Chapter 15

481 20 0
                                    

"Hi! Hannah! Hi! Janna," Salubong sa amin ni Sherwyn na nasa gate ng school nag aantay sa pag dating namin ni Hannah or ni Hannah lang.

"Oh, ayan na pala yung ka date mo Hannah oh. Nakss naman ang gwapo ng ka date ng bestfriend ko this night."Pang aasar ko sa kanila at tila nahiya ng bahagya si Hannah.

"Ikaw Janna asaan na si John?" Tanong ni Sherwyn, natigilan ako sa tanong niya =at nagkatinginan kami ni Hannah.

"Ahh si John Scott? Hindi ako nararapat do'n. Mas bagay sila ni Bery ayon oh, tingnan mo 'di ba mas bagay sila?" Turo ko sa dalawa habang inaayos ni Bery ang bow tie ni John. Tila nagulat naman si Sherwyn marahil ay nagtataka ito sa mga nangyayari, hindi siya nag iisa gano'n din kasi ang nararamdaman namin ni Hannah.

"Tara na Sherwn 'wag kanang maraming tanong," hinila siya ni Hannah sa mahaba nitong neck tie.

Pag pasok namin ay mayroong red carpet na daraanan bago kami makapasok sa mismong pinagdarausan ng event. Nauna nang makapasok si Hannah at Sherwyn , naiwan ako mag isa rito sa entrance gate. Halos lahat ng pumapasok ay may kapares, napansin ko namang papasok na si Bery at John sa loob kaya naman hinyaan ko na silang mauna. Agad na lumiwanag ang buong paligid habang naglalakad silang dalawa sa red carpet dahil sa mga camera na nakatutok sa kanila, hindi naman iyon nakapagtataka. Isang sikat na John Scott at anak ng Dean, na may ari din ng buong school at the same time ay magkapares.

Nang matapos ay may mga sumunod pa, hindi ako agad naka singit dahil sa ibang pumapasok na rin sa loob nawala na ang mga camera sa paligid at bumalik na sa simpleng pag entrance ang lahat gaya kanina, nang makakuha ng tyempo ay agad na akong nag lakad sa red carpet. Nagulat ako sa mga lumabas muli na mga camera at panay ang pag shots nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit eh hindi naman ako kasing sikat no'ng dalawa kanina.

"Wow ang ganda niya!"

"Very spectacular dressed!"

"Wala ba siyang partner?".

"Para siyang Hollywood celebrity na aatend ng Oscars award. Ang gorgeous niya!"

"Ang simple pero kabog!"

"Para siyang si Taylor Swift ngayon na pinagkakaguluhan ng media."

Iilan lamang yan sa mga naririnig ko. Hindi ko namalayan na bahagya akong napahinto sa kalagitnaan ng paglalakad ko. At halos lahat ng tao sa event ay nakatingin na sa akin. Gayon din si John. Hindi ko hinayaan na hindi maganda ang bawat kuha ng mg acamera nila kaya'y ginandahan ko ang pag posture ko like a pro.

"Wow girl Hollywood na Hollywood ang datingan mo sa entrance mo, hindi lang ito isang entrance kung 'di isang grand entrance," Salubong sa'kin ni Hannah.

"Hindi ko inaasahan 'yon, akala ko parang hangin lang ako na daraan kanina."

"THANK YOU STUDENTS FOR ATTENDING TO THIS KIND OF EVENT. THIS IS NOT POSSIBLE IF YOU COULDN'T PARTICIPATE THIS EVENT!" Biglang yumanig ang boses ng emcee for this event. Nag bigay ito ng kaunting speech at kasama na roon ang pasasalamat sa lahat para maging posible ang kaganapang ito. Lumipas ang mga oras halos hindi na ako makatayo sa sobrang dami akong gustong makasayaw ko, ang buong akala ko panaman ay mag bubutas lang ako bangko rito. Ngunit mali ako ng akala. Pumunta ako ng restroom upang mag ayos muli ngunit sa labas ng restroom ay hindi ko inaasahang...

"Hoy ikaw Janna! ang kapal ng mukha mo kanina sa entrance wala kang karapatang kuhaan ng gano'ng karaming litrato na parang isang celebrity, eh isa ka lang namang pulubing nagbibihis maganda." Aniya.

"Eh hindi naman ganoon ka ganda ang suot nito mukha paring basahan gaya niya," dagdag pa ng isang alipores niya. At sabay sabay pa silang nag tawanan.

Hinayaan ko nalang sila wala akong panahon sa mga gaya nilang mga immature. Baka pag pinatulan ko pa sila ay ako lang mismo ang magba-baba sa sarili ko at pinalabas na mas masahol pa ako sa kanila. Papasok na ako ng restroom nang pawang walang narinig at nakita kaya naman ay nainsulto lalo si Berry at agad ako nitong hinawakan sa braso at hinatak papalabas ulit ng restroom. "Hoy babae wag mo akong dinadaan-daanan, baka nakakalimutan mo-"

"Na anak ka ni Dean at kayang-kaya mo akong patalsikin rito," ako na ang dumugtong sa mga sasabihin niya sana.

"Aba't sumasagot ka pa ah!"

Kasabay ng pag sabi niya no'n ang pag angat sa ere nh kaniyang kamay at tatangkain akong sampalin ngunit bago paman ito dumampi sa mukha ko at nahawakan ito ng isang lalaki para ito'y pigilan, at nagawa naman niya.

"'Wag mo siyang sasaktan. Walang kahit na sino man ang dapat manakit sa bestfriend ko." Ika nang lalaki.

"Tara na girls." Iritabling umalis si Berry at mga alipores nito. Naiwan naman kami nang lalaki roon nagpaka bayani kanina. Ngunit bakit nga ba ako tinawag nitong best friend?

"Bestfriend? Kailan pa? Kuya are you drunk?" Sunod-sunod na tanong ko rito, pero mukha naman siyang matino at hindi lasing gwapo at matangkad ito.

"Hindi mo na talaga ako naaalala?"

"Wait lang parang nakita na kita noon. Wait lang iisipin ko."

Tila nabuhayan maman ang itsura nito. Pamilyar ang mukha ng lalaking ito ngunit hindi ko malala kaya naman inisip ko pa ng inisip iyon hanggang sa...

"Bingo! Ikaw yung lalaki na nakasabay ko sa ferish wheel dahil kailangan ng couple para nakasakay kaya naman bigla kang sumulpot para mag presenta na ikaw nalang dahil wala ka ring kasabay."

Naaalala ko noong mga panahong iyon ay nalulungkot ako dahil kay John at pumunta ako sa isang overlooking para pagmasdan ang City lights at nang hindi ako makuntento ay sumakay pa ako ng ferish wheel. Kaming dalawa sa isang sakayan ng ferish wheel. Ngunit ipinaramdam nito sa akin na ako lang ang mag isa sa loob tahimik lang kami habang pinagmamasdan noon ang City lights. Nag bigayan kami ng respeto sa isa't-isa kaya naman ay hindi kami nag pakealamang dalawa sa loob.

'Yon lang?" tila may inaasahan pa siyang sagot na makuha sa akin.

"Bakit? Mayroon paba dapat akong maalala? Eh hindi nga kita kilala."

"Hindi mo ba ako na miss?" Tanong ulit nito.

"Teka nga mukha ka namang matino pero bakit ganyan ka kung mag salita parang andami nating pinagsamahan ah."

"Panahon na siguro upang magpakilala ako sa'yo Janna. My bestfriend. Kasabay kong pumapasok sa school. Naglalaro sa tabing ilog ng mga bato: Mga batong inihahagis sa ilog upang mag paramihan ng talbog."

Nagulat ako sa mga sinabi nito, hindi ko namalayan na nakayakap na pala ako sa kanya habang humahagulgol ng iyak sa sobrang pagka-miss ko sa kanya.

"Lorie my bestfriend," ang tanging naisambit ko habang umiiyak at yakap siya.

"I missed you so damn much," dagdag ko pa at lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon