ernesto." Puna ni nanay sa bahay.
"Kulang pa ito para sa mga pagku-kulang ko sa inyo kaya hayaan niyo akong makabawi manlang." Tumango-tango nalang si nanay bilang sagot.
"Oh siya sila manang na ang bahala sa inyo. May tatapusin lang muna ako sa office room ko." Tumungo agad si tatay sa kung saan man siya patungo.
______________________________________________________________________________
"Talaga bes? Edi mayaman na kayo?"
"'Yung tatay ko lang mayaman hindi kami."
"Gaga gano'n na rin 'yon."
"Oo na sige na gano'n na 'yon nang manahimik ka na." Kinuweto ko kay Hannah ang mga ganap sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. As usual OA pa rin, mas excited panga siya sa buhay ko kesa sa sarili niya.
"Okay guyss may bisita tayo!" Anunsiyo ng president namin sa harapan.
"Sino?" Tanong naman ng isa naming kaklase.
"'Yung mga mag pe-perform sa foundation day natin. One day lang 'yon at sila 'yung itinuturing na plot twist ng event which is sa huli na lalabas." Nag simula nang pumasok isa-isa ang mga 'yun. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon, marahil ay isa si John sa mga mag pe-perform that time at isa rin siya sa mga papasok dito sa room ngayon.
Hanggang sa pumasok na ang huli at walang na nag pakita pa. "Okay guyss that would be all, a loud of clap for them." Nakahinga ako ng maluwanag. Buti nalang wala siya.
"Bakit wala si John Scott?! kasama siya sa line up oh." Bigla namang nag salita si Hannah, ang masaklap pa ay medyo malakas 'yon at alam kong dinig ng sa buong room.
"Oo nga." Ginatungan pa ng isa naming ka-klase.
"Sorry guys, I'm late." Napatingin ang buong klase sa isang lalaking biglang pumasok sa room. Nagsimulang mag tilian ang mga babae at mga bakla kong classmates. Tila isa lamang akong estatwa na naka upo ngayon. Hindi ako makagalaw pero sa loob loob ko nag papanic na ako. Tila humihinto ang oras at naka titig lang ako sa kanya. Napatingin s'ya sa gawi ko kaya nag tama ang ang tingin naming dalawa. Nag iwas ako ng tingin, tumayo sa kina uupuan ko at lumabas gamit ang pinto sa likod ng room namin.
"Bes saan ka pupunta?" Takang pag tatanong ni Hannah. Hinabol pa ako nito hanggang sa makarating kami sa rest room.
"Hindi ko pa rin kaya." Ika ko.
"'Wag mo madaliin sarili mo may tamang panahon para diyan."
"Kailan kaya ang tamang panahon na 'yon hindi na ako makapag hintay maka move on."
"Acceptance is the key bes. Hindi mo kailangan mag move on, kasi pag alam mo na sa sarili mo na tanggap mo na lahat tsaka palang mag a-appear ang salitang move on." Papayo niya.
"Galing mo diyan bes ah saan mo natutunan 'yan?" Pang aasar ko sa kanya.
"Ayon 'yan sa mga nababasa kong romance book." Sinabayan niya pa ng kindat sa'kin.
"Sige. tatandaan ko 'yan. Thank you bes."
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019