Chapter 22

407 12 1
                                    

"John okay ka lang? Kung nayayamot ka okay lang naman na mag pahangin ka sa labas."

"Ayoko babantayan lang kita."

Nakapila kami ngayon sa remittance center para mag bayad ng bills namin. Sinabi ko sa kanya na aalis ako at sabi niya naman ay sasama raw siya kaya ayon narito kaming dalawa.

"Sigurado ka ah mukha ka kasing lugmok diyan."

"Okay nga lang basta ikaw miss." Sabay ngiti niya sa'kin.

Nang matapos kaming mag bayad ng bills pupunta sana kami ni John sa isang fast food restaurant pero may nadaanan kaming street food kaya pinilit ko siyang bumuli kami roon.

"Kainin mo hindi ka mamamatay riyan."

"Sigurado ka? Ano ba 'to?" Pagtatanong niya nang hindi maipinta ang mukha habang makatingin sa cup na ibinigay ko sa kanya para kainin. Isang cup ng kalamares.

"Basta kainin mo nalang." Hindi naman siya nagtanong pa at tuloy-tuloy naman siya sa pagkain n'yon.

"Ang sarap ah."

"Sabi ko sa'yo eh, gusto mo pa?" Pang aalok ko sa kanya.

"Wait nga lang ano ba 'to?" Pagtatanong niya ulit.

"Squid yan na may harina." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat habang sik-sik ng pagkain ang magkabilang pisngi niya.

"HA?!" Iniluha niya 'yung mga 'yon.

"Bakit? Okay ka lang?" Pag aalala ko.

"Allergy ako sa squid." Aniya na ikina-gulat ko.

"Sorry John! Anong gagawin natin ang dami mo panamang nakain." Nataranta ako bigla at hindi ko malaman kung anong gagawin ko.

"Hindi okay lang ako. Pahinga lang kailangan nito."

"Sigurado ka ah?"

"Oo naman, hindi naman malala ang magiging epekto nito." Aniya at ayan nanaman siya sa pag ngiti nita. He's totally killing me.

"Let's go?" Pagyaya niya.

"Where are we going." Tanong ko habang hila-hila niya ako.

"Sa mall mag iikot at bibili nang kung ano."

"Akala ko ba sa restaurant tayo patungo?"

"Busog na naman tayo eh kaya mag lilibot muna tayo." Hinyaan ko lang siyang kaladkarin ako at namalayan ko nalang na dinala niya ako sa isang bookstore.

"Anong ginagawa natin dito eh bakasyon naman? Or else mga libro 'yung pinunta natin dito."

"What if yes?"

"What kind of book ba?"

"Fiction."

"Huh? Hindi ako mahilig sa fiction kasi puro kalokohan lang naman ang naroroon. Ayokong umasa, kadalasan kasi sa mga nagbabasa ng fiction ay umaasa na may nag e-exist na gaya ng nasa libro."

"Hindi naman ikaw ang mag babasa ako."

"Wow! you're a reader pala." Mangha kong sabi sa kanya, bihira kasi sa lalaki ang nagbabasa ng libro. Ang kadalasan talaga ay mga babae o kaya mga bakla.

"O siya-siya pumuli ka na lang diyan." Pinagmasadan ko siya habang pumipili ng librong gusto niya at napansin kong may mga bahagyang tumitingin sa kanya at 'yung iba ay nagda-dalawang tingin pa. There are two reasons kung bakit siya pinagtitinginan ng mga bumibili. Una dahil gwapo siya,a t pangalawa ang ikinagulat ko; isang lalking nag babasa ng fiction book.

"Okay na." Matapos niyang pumili.

"Ano yan?"

"Libro ng isang paborito kong author." Matapos namin pumuntang bookstore ay pumunta naman kaming arcade.

"Let's play the game miss." Aniya. Nagpa-palit kami ng token at pumunta kami sa shooting ball.

"Wait miss, para may thrill 'yung laro natin ganto nalang gawin natin. Kung sino ang may pinaka maraming score o ma so-shoot ay may isa siyang bagay na hihilingin. Okay ba?"

