Habang naglalakad ako papuntang palengke para puntahan si inay napadaan at napahinto ako sa isang ilog ilang metro lamang ang layo sa palengke.
"This place reminds me of some things," naalala ko 'yung lagi kong kasama lagi sa pagpunta rito, tatambay lang sa tabing ilog at kung minsa'y kukuha ng bato at ihahagis sa tubig tapos paramihan kami ng talbog ng bato. Siya rin ang nilalapitan ko pag may problema ako, lagi ko siyang kasama noon nung mga bata pa kami minsan panga ay naliligo rin kami rito sa ilog na 'to. Kaso bigla nalang siyang nawala hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, ang tanging naaalala ko nalang ay pumunta itong ibang bansa dinala siya ng tita niya sa Canada. Hindi ko alam basta ayan ang narinig kong gossips from my neighbors.
"Janna tara laro tayo."
"Saan? at ano naman laaruin natin?."
"Doon tayo sa tabing ilog, laro tayo ng hagisan bato sa ilog."
"'Yan nanaman?wala ng iba?"
"Gusto ko laro tayo ng tagu-taguan.
"Tagu-taguan ng feelings o kaya agaw-agawan ng jowa? HAHAHAHAHAHA."
"Sira ulo ka talaga ang dami mong alam,eh wala ka namang jowa"
"Syempre joke lang 'yun hehe."
"Oh itong bato ako na unang maghahagis nito parahihan lang tayo ng maihahagis ah," nakatulala lang ako sa kanya, pinapabayaan ko lang lang siyang mag hagis ng bato sa ilog tutal diyan naman siya laging masaya eh. Hindi ko na pinapansin ang mga sinasabi niya ang tanging laman ng isip ko lang ngayon ay ang pangangaliwa ni Papa. 'Di ko alam kung bakit niya ito ginawa sa amin paano na 'yan? hindi na buo ang pamilya namin.
"Janna may problema kaba." Tanong ni Lorie ngatapos na siyang mag laro ng hagisan bato sa ilog. "Ah wala sige tuloy mo lang 'yang ginagawa mo."
"Weeeh? alam ko may problema ka hindi normal 'yang mukha mo, kung wala kang problema dapat ngayon ang hyper-hyper mo, makikipag tulakan kapa sa akin sa ilog," alam talaga niya kung malungkot ako at may problema at hindi niya talaga ako titigilan hangga't 'diko sinasabi 'yon. "A-ano kasi eh."
"Sige lang sabihin mo lang ilabas mo yan kesa naman sa tinatago mo yan."
"Si papa kasi eh," hindi kona napigilan napaiyak nalang ako sa sobrang galit at lungkot niyakap naman ako ni Lorie habang hinihimas himas ang likod ko. "Shhhh."
"Si papa kasi eh iniwan kami, 'di ba dapat siya 'yung unang lalaking mananatili sa tabi ko hanggang huli, pero bakit siya pa 'yung unang lalaking wuwasak ng puso ko ." Ika ko habang patuloy na umiiyak kay Lorie.
"Shhhh tahan na wag ka mag alala andito naman ako eh di kita pababayaan andito lang ako lagi sa tabi mo pangako 'yan."
"Hindi moko iiwan ah? Nangako ka aasahan ko 'yan."
----
"Janna saan ka lilipat ng school?" tanong sa akin ng classmate ko dahil graduating na kami next month kaya kailangan mayroon na kaming mapiling papasukan ng high school.
"Sa San Martin University ako mag ha-high school." Sagot ko sa classmate ko na nag tanong at sabay umalis na rin ako para tingnan si Lorie sa room niya kung uwian na nila, lagi kasi kaming nag sasabay pauwi.
Hindi sumabay sa akin sa pag uwi si Lorie tila nag mamadali raw ito ayon sa classmate niya na nakausap ko, hindi lang ito unang beses na gano'n siya tila hindi ko siya maintindihan sa mga kinikilos niya. Hinayaan ko nalang siya at umuwi nalang akong mag isa.
-Graduation day-
"Janna ang ganda mo." Bati sa akin ni Lorie. "Sus 'wag mo nga akong bulahin diyan."
"Bahala ka diyan 'di naman kita binobola eh."
Nag simula na ang graduation, as usual na graduation ganon parin naman hanggang sa matapos. Nag simula na silang mag iyakan, iyak-iyak pa kayo diyan tapos pag nag high school na hindi na mag papansinan.
Napalingon ako kay Lorie sa kabilang side nakatingin din ito sa akin nang umiiyak habang kinakanta ang graduation song namin na Farewell.
Farwell to you my friends we'll see each other again.
Don't cry cause it's not the of everything.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019