Cobenn P.O.V
Madaming nangyari .. madaming Gumugulo sa isip ko ! Hindi KO alam Kung Bakit ako pumasok sa sitwasyong alam Kung makakasakit Ako Pero Siya Yung May Gusto nun Eh !
"Ano Coby Pano ba yan Taken Kana ! " Sabi ni Clyne ..
"Tsk .." Sabi ko nalang at Shinoot Ko Yung Bola ..
"Hindi mo naba mahal si Jysa nakamove Kana ba !" Tanong niya
"Psh anung klaseng Tanong Yan ! Syempre mahal ko mahal na mahal !" Sabi ko ..
"Eyy ano Yung Kay Seyn , ano Laro Lang yun ? " tanong niya ..
"Siya Lang may Gusto nun , at Shaka kung ano man Meron Saamin , Saamin Nalang Yun Basketball player kaba O news Caster Dami mong Tanong Ehh " Sabi ko ..
"Relax init ng Ulo Eh !! " Sabi niya at pinasa Saakin Yung Bola
Shoshoot na Sana Ako ng Makita Ko si Seyn may Kausap na lalaki At Nag tatawan pa .. gagalit Galit Siya Rin pala Hindi nasunod Sa Rules ..Ayaw ko Lang na may masabi sa kanya na masama !!pinasa KO Kay Clyne yung Bola ..
At Lumapit Ako Kay Seyn .."Baby Girl Diba Sabi ko wag kang makikipag usap sa ibang Lalaki !" Sabi ko nag katinginan sila at Biglang tumawa ..
"Bessy pag Selosan ba naman ako ng Boyfriend mo Haha ..In fairness Yummy siya Haha " wait Bakla , aissh Kainis ..Yumakap Sa Bewang Ko si Seyn Ewan Biglang Kumabog ng malakas Yung Puso ko siguro pagod lang ako ..kaya ganun ..
"Naku Bessy pag pa sensyahan muna ang Boyfriend ko , Seloso Lang haha ! Pero wag mo itong aagawin sakin , kakalbuhin kitang bakla ka !" Nag tatawang Sabi ni Seyn ..
"O siya Sige na ..pinapasabi lang Yun ni ma'am ..mag invite pa kayo para Madami ha ! " Sabi nung bakla at kumindat saakin ..
"Tong baklang to ! Talaga " Sabi ni Seyn at Tumingin saakin ..
"Oh ang kilay Tuwidin Haha ! Tapus na kayo mag practice ? " tanong niya , Umiling lang ako nakayakap siya sakin ng Lumapit kami sa Upuan ..
"here Gatorade Shaka Siopao kumain ka muna " Sabi niya at inabot saakin ..Kinuha ko naman
"Cobby , Punta muna kaming Canteen Kakain balik nalang kami ! Seyn Una muna kami " Sabi bryle at Umalis na sila ..Tiningnan Ko si Seyn ..
"Basang basa ka ng pawis "Sabi niya at pinunasan niya ako sa ulo sa mukha Sa leeg sa braso ..pero ako nakatingin lang Sa kanya ..