"DANA! Please, huwag mo akong iwan..." Umiiyak si Hero habang kinakandong ang duguang katawan ng girlfriend.
Kinuha nito ang kanyang nakakuyom na kamao. "Ipangako mo sa akin..." Kahit nahihirapan ay pinilit nitong magsalita para sabihin ang gusto nitong sabihin. "...hindi mo na gagamitin ang kamaong ito sa kahit anong karahasan. Kung makikipag-away ka man ulit...sa panahong iyon...dapat pinoprotektahan mo lang ang babaeng mamahalin ng puso mo."
"Pero wala nang ibang mamahalin ang puso ko maliban sa iyo..."
"Basta mangako ka..."
"Oo, pangako! Pangako!" mabilis na sagot niya para hindi na ito mag-alala pa.
"Mahal na mahal kita...He...ro..." at tuluyan na nga itong namaalam.
"Dana!!!"
"CEDRIC! Ano'ng ginagawa mo rito?" humahangos na tanong ni Kath nang matagpuan ang pinsan sa computer shop na pag-aari ng kaibigan nito.
"Bakit? Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Si Liam...!"
Hindi na siya nito pinatapos pa. Agad itong tumayo at hinatak siya papunta sa sasakyan nito. Pagkasakay nila'y singbilis ng kidlat na pinaharurot nito ang sasakyan.
Pagdating nila sa warehouse na hideout ng grupo nito'y wala nang tao maliban sa isang lalaking umiiyak habang kandong ang isang babaeng duguan at tila wala nang buhay.
"Dana..."
Tulala siya at hindi makapagsalita.
"Hero..." tanging nasambit ni Cedric nang lumapit ito sa binata.
Napatingala ito sa pinsan niya. Subalit ang lungkot sa mga mata nito ay napalitan ng galit at pagkamuhi.
"Hayop ka!" wika nito kay Cedric at mabilis na binitiwan ang katawan ng nobya para suntukin ang pinsan niya.
"Hero, wala akong alam..."
"Tumahimik ka!" bara nito kay Cedric at muli itong sinuntok. Hindi nanlaban ang pinsan niya. Siya nama'y nakatayo lang doon at umiiyak. Naaawa siya sa dalawang lalaki sa harapan niya--kay Cedric dahil hinayaan lang nitong bugbugin siya ni Hero at kay Hero dahil sa pagkamatay ng girlfriend nito.
Hindi kalauna'y napagod na si Hero sa kasusuntok kay Cedric, habang panay ang hingi ng tawad ng pinsan niya kahit wala itong alam sa nangyari. "Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko sa iyo para gawin mo ito sa akin? Para idamay mo ang girlfriend ko? Wala siyang kinalaman sa away natin. Bakit n'yo siya idinamay? Bakit n'yo siya kinuha sa akin?" umiiyak na wika nito.
That day...that tragedy...changed their lives forever, hindi lang nilang tatlo kundi ng lahat ng taong may kinalaman sa kanila.
Author's Note:
Heart-breaking ba ang intro ko? Hehehe. Pasensya na kayo. Para maiba naman. ^_^
This is another gangster Jdrama/movie-inspired action novel na matagal na matagal ko nang nasimulan pero, katulad ng Kazumi: Black Dragon Heiress, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya natatapos. Ngayong nakakita ako ng tamang lugar na paglalagyan nito, excited na akong tapusin ito.
Don't worry guys, hindi na masyadong kumplikado ang kwentong ito...medyo lang. Sana suportahan n'yo ito katulad ng pagsuporta n'yo kay Kazumi.
Thank you!
MAIN CASTS:
Yukuse Yamamoto as Hercules Ronald Gaston a.k.a. Hero
Yuko Oshima as Kathrina Maxine Mejares a.k.a. Kath/Max
Takanori Iwata as Cedric Johnson Montemayor a.k.a. Cedric
Mariya Nishiuchi as Dana Gonzales
Haruna Kojima as Ashley Bernardino
Yuya Takaki as Liam Asenio
Nene Otsuka as Belen
Tomomi Itano as Lisa
Daito Shunsuke as Darwin
Miura Shohei as Lance
Kaku Kento as Miggy
Yuki Yamada as Vince
Kubota Masataka as Calvin
Inspired mostly by Jdrama series: Majisuka Gakuen and Tumbling.
YOU ARE READING
The Transferees
AksiGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...