[John's POV]
"'Wag mong papabayaan bestfriend ko ah, alagaan mo siyang mabuti." 'Yan ang pakiusap at ibinilin sa'kin ni Lorie habang mag kausap kami. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari saaming dalawa ni Janna. Hinanap ko siya the night pagkatapos ng gabing nag kita kami sa labas ng bar, dahil alam kong siya lang ang lubos na nakaka-kilala kay Janna kaya sa kanya ako nag tanong ng mga tungkol sa babaeng mahal ko. Kung anong ayaw niya, anong gusto niya, maging ang kahinaan nito at kung sino talaga si Janna. Alam ni Lorie kung gaano ko kamahal si Janna kaya sinabi niya sa'kin
"Mahal na mahal mo talaga ang bestfriend ko ano?" Aniya nang matapos akong mag kuwento ng mga bagay tungkol saamin ni Janna since day one until now.
"Oo naman, hindi ko parin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya basta ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya." Determinado kong sagot.
"Si Janna ay isang simpleng babae lamang, walang ka arte-arte, lahat ng pagkain kinakain. Hindi siya nag bago, nang bumalik ako rito sa Pilipinas ay gano'n pa rin siya. Hindi nag bago ang turing niya saakin, 'yung parang hindi ako nawala sa paningin niya kasi kung paano niya ako itrato dati noong mga bata pa kami ay ganoon parin ngayon." Aniya.
"Si Janna ay napaka soft hearted noon, madali siyang masaktan kaya madalas siyang umiiyak, kahit kaonting bagay iniiyakan. Pero kahit na ganoon 'yon matatag 'yon, para siyang isang telang napunit at nabuo ulit kasi tinahi. Kahit anong gawing pagkawasak ay mabubuo pa rin." Pagpapatuloy niya.
"Nang panahong nalaman niyang naka buntis ka, sobrang lala ng dinulot mo sa kanya that day." Nagsisimula nanaman akong mainis sa sarili ko.
"Pero kahit galit na galit siya sa'yo that time ay alam ko namang mahal na mahal ka drn niya. Ramdam ko 'yon kahit hindi niya sabihin." Ngumiti si Lorie.
"Pre, pwede mo ba akong sapakin?" Nagulat ito sa tanong ko.
"Hmm? Bakit?" Tanong niya.
"Naiinis ako sa sarili ko, gusto kong bugbugin sarili ko kasi 'yung taong mahal ko sinaktan nito." Turo ko sa sarili ko.
"Tsk! okay lang 'yan pre 'wag mo saktan sarili mo alam kong ayaw ni Janna na masaktan ka rin." Parang bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig nang banggitin niya nanaman ang pangalan ni Janna.
"Isa lang ang hihilingin ko sa'yo kung sakaling mama-alam na ako rito."
"'Wag mong papabayaan bestfriend ko ah, alagaan mo siyang mabuti."
"Alam kong mahal na mahal niyo ang isa't-isa."
"Pare tara na, malapit nang umulan baka maabutan tayo." Pag aaya ni Denvier. Kalilibing lang ni Lorie nang nag pasya ang mga magulang nito sa ilibing agad-agad si Lorie dahil babalik na ang mommy nito sa America, at marahil ay gusto nitong masaksihan sa huling hantungan si Lorie.
"Sige pre susunod ako." Umalis naman agad si Denvier.
"Lorie, pre. Hindi kita bibiguin aalagaan ko ang bestfriend mo, ang taong mahal na mahal ko." Lumisan na ako at sumunod na kay Denvier.
"Okay na?" Tanong ni Denvier.
"Oo, pwede ba nating daanan muna si Janna?"
"'Diba galit sa'yo 'yon?"
"Hindi naman ako mag papakita sisilip lang ako sa bahay nila, titingnan ko lang siya."
"Sige ikaw bahala." Hindi na ako nag salita pa at pinaandar na ni Denvier ang sasakyan, kanyang sasakyan ang gamit namin sumabay lang ako.
