"Hannah ano yan?" tanong ko kay Hannah habang abala sa ginagawa niya samantalang ako ay kakapasok palang ng room.
"Edi ano pa, 'yung requirements na pinapagawa ni ma'am."
"Huh? Anong subject?"
"'Yung sa Personal Development family tree raw, para naman tayong bata rito eh."
"Ahh oo nga pala! patay nawala sa isip ko."
"Gumawa kana dali."
Habang gumagawa ng family tree hindi ko maiwasang isipin si itay kung bakit niya nagawa kaming iwan, kung bakit bigla nalang siyang nawala isang araw, noong walong taong gulang pa lamang ako isang araw pag gising ko ay hinanap ko si itay sabi sa akin ni inay nag trabaho lang si itay sa malayo at naniwala naman ako hanggang sa lumipas ang mga oras, araw, buwan at mga taon ay hindi ko na siyang nasilayan pang muli. Ang sabi ni inay kalimutan ko na raw si itay, eh paano ko maggaawa 'yon? Makakalimutan ko ba yung unang lalaki sa buhay ko na binantayan ako simula pagkabata 'yung tipong makakatulog ako sa sala tas pag gising ko nasa kwarto na ako, that was my favorite transformation in my entire life, at siya rin yung pag tataguan ko sa tuwing hahabulin ako ni inay ng hanger at papaluin dahil sa sobrang kakulitan. Makakalimutan ko ba lahat ng 'yon.
Pero ngayon onti-unti na akong nakakalimot sa lahat ngunit hindi pa rin maiwasang isipin na asan na kaya siya? kumusta na kaya siya? may bago na kaya siyang pamilya ngayon? sana masaya na siya kasi kami hindi masaya noong mga panahong kami'y nilisan niya, sana kung may bago man siyang pamilya ay wag niyang gawin 'yung mga ginawa niya sa amin.
"Uyy Janna ang lalim ng iniisip mo yung family tree mo hindi mo pa nasisimulan," ani Hannah. "Ahh may iniisip lang. Iniisip ko lang kung anong kalagayan mayroon ang tatay ko ngayon." Ika ko.
"Ahh bakit asaan ba tatay mo?" oo nga pala wala nga palang alam itong babaeng ito sa buhay ko kakakilala ko lang pala ng isang 'to. "Ahh wala, never mind ituloy mo lang 'yang ginagawa mo." Tanging naisagot ko na lamang, hindi na ako nag kwento masyado kasing mahaba kung eke-kwento ko pa buong detalye baka hindi niya matapos yang ginagawa niya.
"Nagawa niyo ba yung pinapagawa ko sa inyo?" tanong ng teacher namin sa Personal Development.
"Yes ma'am," Sabay-sabay naming sagot. "Narealize niyo na para kayong grade school na pinapagawa lang ng teacher nila ng isang puno. Ganto 'yan class ang kaibahan lang niyan ay ang 'realization' habang ginagawa ninyo 'yan syempre may mga ma re-realize kayo sa kanya-kanya ninyong buhay, hindi basta drawing lang puno tas ilalagay ninyo pangalan ng family members n'yo sa puno. Any one to share kung ano na realize niya? O sige bubunot nalang ako sa mahiwang bunutan na ito."
Kinakabahan ang bawat isa na baka matawag sila dahil hindi naman nila sineryoso ang activity na pinagawa ni ma'am dahil yung iba rito wala namang pakialam sa mga magulang nila. "Ok Ms. Darangal ano narealize mo matapos o habang ginagawa mo ang activity?" Tanong ni ma'am, Sa dinami-rami namin dito ako pa ang nabunot tsaka hindi naman buo pamilya ko 'no ano namang sasabihin ko rito?
"Na realize ko na dapat nating ma-appreciate lahat ng ginagawa ng ating mga magulang para sa atin, dahil hindi natin alam kung kailan sila mawawala sa ating paningin hindi dahil sila'y namayapa kung 'di dahil ay ang ating ama ay pwedeng mangaliwa. Hindi ko alam kung ano ang tunay nangyari sa aking ama hanggang ngayon, bigla nalang itong nawala sa piling namin.Noong mga panahong nasa piling pa siya namin ay tila wala akong pakealam, tila ako ay isang mus-mus na batang minamahal lamang ng kanyang magulang. Ngunit ngayon ko na realize kung kailan wala na siya, ang lahat ng mga memories namin kapiling ang aking ama at ngayon ko lang na appreciate lahat ng iyon. Kaya kayong mga walang pakialam sa mga magulang niyo PLEASE! mahalin n'yo sila habang nasa tabi niyo pa sila."
Matapos kong mag salita ay nag palakpakan ang mga kaklase ko hindi ko alam na magiging ganoon 'yung sagot ko, ang buong akala ko ay wala akong maisasagot marahil sa tatay kong nawala nalang bigla, ngunit dahil din sa kanya kaya ako naka sagot. Naiinis lang ako kay itay, andaya niya, dapat siya ang unang lakaking nararapat na nasa tabi ko, ang unang lalaki na dadamay sa akin, at ang unang lalaking hindi ako iiwan hanggang huli. Pero nag kamali ako dahil siya yung unang lalaking nang iwan sa akin.
BINABASA MO ANG
You're Mine
Romance"Kahit na iwan kita o mawala ka sa patingin ko hinding-hindi ka naman mawawala sa puso ko. Because you're mine until Forever" Date started: October 24, 2018 Date ended: August 30, 2019