ALAS otso na nang magising si Max. Pagkatapos maligo, bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Naabutan niya roon si Belen na may niluluto.
"'Nay, bakit hindi pa kayo tapos magluto? Tanghali na rin po ba nagising si Hero para mamalengke?" tanong niya rito.
"Ah, hindi. Sinabi niya sa akin na darating ang mga kaklase n'yo kaya hindi na muna ako nagbukas ng karenderya," sagot nito.
"Pero sayang naman po ang kikitain n'yo."
"Ayos lang. Minsan na nga lang magkaroon ng bisita ang bahay na 'to. Hindi ko na rin pinabangon nang maaga si Hero para naman makapagpahinga siya. Baka kasi matagalan kayo sa mga gagawin n'yo so hindi kayo makakapagpahinga."
"Tulog pa rin po siya hanggang ngayon?"
"Malamang. Hindi ko pa kasi nakikitang lumabas." Pagkuwa'y ipinaghanda siya nito ng pagkain sa mesa. "Mag-almusal ka na. Tatapusin ko lang itong pinalambot na baka at lalakad na rin ako."
"Saan po kayo pupunta?" tanong ulit niya nang maupo na sa hapag.
"Maggo-grocery. Wala na palang laman ang ref saka kulang na rin ng stocks ang iba pang gamit at pagkain dito. May gusto ka bang ipabili?"
"Wala naman po. Pinadalhan po ba kayo ni Daddy ng budget pang-grocery?"
"May binigay siyang suki card ng isang grocery store na madalas kong pinagbibilhan. Iyon ang ginagamit kong pambayad. Parang credit card."
"Eh, paano naman po kapag wala doon ang kailangan n'yong bilhin?"
"May pera naman ako. Inaabunuhan ko na lang."
"'Nay, sa susunod magpasabi kayo sa akin. May budget naman po ako para sa groceries."
"Huwag na. Iyong perang ginagamit ko, kita iyan ng karenderya. Eh, sa inyo rin naman ako nakikiluto at mga gamit n'yo rin naman ang ginagamit ko. Ayos na iyon."
"Nanay Belen talaga."
Pinatay na nito ang gas stove. "Sige na, kumain ka na diyan. Maiwan na muna kita, ha? Ikaw na ang gumising kay Hero," paalam nito.
"Sige po."
Kakain na sana siya nang maisipang gisingin si Hero para may kasabay siya. Marahas na kinatok niya ang pinto nito.
"Hoy, batugan! Gumising ka na nga!"
"Ano ba?" reklamo nito na naghihikab pa nang pagbuksan siya.
Agad siyang napatalikod nang makitang naka-brief lang ito. "Magdamit ka nga! Bakit ka ba nakahubad matulog?"
"Eh, ang init-init kaya. Bakit ba? Wala namang pasok, ah! Hindi rin magbubukas si Tita ng karenderya ngayon."
"Kaya ayaw mo nang bumangon?" Muli siyang humarap dito. Naka-shirt na ito pero naka-brief pa rin. Ipinokus na lamang niya ang atensyon sa mukha nito. "Alam mo namang darating ang mga classmates natin ngayon. Bakit hindi ka pa naghahanda?"
"Alas nuebe naman ang usapan. Alas otso pa. 8:45 pa ang nasa alarm clock ko."
"Whatever! Magbihis ka nang maayos at sabayan mo akong kumain. Bilisan mo!"
Bumalik na siya sa kusina at ipinaghanda ito ng plato at kubyertos. Muli siyang naupo roon. Subalit nainip siya nang hindi pa rin ito lumalabas makalipas ang ilang minuto. Kaya naman binalikan niya ito sa kwarto nito. She found him snoring on his bed. Bumalik pala ito sa pagtulog.
Para siyang tutubuan ng sungay sa sobrang inis. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. Pagkuway isinaboy iyon sa mukha ng natutulog na binata.
YOU ARE READING
The Transferees
ActionGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...