Chapter 6

795 26 0
                                    

The next day balik na ulit sa dati ang lahat since palapit na ang exam todo review ako. Hindi ko muna inisip yung mga pangyayari kagabi.

"Dali na kwentuhan mo na kasi ako," pangungulit sa akin ni Hannah na gustong mag pa kwento tungkol sa nangyari last night.

"Mamaya na mag review muna tayo, please?"

"Sige na nga basta mamaya ah kwentuhan mo ako."

Nag patuloy kami sa pag re-review, nang matapos kami mag review ay pabalik na kami sa room namin para sa next subject namin. "Buti nalang talaga absent si Ms. Bartoline ngayon kaya nakapag review pa tayo para sa papalapit na exam natin," pandadaldal ko kay Hannah habang naglalakad pabalik sa room.

"Ikaw lang naman 'yung nag review eh hindi naman ako nag review," sagot nito.

"Huh? eh anong ginagawa mo kanina sa librong hawak mo?" Gulat na tanong ko.

"Malamang nag babasa ng fiction book," sabay ngisi nito. "Hayss kahit kailan ka talaga Hannah oh."

Hinahanap ko 'yung cellphone ko sa bag ko pero kahit anong kalkal ko sa bag ko ay hindi ko makita.

"Ano ba 'yang kinakalkal mo diyan sa bag mo Janna? kulang nalang baliktarin mo na 'yan," curios na tanong ni Hannah na may pagtataka sa kanyang mukha.

"'Yung cellphone ko kasi 'di ko mahanap naiwan ko ata sa library, wait lang ah mauna kana muna sa room natin, 'yong cellphone ko babalikan ko muna sa library."

"Sige ikaw bahala".

Nakarating na ako sa library at tinanong ko yung librarian kung may cellphone ba na naiwan kanina at oo nga naroon nga ang cellphone ko, agad niya naman itong iniabot sa akin.

"Sa susunod ingatan mo ang mga gamit mo ah? bibihira lang ang mga taong nagbabalik ng mga gamit na naiwan dito," pangaral niya pa.

"Pasensya na po hindi na po, 'di na po mauulit magiingat na po ako," panghihingi ko rito ng pasensiya. "Buti nalang may lalaking nag mabuting loob rito kanina na nag balik ng cellphone mo," dag-dag pa ng librarian. "Natanong niyo po ba ang pangalan? nang makapag pasalamat po ako."

"Hindi ko na natanong nag mamadali na kasi siya kanina."

"Ah ganon po ba? Sige po una na po ako."

Habang nag lalakad sa patungong room namin ay nahagip may narinig ako na mga estudyanteng nag uusap.

"Tingin mo bro ma papasagot mo 'yon?"

"Oo naman ako paba?"

"Paano pag napasagot mo si Janna? Ano nang gagawin mo?"

"Syempre makikipag break na ako at sasabihin ko sa kanya na pinag lalaruan ko lang siya."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa pagkakataong ito. Ang gulo, naguguluhan ako. Nagagalit na naiiyak na gustong manapak at pumatay ng tao ang tanging alam ko na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya iyon sa akin ang tanging nasa isip ko lang ngayong mga oras na 'to ay ang malaman kung bakit niya ako pinaglalaruan.

"Oh bakit ang tagal mo?" salubong na tanong sa akin ni Hannah ngunit hindi ko kagad ito sinagot dahil kasunuran ko lang ang susunod na teacher namin. Hindi ako nag-paapekto sa mga narinig ko kanina, mas mahalaga ang mga lessons ngayon kaya kailangan kong makinig ng mabuti.

Natapos na ang klase namin this day at hindi naman ako tinantanan ni Hannah sa pag tatanong niya kanina kung bakit ako natagalan pero hindi ko agad ipinaalam sa kanya. Mas mabuti na ako lang ang nakaka alam.

"Dinner?" pang aalok ni John.

"Pagod ako ihatid mo na agad ako sa bahay," walang gana kong sagot sa kanya. Andito ako ngayon sa sasakyan niya sinundo niya ako sa room namin kaninang uwian.

"Dito mo nalang ako ibaba 'wag mo na ideretso gusto kong makalanghap ng hangin kaya mag lalakad nalang ako simula rito hanggang sa bahay."

"Sure ka? Baka kung anong mangyari sa'yo?"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ito ginagawa sa akin eh. Pero kailangan ko talagang malaman ang dahilan ng mga 'to. "Don't worry nasa barangay na ako namin kilala ko mga tao rito kaya okay lang na mag lakad ako simula rito."

"Sige, mag ingat ka ah." agad na akong lumabas ng sasakyan niya hindi ko na inantay na pagbuksan niya pa ako ng pinto.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon