Chapter 34

363 12 0
                                    

"Ano nang plano mo?"

"Pumayag na'ko sa alok sa'kin ni tatay, aalis daw kami sa makalawa." Walang gana kong sagot kay Hannah. Nakipag kita ako sa kaniya para pormal makapag paalam.

"Agad-agad?!" Tumango ako.

"Iiwan mo na'ko?" Aniya.

"OA naman bes babalik panaman ako after graduation, dito na ulit ako titira at mag tatrabaho."

"Paano si John?" Nangulot ang noo ko sa tanong niya.

"Bakit?" Walang malay kong tanong.

"Anong bakit ka riyan. 'Wag mo nga akong niloloko, kahit isang taon palang tayong mag kaibigan alam ko na kung nagsisinungaling ka lang o hindi. Nababasa ko sa mga mata mo na mahal mo pa rin ang binatang 'yon."

"Oo na! Sige, ikaw na. At isa pa hindi na 'yon binata."

"O sige mauna na'ko andiyan na sundo ko oh." Turo niya kay Sherwyn na papasok ng cafe kung nasaan kami ngayon.

"Tara na ugok!"

"Hindi mo manlang ako pa-uupuin?" Pang mamaktol ni Sherwyn.

"Naka upo ka na nga buong byahe, 'wag mong sabihin sa'kin na nakatayo ka habang nag da-drive." Napangisi nalang ako sa mga itinura ni Hannah.

"Oo na ito na po." Parang bata na sagot ni Sherwyn.

"Una na kami Janna." Pamamaalam nito at tuluyan na itong hinila ni Hannah. Buti pa 'tong dalawang 'to masaya sa isa't-isa. Stay strong, dapat kayo parin pag balik ko rito sa Pinas. Hinayaan ko na muna sana ang sarili ko dito sa cafe nang biglang nag bago ang isip ko sa nakita ko.

"Honney! I like frappe, can you buy that for me please." Pamimilit nang may maarting tono ng babae.

"Pwede ba sa'yo 'yon? Baka nakakasama 'yan sa ipinagbubuntis mo."

"Eeehh gusto ko n'yon eh."

"Iba na lang muna itatanong ko muna sa Doctor kung pwede ka n'yon."

"Bahala ka nga riyan." It's John and Berry. Hindi ako makatingin sa kanila ng deretso, naririnig ko lamang ang usapan nila marahil ay malapit ako kung saan sila huminto para mag usap kung anong bibilhin.

Nang makalagpas sila malapit sa'kin ay tumayo na'ko para umalis. "Uy! Hon, look who's here." Kung minamalas ka nga naman, antalas naman ng mata ng babaeng 'to. Nag maang-maangan akong hindi ko siya narinig ngunit...

"Janna1" Tinawag niya ako kaya wala akong nagawa kung 'di lingunin sila.

"Hi Berry, kumusta kayo ni John at ng baby mo?" Pag aalala kong tono, nabaling rin ang paningin ko sa tiyan ni Berry. Parang hindi naman siya buntis o sadyang bitter lang ako at this moment. Malay ko bang maliit lang siya mag buntis.

"We're okay naman." Ngunit ito.

"Kapag nanganak na'ko ah kukunin ka naming ninang." Tila may pang aasar sa kanyang pananalita.

"Sure." Sagot ko na lamang. "Balitaan mo nalang ako kapag nanganak kana ah? Wala kasi ako sa Pilipinas that time. I'm in abroad." Alam kong nagulat si Berry sa sinabi ko gayon din si John na nangunot ang noo.

"Mag tatrabaho kana sa abroad? Sabagay mas mabuti 'yan matutulungan mo pa pamilya mo kesa mag aral ka, nag sasayang lang kayo ng money."

Kung hindi lang mahaba ang pasensya ko sa mga katulad niya malamang na sapok ko na 'to. "No, I'm studying abroad. Hindi mo ba nabalitaan? Ay sabagay wala na kayo sa Macats college."

"What do you mean?" Tila nag tatakang itsura.

"We're rich na kasi." Hindi sana ako mag mamayabang dahil hindi ko ugaling mag yabang sa iba, pero ang mga kagaya niyang tao ay deserved na yabangan at ipag malaki kung anong mayroon ako ngayon.

"My dad is a CEO of one of the greatest company in this country, binalikan na niya kami for a reason." Tumingin ako ng oras sa wrist watch ko. "Oppss, I'm sorry masyadong maikli ang oras ko I have something to do, sige una na'ko, sa binyag o kasal nalang 'niyo'." I emphasized the last word that I've said. "Tayo mag usap. Bye"

Hindi ko nalang inantay na sumagot siya. Binalingan ko nalang silang dalawa ng tingin with a bitter smile. Gusto ko pag magmamahal ako, katulad mo John ngunit hindi na ikaw dahil alam namang nating hindi na pwede pa. Wala naman talagang akong gagawin ngayon eh, in-excuse ko lang 'yon para makaalis na'ko roon.

Since mag gagabi nanaman ay pumunta na lamang ako sa sea side. "Hey! miss, mag isa ka lang?" Naalala ko si Lorie, hayss sa tuwing mag isa kasi ako bigla nalang siyang susulpot.

Binalingan ko nang tingin ang lalaki at tumango. "Pwedeng tumabi?"

"Hindi ko naman pag mamay ari 'tong upuan kaya sige maupo ka."

"Thankss." Hinayaan ko na lamang siyang maupo.

"I'm Franz." Pag papakilala niya. "And you?"

"Janna."

"Nice meeting you." Aniya at nakipag kamay.

"Why are you here?" Hindi niya ba maitikom ang bibig niya, parang hindi siya nabubuhay nang hindi bumubuka ang bibig ng kahit ilang minuto.

"Para mag relax." Naiilang kong sagot.

"Ahh okay, ako kasi napa-daan lang. May fire works kasi rito ng 6:30 pm kaya umupo muna ako." Gusto kong siyang sagutin na wala akong pakialam ngunit hindi ko magawa dahil alam kong pambabastos 'yon.

"Taga saan ka Janna?"

"Pwede 'wag mo muna akong kausapin, okay?" Naiirita ngunit mahinahon kong tugon. Napa atras ito tila natauhan sa tugon ko.

"Sungit naman, sige bahala ka nga diyan. Kung ayaw mong makipag usap sa'kin, ganyan naman kayong mga babae nag eefort na nga 'yong lalaki pero hindi niyo parin ma appreciate." Tamayo siya at tuluyang nilisan ang inuupuan namin. Medyo natulala ako sa mga huling sinabi niya. Hindi ko alam kong matatawa ako dahil sa tono niya nang kanyang pananalita o malulungkot dahil tila may malaki itong pinag daraanan.

I'm sorry Mr. Franz, hindi ko layuning dagdagan pa ang bigat na pinag daraanan mo ngayon kung mayroon man. I know that we're not the same, 'cause we have our own lives. But I know that we're in the same feelings. Nasaktan tayo. Sige kung mag kikita ulit tayo sasabihin ko sa'yo na don't give up. Because life is not all about giving up, it's all about holding up. May purpose tayo rito sa mundo kaya tayo nabubuhay. Ika nga nila Everythings happen for a reason. Kailangan lang natin ay acceptance kahit masakit ngunit kailangan. The reality slap us if we won't accept the happenings in our lives. 

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon