Chapter 5

818 27 0
                                    

Andito ako ngayon sa open field namin naka upo sa isa sa mga upuan na naka hilera dito habang nakikinig ng music para ma relax dahil sa buong mag hapong nakaka pagod. 'Di ko na namalayan ang oras na halos mag gagabi na pala. Lumabas ako ng school para mag abang ng trycicle na masasakyan nang biglang may isang mabilis na puting van ang huminto sa harap ko at, at...

Malabo-labo pa ang paningin ko nang magising ako nang 'di ko alam kung nasaan ako ang tanging naaalala ko lang ay may puting van na huminto sa harap ko kanina at may biglang lumabas na mga naka maskarang puti na mga lalaki, agaran akong hinila papasok sinubukan kong mag pumiglas ngunit hindi ko na nagawa ng may panyo silang inilapat sa ilong ko nakalanghap ako ng nakakahilong amoy.

"Asan ako may tao ba diyan!"

"Gising kana pala," may nagsalita sa likuran ko. Narito ako ngayon nakatali ng mahigpit sa isang upuan.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong ko sa lalaking nagsalita sa likod ko. 'Di naman ako mayaman, 'di rin kagandahan tapos pag kaka-intirisan nila ako mga may saltik ata 'tong mga 'to.

"Pakawalan mo nga ako dito nahihirapan na 'ko!" sigaw ko sa lalaking nasa likod ko.

"Hindi kita pwedeng pakawalan hanggat wala pa si boss na nag padala sayo rito." aniya.

"Ano bang kailangan n'yo sa akin? 'di naman ako mayaman 'di rin kagandahan. Mga may saltik ba kayo? at naisipan n'yung ipadukot ako lalo na 'yang sinasabi mong boss n'yo!"

"Pre andiyan na si boss." Pananalita ng kasama niya sa kanya. Piniringan ako ng lalaki na kanina ay nasa likod ko at kinalagan ako. Tinangka kong tumakas ngunit di ako umubra sa lalaki.

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko sa lalaki.

"Malalaman mo rin mamaya" Sagot niya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad nang 'di ko naman alam kung saan patungo.

"Andito na tayo." sa tingin ko ay lumabas kami dahil sa lamig ng simoy ng hanging pang gabi.

"Janna."

Tila tumayo ang mga balahibo ko sa malamig na boses na sumambit ng pangalan ko at 'di ko maipaliwanag ang aking nadarama. 'Di ako maka galaw sa kinatatayuan ko ngayon, walang iba kung 'di si John lang naman ang tumawag sa pangalan ko. Ang iniisip ko ngayon ay kung bakit nila ako nagawang ipa-kidnapped anong kailangan niya sa akin.

"Jo-John?" kinalagan na ako ng lalaki na kanina pa naka hawak sa kamay ko at agad ko ring tinanggal ang piring sa mga mata ko at nagulantang ako sa nakita ko. Nasa rooftop kami ng isang five star hotel na naka arrange ang mga rosas sa tabi, may isang red carpet na nakalatag at nasa dulo ako nito, may pang couple na dining set sa kabilang dulo ng carpet, may mga naka lawit na garapon na may kandila sa loob at lalo pa itong lumiwanag ng patayin ang ilaw kasabay ng pag tugtog ng 'Mundo' ng IV of Spades.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo.
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo.

Habang tumutugtog ang speaker ay niyaya ako ni John sa dulo ng red carpet para maupo sa dining set na nasa dulo nito. Napaka gwapo ni John ngayon kahit naka white t-shirt lang ito at tux na naka unbuttoned, naka jeans lang pero 'di ko mai-tanggi ang angat na angat nitong kagwapuhan.

Medyo magulo at naka ayos na buhok, pulang labi at medyo singkit na mga mata, matangkad na katauhan at malaki nitong katawan. Naka upo na ako ngayon sa couple dining set at hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari ngayong gabing ito na puno ng romantic scene na napapanood ko lang sa mga palabas sa telebisyon.

"Janna? Okay kalang?"

Nagising nalang ako sa reyalidad ng tawagin ulit ni John ang pangalan ko. "Sino naman magiging okay na may biglang susulpot sa harap mo na puting van, at bigla ka nalang dudukin sa 'di malamang dahilan," panunumbat ko sa kanya habang siya ay nakangisi pa saakin.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon