"Anong ginagawa natin dito?"Tanong sa'kin ni John nang makababa na kami sa sasakyan niya, dali-dali kasi akong kumaripas ng takbo sa loob at naka sunod naman siya.
"Miss, 'yong boss niyo pwede ko bang makausap?" Tanong ko sa cashier na naroon. Hindi ko pinansin ang tanong sa'kin ni John baka nakakalimutan niya na may atraso pa siya sa'kin.
"Sino po sila ma'am?"
"Janna Darangal."
"Ano pong kailangan nila?" Tanong ulit ng kahera.
"Miss kailangan ko pong makausap ang boss niyo dahil kailangan kong malaman kung nasaan si Lorie. Kaya please lang miss sabihin niyo sa'kin kung nasaan yung boss ninyo!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya medyo napalakas ang boses ko.
"Anong kailangan mo?" May isang lalaking lumabas sa kung saan ang biglang umiksena na alam kong tatay 'yon ni Lorie dahil kamukhang-kamukha niya.
"Maaari ko po ba kayong maka usap?" Paglalakas loob kong tanong. Tumango naman ito bilang pag sang ayon.
"Maupo muna kayo riyan at antayin ninyo ako." Pananalita niya. Naupo kami ni John sa isang table at nag antay.
"Why? Is there something wrong?" Pag tatanong ko kay John ng hindi nito maialis ang mga tingin sa akin.
"Ahh wala wala." Umiling iling pa 'to.
"Na miss lang kita." Dagdag pa nito. Ito nanaman siya. Ako din John miss na miss na kita pero kahit ano pang gawin ko o natin ay hindi na tayo pe-pwedeng mag mahalan kahit mahal pa natin ang isa't-isa.
"Stop that John." Ika ko.
"What's wrong with my words?"
"Stop pretending you don't know, Mr. Scott!" Nanahimik nalang siya. Pero parang hindi ko matanggap sa puso ko ang mga sinabi ko. I'm so sorry John.
"Pasensya na kung napag antay ko kayo, medyo marami kasi akong inaasikaso."Andito na pala ang tatay ni Lorie.
"Pasensya na rin po sa abala, sandali lang naman po kami. May itatanong lang po ako."
"Alam ko na si Lorie ang hinahanap mo Miss Janna." So, pati pala ang tatay ni Lorie kilala ako.
"Nasaan po si Lorie ngayon?" Walang preno kong tanong.
"Mukhang tama nga siya."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Pagtataka ko sa mga salitang huling sinambit ng tatay ni Lorie.
"Tama siya na darating din ang tamang panahon na malalaman mo rin ang lahat." Seryosong saad ng tatay niya.
"Alam niyang hahanapin mo siya kung sakaling malaman mo na may sakit siya." Dagdag pa nito.
"Bakit daw po?"
"Mukhang hindi ako ang dapat mag paliwanag niyan sa 'yo hija."
"Kung gano'n po ay nasaan po ngayon si Lorie?"
"Nasa hospital siya na pagmamay ari ng pinsan ko. Sa Squares medical hospital."
"Sige po maraming salamat. Maiwan ko na po muna kayo!" Nag paalam ako agad nang malaman ko kung nasaang hospital naroroon si Lorie tumango naman ang tatay nito.
Lumabas ako ng restaurant nila at napansin kong tumila na rin ang ulan. Nakasunod pa rin sa akin si John. "Thank you kanina John. This time kaya ko na mag isa kaya ako nalang ang pupunta."
"Sasama ako."
"No, okay na akong mag isa." Mag isa, kahit wala kana John kahit sobrang saki.t
"Ihahatid na kita." Pagpupumilit niya .
"No, thanks."
Papara na sana ako ng jeep na masasakyan ng may bigla siyang sinambit na nag pa hinto sa'kin.
"Ang sabi ni Lorie alagaan daw kita 'wag daw kitang papabayaan." Napalingon ako sa kanya nag kibit balikat ito. So, alam niya na rin pala may sakit si Lorie.
"Sasabay kaba? Papunta rin ako doon." Papasok na siya ng sasakyan niya ng pigilan ko siya.
"Wait..." Napahinto siya at agad na pumunta sa passenger door ng sasakyan niya at binuksan ito.
"Sakay na." Aniya at nilahad pa ang palad niya sa daraanan ko. Wala paring nag bago he still treat me like a princess even I don't deserve it 'cause he already have.
"So you already know him." Pangbabasag ko sa katahimikan sa loob ng kotse.
"Yes." Tipid na sagot niya.
"Ang tipid ng sagot. Gano'n na ba kamahal ang mga salita mo ngayon? Iba talaga kapag John Scott."
"Hindi naman kita tinipid sa pagmamahal." Napatikom ako ng bibig sa mga salitang sinambit niya.
"Oh, Bakit hindi kana makapag salita diyan." Aniya.
"Kaya pati sakit na nadulot hindi rin tipid." Kung kaya mo akong basagin pwes kaya rin kitang basagin ng pinong pino gaya ng ginawa mo sa puso ko.
"I'm so sorry." Sabat niya.
"Sorry your ass. Hindi na maibabalik ng sorry mo ang lahat." Nanahimik nalang kami habang patungo sa hospital na wala nang ni isa sa aming dalawa ang nag salita pa.
"We're here na." Kinabahan ako dahil hindi ko alam kong anong kalagayan ni Lorie rito, kung okay ba siya? kung kumakain ba siya? hindi ba siya pinapabayaan ng mga doctors?.
"Relax Miss." Tila nabasa ni John ang galaw at ang mga iniisip ko. Magtatanong na sana ako kung saan yung room ni Lorie sa mga nurse na naroon ngunit pinigilan ako ni John.
"Alam ko kung nasaan siya."
"Binibisita mo ba siya?"
"Yup." Buti pa siya alam ang kalagayan ni Lorie samatalang ako 'yung bestfriend niya, walang kaalam alam sa lahat ng nangyayari sa kanya. Kumatok si John sa isang room, at habang kumakatok siya ay kinakabahan ako ng sobra. Napansin ko namang tila naka awang ng kaonti ang pinto kaya naman nag lakas loob akong buksan iyon. Nakita namin ang loob na...
"Walang tao rito, sigurado ka ba na rito naka room si Lorie?" Paninigurado ko kay John.
"Oo sigurado ako. Ahh alam ko na let's go." Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko para kasi akong na kuryente. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa roof top ng hospital na may basketball court. Nakita namin roon na may isang batang lalaking naglalaro ng basketball na tinuturuan ng isang lalaking naka wheel chair at naka suot ng hospital gown.
"Isa pa." Utos ng lalaki sa bata at ipinasa ng lalaki ang bola sa bata.
"Pagod na ako kuya pahinga muna." Ika ng bata.
Lumapit naman 'yung lalaki at bahagyang ginulo ang buhok ng batang lalaki. "Gagaling ka rin mag basketball mag tiwala ka lang."
Nararamdaman ko na ang pag tulo ng mainit na likido sa aking mukha mula sa aking mga mata.
"LORIE!" Pag sisigaw ko, dahan-dahan naman nitong inikot ang wheel chair niya. Yes, it's Lorie my best friend sitting on the wheel chair.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019