Chapter 20 - The Confrontation

19 1 0
                                    

"AGA mo yatang nagising? Or hindi ka pa natutulog?"

It was just 4 AM. She was cooking some hotdogs and toasting some breads dahil nagugutom siya. Cedric just came out from his room--Hero's room--to go to the toilet. Gusto niyang patulan ang pang-aasar nito pero hindi na lamang niya ginawa dahil masyado pang maaga. Baka makaistorbo sa mga natutulog ang pagbabangayan nila.

She decided to make extra servings just in case gusto nitong kumain. "Care to join me?" tanong niya nang lumabas ito at maghugas ng kamay.

Dumulog ito sa mesa. "Masyado nang late para sa midnight snacks yet too early for breakfast. Pero bigla akong nagutom kaya sasabayan na lang kita," sagot nito.

Napangiti siya. She served him a cup of coffee bago naupo sa tapat nito.

"Come on, say it!" wika nito after eating half of his share.

Napatingin siya rito, trying to deny it but to no avail. Sabay silang lumaki ni Cedric kaya kilalang-kilala na siya nito mula ulo hanggang paa.

Huminga siya nang malalim bago umamin dito. "Si Ashley, tumawag siya sa akin kanina. Nagkita sila ni Hero sa Maynila. Mukhang sinabi na niya kay Hero ang tungkol sa atin."

Kahit nakakainis si Cedric at laging nang-aasar sa kanya, ito lang ang tanging nakakaintindi sa kanya at pinakapinagkakatiwalaan niya. He was the most reliable person lalo na sa pagtatago ng kanyang mga sekreto. He was always there, ready to protect her when he needed him the most.

"Mukhang problema nga iyan. Ano naman ang sabi sa iyo ng boyfriend mo?"

He said it again. And she was lost again. Pero agad din niyang sinaway ang sarili. Hindi iyon ang oras para magpantasya. She needed some pieces of advice and enlightenment mula sa taong makaka-relate sa problema niya, and Cedric was the best person to talk to.

"Stop addressing him as 'boyfriend mo'. His name's Hero. Ganoon ba kahirap sabihin ang pangalan niya?" inis niya sabi.

"I call him Gaston. Nasusuka ako sa 'Hero'," pagtatapat ni Cedric. "Anyway, so, nagkausap na ba kayo?"

"Yeah. Pero wala siyang binanggit na kahit ano tungkol doon. Kesyo sinabi lang ni Ashley kung gaano ako ka-popular during my days in Princeton, like how I was being adored with my beauty and brain...Pero hindi ako naniniwala. I know something smells fishy."

"Paano ka naman nakakasiguro? Baka nga nagkwentuhan lang ang dalawa. Malay mo naman, bumait na ulit si Ashley."

"Ang mga demonyong katulad ni Ashley, kailanman ay hindi na puputi ang budhi. She once pretended as my bestfriend para lang makitaan niya ako ng kahinaan...to kick me out of Princeton. Ngayong naging matunog na ulit ang pangalan ko dahil sa Cas-U, she will do anything to ruin my life again."

"Grabe ka naman makapag-judge sa bestfriend mo."

"Ex-bestfriend," pagtatama niya.

A sudden pain struck her heart nang maalala ang pinagsamahan nila ni Ashley. Hindi niya lubos maisip kung saan siya nagkamali, ano'ng nagawa niyang kasalanan dito at nagawa siya nitong traydorin. Ang kaisa-isang taong pinagsabihan niya ng kanyang sekreto tungkol kay Hero...ang kaisa-isang pinagkatiwalaan niya at inasahan niyang maniniwala sa kanya at ipaglalaban siya ay siya pang unang nagsumbong sa kanya sa school board tungkol sa pagkakasangkot niya sa pagkamatay ni Dana.

No one was there nang dumating sila ni Cedric sa crime scene except Hero who was holding Dana. Pero agad nalaman ni Ashley ang mga pangyayari. Sa tingin niya, minamanmanan nito ang lahat ng kilos niya noon pa lang, bago pa sila naging matalik na magkaibigan. Ashley never treated her as a friend but an enemy, a rival. Isa itong ahas na naghihintay ng tamang pagkakataon kung kailan siya tutuklawin.

The TransfereesWhere stories live. Discover now