Chapter 6 - Not the Life She Wanted

25 1 2
                                    

NEWS of Max's beating the Bikers spreaded like wildfire hindi lang sa buong Cas-U kundi sa halos buong Casa de Oro. Her classmates treated her like VIP since then sa takot na baka pag-initan niya ang mga ito.

Meanwhile, muli naman siyang ipinatawag ng kanyang Tito Rico upang komprontahin tungkol sa nangyari.

"Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko," katwiran niya rito.

"Hindi iyon ang narinig kong kwento," wika nito.

"Paniwalaan n'yo kung ano ang gusto n'yong paniwalaan. Wala akong pakialam."

"Ganyan na ba katigas ang puso mo, Kath?"

"I told you, it's Max. At kung wala na kayong ibang sasabihin, babalik na ako sa klase ko."

Tumayo na siya at tinungo ang pinto. Paglabas niya, laking gulat niya nang may grupo ng mga kababaihan na sumalubong sa kanya.

"Hi, Max! Ako si Rhian, ang lider ng Women's Right Association sa Cas-U. Narinig namin ang tungkol sa ginawa mo. Gusto kong sabihin sa iyo na isa kang inspirasyon sa lahat ng mga kababaihan. Nagawa mong ipagtanggol ang sarili mo at hindi mo hinayaang lapastanganin ka ng mga lalaking iyon. Hinahangaan namin ang tapang mo. Sana marami pang mga babaeng katulad mo na matapang na ipaglalaban ang karapatan nila..."

"I don't need your praises," malamig na bara niya rito.

"Gusto ka naming imbitahing sumali sa grupo namin. Magtulungan tayo..."

"No, thanks," at nilampasan ang mga ito.

"Pero Max..."

Huminto siya. "NO!" Natahimik ang mga ito. "Huwag n'yong hintaying mapikon ako sa inyo," banta niya bago tuluyang lumayo.

Wala pa ang kanilang guro para sa afternoon class nang dumating siya. Hero was playing with some girls near the board. Suddenly, the room went quiet nang maupo siya.

Pumunta siya sa upuan ni Hero at inilagay ang bag nito sa upuan niya. She decided to take his seat.

Lumapit ang binata sa kanya. "Nakalimutan mo ang baon mo. Pinabibigay ni Tita Belen. Kumain ka na."

Tumitig siya rito. Hindi siya nito pinatulan. Inilapag nito ang baon niya sa kanyang armchair at bumalik sa mga kalaro nito.

Kinuha niya iyon at muling lumabas ng classroom para pumunta sa cafeteria nila. Konti na lang ang kumakain doon. Malapit na kasing mag-alauna. Halos mga college students na ang naroon.

Minutes later, a group of college boys wearing varsity jackets approached her. Subalit hindi niya pinansin ang mga ito. Nagpatuloy siya sa kanyang pagkain.

Isa sa grupo ang naupo sa tapat niya. "Hey! Max, right?" preskong sabi nito.

She stared at him coldly. "Hindi ko sinabing pwede kang maupo diyan."

"Woah!" bulalas nito. "Astig nga, pare!"

Huminto siya sa pagkain at niligpit ang kanyang baon. Tumayo na siya para iwan ang nakakairitang mga lalaki sa harapan niya.

"Wait! Saan ka pupunta?" maagap na pigil ng lalaki.

Napahinto siya. Sa kanyang inis, hinawakan niya nang napakahigpit ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Namilipit ito sa sakit pero hindi nito ipinahalata sa mga kasama.

"Baka gusto mong kunin ang kamay mo. Nadudumihan ang braso ko," mariing sabi niya.

Agad siya nitong binitiwan.

Walang lingon-likod na iniwan niya ang mga ito at bumalik sa kanyang klase.

"Miss Mejares, bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nanggaling?" tanong ng kanilang guro pagpasok niya. Napansin nito ang bitbit niyang baunan. "Katatapos mo lang kumain?"

The TransfereesWhere stories live. Discover now