Inantay ko nalang mag gabi dahil gusto kong pumunta sa overlooking mag isa. Gusto kong mawala lahat ng iniisip ko kahapon pa kaya lilibangin ko muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pag tanaw ng mga nagniningningang mga ilaw sa overlooking. "Alis na ako 'nay." Pamamaalam ko. "Mag ingat ka anak ah."
"Opo nay." Habang nag aantay ako ng masasakyan biglang nag ring ang cellphone ko. Si John tumatawag. Hindi ko alam kung sasagutin ko or hindi dahil ngayon iniisip ko parin ang narinig ko kahapon. Pinili ko nalang wag sagutin at ini-arplain mode ko na rin ang cellphone ko para wala nang sagabal, bago ko tuluyang pindutin ang airplane mode ng cellphone ko ay nag text si John.
From: John
Don't forget to eat your dinner.
Hindi na ako nag reply, ayoko munang makipag usap sa kanya. Bumaik nanaman 'yung tanong ko sa aking isipan kung bakit niya ito ginagawa saakin at ano ang mapapala niya kung sakaling mag tagumpay man siya.
'Di kalaunan may nag pasakay rin sa'kin sa wakas, mahigit ilang minuto rin akong nag antay ng masasakyan ko nakakapagod nangang tumayo roon sa kanto namin.
"Kuya overlooking po ah." sabi ko sa driver.
"Opo Miss sabay na po kayo ni kuyang naka jacket." Tugon sa akin ng driver. Napatingin naman ako doon sa mamang naka jacket sa tabi ko. Ang gwapo naman ng lalaking ito at ang bango pa niya. Nasa motorbike bike kami nakasakay at kaming dalawa lang ni kuyang naka jacket na black ang pasahero. Naka earphone si kuyang naka jacket at nakapikit na parang eni-enjoy ang himig ng musika sa kanyang tainga kaya hindi niya napansin ang pagsakay ko. Habang ini-enjoy ang malamig na hangin na dumadampi sa aking mukha ay nag lagay rin ako ng earphone at itinodo ang volume ng cellphone ko at dinama ang himig ng musika.
"Miss?" may kumalabit sa akin dahilan upang maalimpungatan ako, hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako. "Ayy sorry naka tulog pala ako, salamat!"
"Ok lang."
Dali-dali akong pumasok sa overlooking sa sobrang hiya ko. Pero ang lamig ng boses niya at ang gwapo talaga niya kaya naman parang gusto ko nang magpalamon sa lupa kanina no'ng ginising niya ako. Hindi ko alam kung anong itsura ko habang natutulog ako kanina mamaya naka-nganga pa ako roon.
Naglalakad lakad ako nang mapunta ako sa ferish wheel na nandito rin sa overlooked. Nagpasya akong sumakay. "Mag isa lang po kayo ma'am?" Tanong sa akin ng cashier.
"Yes po."
"Hindi po pwedeng mag isa kailangan po dalawa for couple purpose lang po itong ferish wheel, o kaya naman po mag hanap po kayo ng makakasabay po para dalawa po kayong sasakay." Pati banaman itong ferish wheel kailangan mag couple para makasakay? Tumingin ako sa likod ko baka may maka sabay ako at nagulat ako nang may biglang...
"Ahh miss, kami nalang pong dalawa ang sasakay," bigla akong kinabahan sa boses na 'yon pag harap ko sa cashier ay nakita ko iyong lalaki kanina na naka sabay ko sa pag punta ko rito.
"Opo sir," tugon ng cashier sabay bigay ng tickets for couple.
"Tara na?" wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok sa loob ng ferish wheel. Hindi parin ako makapag salita dahil sa pag kagulat ko kanina. "Oyy okay ka lang? Mukahang 'di ka okay sige bababa nalang ako."
"Ahh 'wag ok lang ako, nagulat lang ako kanina"
"Huh bakit? Ahh sa bigla kong pag sulpot? sorry kung nabigla ka"
"Sige, ok lang talaga"
"Mag isa ka lang? Wala ka bang kasama?"
"Oo eh." Umandar nanga ang ferish wheel napaka romantic ng pag andar nito dahan-dahan itong umaakyat pataas. Dumungaw ako sa salaming ding-ding nito at kitang-kita ko ang napakagandang tanawin. Bagamat kita mo rin ito sa baba pero iba ang matatanaw mo rito pag dating sa taas mas malawak at mas lalo pang gumanda kaya nakaka relax itong titigan.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019