[Janna's POV]
"Super nakaka drain this day grabe."
"Yeah, sinabi mo pa."
"Sige na bes mauna na ako gusto ko nang mag pahinga. Bye ingat!"
"Bye!"
Naiwan ako sa labas ng campus namin matapos ni Hannah mag paalam pauwi. Super busy namin this day 'yung department kasi namin ang naatasan mag organized ng magiging flow ng foundation day at mag benta ng tickets dahil kami naman daw ang mas may alam sa marketing strategy. Kala ko pa naman free at walang babayaran, pero ang sabi ng spoke person ng school magiging donation daw ang malilikom na pera sa isang bahay ampunan kaya naman sumang ayon na ang lahat. Hinati-hati ang mga tickets sa'min at since medyo marami-rami naman kami kaya tig tatatlo kaming mag kaka-klase.
Habang nag aaabang ako ng masasakyan pinag masdan ko 'yong tickets. Naka imprint sa mga tix ang flow ng program na ginawa ng department namin at ang mga mag pe-perform sa gabing iyon. Nang ma-scan ko ang isang tix ay napa hinto ako sa isang pangalan na nakalagay na kasama sa mga mag pe-perform. Si John. Hindi na ako mag tataka dahil influencer naman talaga siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako? Malulungkot? o baka naman nasasaktan nanaman. Diko talaga alam.
"Hey wassup." Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ng isang 'to sa harap.
"Ano pa inaantay mo? Sakay na!" Sumilay nanaman ang ngiti nito.
"Sige sabi mo eh!" Sumakay nalang ako dahil kanina pa ako nag aantay ng masasakyan pero wala akong ma-tsempohan.
"How was your day?" Tanong niya.
"Ito super pagod."
"Don't pressure yourself enjoymo lang." Pa'no 'yon?
"Okay sabi mo eh." Nanahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa malapit sa bahay namin.
"Lorie dito mo nalang ako ibaba, maglalakad nalang ako papuntang bahay malapit nalang naman, gusto ko kasi mag lakad-lakad."
"Sure ka?"
"Yup."
Nakababa na ako ng sasayan at mag sisimula nang lumayo sa sasakyan niya nag tawagin niya 'ko. "Janna!"
Napahinto ako at nilingon siya. "Malamig."
Sabay suot niya sa'kin ng jacket niya. Tatangkain ko sanang tanggalin 'yon para ibalik sa kanya ngunit. "Opss 'wag mong tatangalin."
Tsaka siya kumaripas ng takbo pa-pasok sa sasakyan niya at agad itong pina andar. Napangiti sa ka abnormalan niya.
"Sira ulo talaga." I'm lucky to have you Lorie. Please stay by my side. Nang makarating ako sa bahay ay may sasakyang naka parada sa harap namin.
"Kailan pa naging parking lot itong tapat ng bahay namin?"
"Naaay andito na po ako! Kanino po ba—" Natigilan ako sa pag sasalita nang makita ang isang lalaking naka upo sa sofa na akala mo ay kahapon lang hindi nag pakita kung makangiti ay abot tainga. "Janna.. Ang laki-laki mo na anak."
"Tay?" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko agad akong lumapit at inambahan siya ng yakap.
"Tay saan ka galing? Bakit ang tagal mo nawala? Kala ko iniwan mo na kami." Napaiyak na 'ko sa sobrang saya. Tila nawala ang galit ko sa kanya ng ilang taon.
"Hindi na mahalaga 'yon anak ang mahalaga ay andirito na ako." Nanatili parin kami sa pagkakayakap. Gusto kong magalit sa kanya, gusto ko manumbat, pero hindi ko magawa dahil mas lamang ang kasiyahang nadarama ko ngayon.
"Ate sino siya? Bakit mo siya tinawag na tay? Tatay mo ba siya." Biglang pagsingit ni Leslie na walang pang muwang noong panahong iniwanan kami ni tatay.
"Tatay natin siya Leslie." Bakas ang pagka gulat sa kanyang mukha. Lumapit sa kanya si tatay at kinarga ito.
"Ang laki-laki na ng baby ko ah. Sorry baby ah ngayon mo lang nakilala ang tatay mo hayaan mo babawi ako sa'yo; Sa inyo." Binalingan niya naman kami ng tingin ni nanay. Tahimik lang si nanay pero alam kong masaya siya ngayon.
"Hindi ka po ba magpapaliwanag man lang kung bakit mo kami biglang iniwan tay?" Ibinaba niya si Leslie mula sa pagkakabuhat niya at bahagyang huminga ng malalim.
"Pasensya kana anak ah."
"Ako na mag papaliwanag Ernesto." Singit ni nanay.
"No, Jenna ako bahalang mag paliwanag kay Janna."
"Natakot ako anak." Panimula niya. "Natakot ako sa tatay ko noon. Ipinaglaban ko kayo ng mama mo pero di parin sapat. Dumating sa punto sa tinanggal lahat-lahat sa akin ni Daddy ang access ko sa lahat, tinanggalan niya ako ng karapatan sa lahat as in lahat. Hinayaan ko lang siyang gawin 'yon makasama ko lang kayo ng mama mo."
Wala akong idea na mayaman pala sila tatay. Ngunit bakit hindi niya ito minsang nabanggit sa akin dati? "Namuhay kami ng nanay mo ng payapa at malayo sa nakaraan. Binuhay ko kayo hanggang sa abot aking makakaya. Ngunit isang araw, binantaan kayo ni daddy. Kaya nag maka-awa ako sa kanya na kahit ano gagawin ko 'wag niya lang kayong galawin." Ang lupet naman ng daddy niya sa kanya or should I say ni lolo.
"Hiwalayan ko ang mama niyo. 'Yun ang kondisyon ni daddy sa'kin na mahirap para sa akin na gawin 'yon. Kinausap ko ang mama mo tungkol sa bagay na 'yon."
"So alam pala ni nanay ang lahat kung bakit mo kami iniwan?" Sabat ko.
"Yes, pero para sa ikabubuti niyo rin kung bakit namin 'yon ginawa. Hindi naging madali 'yon para sa amin ng mama mo. Isang beses ay napag pasyahan naming magkita ng palihim ngunit nalaman din 'yon agad ni dad. Kaya naman ginawa niya ang lahat para hindi na kami mag kita ng mama niyo. Kaya ipinadala niya ako sa ibang bansa upang doon manirahan at mag aral. Wala na si dad, namatay siya sa heart attach. Pero ang mga huling salitang sinambit niya at agad nag paantig ng damdamin ko. Humingi siya ng tawad sa akin sa pananakal sa buhay ko. Hiniling niya na balikan ko kayo, nagsi-sisi rin siya na inalayo niya ako sa inyo. Humihingi rin siya ng tawad sa mga apo niya; sa inyo."
"Enough na tay ang mahalaga kompleto na tayo. Masyado na akong matured para mag drama sa mga ganitong bagay."
"Salamat anak! Sa pag intindi." Niyakap ako ulit ni tatay kasama si nanay.
"Ako rin." Natawa kami sa bilang pag singit ni Leslie.
Naiiyak ako ngayon hindi dahil sa galit at poot kung 'di dahil sa saya. Sa sayang dulot ng pagka buo ng aking pamilya. Itinuring ko na siyang patay noon para ma-bawasan ang pighating nararamdaman ko sa kanya.
"Tama na nga ang drama. Para tayong mga tanga na nag iiyakan dito." Si nanay.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019