"Paano ba masasabi na in-love ka na pre?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya habang siya ay deretso ang tingin sa daan.
"Bakit mo natanong?"
"Wala lang."
"In love ka ano?"
"Tssssk, fuck that love!"
"Owsss pero tandaan mo hindi pinipilit ang pagmamahal sa isang tao dahil kusa itong nararamdaman, ang kailangan mo lang ay mag intay. Don't find love let the love finds you. "
"Corny mo pre." Natawa ako sa reaction niyang nandidiri ang mukha.
"Andito na tayo. Ang yaman naman pala ng mahal mo pre eh, mala palasyo 'yung bahay oh." Ika ni Denvier na hindi ko nalang pinansin dahil hinhanap ko si Janna, until I found her. Naka upo sa bandang swimming pool nakatitig sa kawalan. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang hawakan, yakapin, i-comfort. Nginit hindi ko magawa dahil alam kong ngayon ay galit parin siya saakin, kailangan ko nalang siguro muna siyang bigyan ng space.
"Tara na pre." Aya ko ksy Denvier paalis ditto.
"Agad-agad?"
"Nakita ko na siya eh." Sa ngayon kailangan kong piliting ma-kontento sa ganto lang kahit gustohin kong hindi ma-kontento dahil ang gusto ko ay nasa tabi niya ako.
"Hindi mo manlang lalapitan?"
"Ang sabi ko 'di ba sisilip lang lang ako at titingnan lang siya?"
"Sige sige may pupuntahan din kasi ako mamaya."
"Girlfriend mo? Yes! may girlfriend na siya, mahalin mo 'yan ah 'wag ka nang mang bababae ah." Pang aasar ko sa kanya.\
"Huh? Girlfriend? Hindi!" Nag nag pa-panic nitong sagot at hindi makatingin ng deretso. Confirmed inlove 'to.
[Janna's POV]
"Anak okay ka lang ba riyan?" Tanong saakin ni nanay na kasama si tatay. Narito ako ngayon sa bandang pool nakatitig sa kawalan na hindi parin matanggap ang pagkawala ng bestfriend ko.
"Opo nay, tay okay lang po ako rito. Gusto ko lang pong mapag isa."
"Samahan ka na namin anak. We're together alone." Napangiti nalang ako sa itinuran ni tatay. Tumabi saakin si nanay at hinaplos haplos ang likod ko si tatay naman ay naupo sa kabila, pinag gigitnaan nila ako.
"Naiintindihan ka namin anak, kaya 'wag ka mag alala andito lang kami ng pamilya mo, 'wag mong iisipin na palagi kang mag isa at walang nagmamahal sa'yo." Si nanay.
"Salamat po nay."
"Anak gusto mo bang lumayo muna sa kinagisnan mo para mas madali kang maka recover?" Si tatay na nagtatanong.
"Hindi naman po ako na aksidente eh, grabe po kayo sa maka recover." Tpid akong tumawa.
"Hindi ka nga na aksidente literally, ngunit alam namin ng nanay mo na ang damdamin mo ay maituturing durog na parang nasagasaan ng pag subok sa buhay."
"Ang lalim niyon tay ah."
"Balak ka kasing pag aralin ng tatay mo sa Australia anak." Si nanay.
"Po? Australia?" Gulat kong tanong. Tumango-tango na lamang silang dalawa.
"Parang biglaan naman po ata?" Pagtatakang tanong ko.
"Para sa'yo 'to anak." Pananalita ni tatay na may ngiti sa kanyang mga labi. Siguro panahon na rin upang lumayo upang mas madali kong matanggap lahat ng pangyayari sa buhay ko kahit hindi madali. Wala na rin namang malalim na dahilan para mag stay ako rito.
"Ano anak? Inaantay namin ng tatay mo ang sagot." Tumango-tango na lamang ako bilang tanda na pumapayag ako. Niyakap ako ni nanay at tatay ng may ngiti sa kanilang mga labi at gayon din ako.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019