"Sige!" Excited kong tugon kahit na imposible akong manalo laban sa kanya.

Nagsimula na kami sa pag lalaro at natapos din kalaunan at syempre tulad ng inaasahan talo ako. 10 'yung scores ko tapos siya ay 48. Ang laki ng lamang natawa nalang ako at umiling-iling sana lang ay hindi mahirap ang dare niya sa'kin.

"Pa'no bayan miss talo ka." Pang aasar pa nito.

"Oo na sige mag dare kana sa'kin." Ngumisi 'to nang parang may masamang gagawin.

"Kiss me." Aniya.

"What? nahihibang ka ba?!" Sinasabi na nga ba eh ka-abnormalan ang nasa isip nito eh.

"Kung ayaw mo ako nalang ang hahalik sa'yo."

"Abnoy ka talaga eh 'no kung ano-anong kabulastugan 'yang nasa isip mo."

"Ako na nga lang ang hahalik." Nagulat ako sa pag hila niya sa'kin at hinalikan niya ako sa noo.

"Diyan muna ngayon sign of respect."

"Abnoy ka talaga. I've never been kiss."

"I'll respect you, miss." Matapos naming mag arcade ay pumunta pa kami kung saan-saan at nang magutom kami ay pumunta naman kaming restaurant at hinatid niya na rin ako sa bahay.

"Thank John see you next time." Then I smiled at him.

"No goodbye kiss?" Hirit pa nito.

"Please don't say goodbye kung magkikita panaman tayo."

"Edi next time kiss." Then he smiled me again with matching pataas-taas pa ng kilay.

"Edi next time nalang bahala ka diyan." umalis na'ko sa harap niya.

"See you next time miss, I Love You." Pahabol niya pa at umalis na rin siya.

"I Love You too John." Bulung ko sa hangin.

"Hello."

"Hello miss."

"Ang aga-aga mo namang tumawag. Ano nanamang problema mo?" Ang kulit-kulit talaga ng lalaking 'to pati pag tulog ko binubulabog. "Pwede mo ba akong dalawin." Aniya na may tono ng pagmamakaawa.

"Bakit kita dadalawin patay ka na ba?" Pang bibiro ko.

"Luh! grabe naman 'to di ba pwedeng nasa hospital lang?" Bigal kumabog ang dib-dib ko at nagising ako ng tuluyan sa mga sinabi nito.

"Ho-hospital?" kinakabahan kong tono.

"Yup. I'm here at the hospital. Don't worry miss I'm fine now." Agad na akong nag bihis at tumungo sa ospital kung nasaan siya ngayon.

"What happened John? Why are you here?" Pabungad kong tanong sa kanya.

"Don't worry I'm okay na."

"I'm not trusting in that words, John. Many person said they okay but the truth is they're not totally okay."

"Oyy concerned siya siguro crush mo 'ko 'no?" Nagawa niya pang mang asar sa kalagyan niya ngayon. Napansin ko ang mga rashes na nasa balat niya.

"Ano ba talagang nangyayari at andito ka ngayon?" I asked him again.

"It's not important, ang mahalaga ay okay na'ko ngayon."

"Mr. John Scott!" Pagbabanta ko.

"Oo na, dahil 'to sa allergy ko." Bigla akong natahimik at nakaramdam ako ng pag ka guilty.

"Woii, I'm okay na don't be sad." Sabat niya.

"I'm so sorry John! Ako pala ang dahilan kung bakit ka narito." Hinawakan ko ang kamay niya.

"No it's not your fault, 'wag mo sisihin ang sarili mo." Pinisil-pisil niya ang kamay ko.

"I'm really sorry talaga John. Sige ganto nalang babawi nalang ako, bibigayan nalang kita ng pagkakataon kung anong gusto mo ipagawa sa'kin except sa kiss hehe."

"Gusto ko 'yan pero hindi ko muna ngayon gagamitin." He smiled.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon