Chapter 25 - Break-up Real Quick

30 1 0
                                    

"HERO?" ang malambing na sambit ni Dana sa kanyang pangalan. Kasalukuyan silang naglalakad sa labas pagkatapos nilang manuod ng dolphin exhibition sa adventure park na kanilang pinasyalan.

Napasulyap siya rito. "Hm?"

"What if bigla akong mawala?"

"Saan ka naman pupunta?"

"Hindi ko alam. Baka ma-kidnap o mamatay or mag-disappear na parang bula, gano'n."

Napahinto siya sa paghakbang. Natigilan dito ito at muntik nang ma-out of balance dahil sa ginawa niya. "Hindi magandang biro iyan," seryosong wika niya.

Natawa ito. "Ano ka ba? What if nga lang, eh. Sagutin mo na."

"Kapag nawala ka, hahanapin kita. Kapag umalis ka, pupuntahan kita. At kapag namatay ka, pagbabayarin ko ang dahilan ng pagkamatay mo--o baka mapatay ko rin siya. Okay na?"

Ngumiti ito nang malapad. "Thank you."

"Saan?" kunot-noong tanong niya.

"Sa pagsagot mo sa tanong ko. At sa pagmamahal mo sa akin." Hinaplos nito ang kanyang pisngi at dinampian siya ng halik sa labi. "I love you."

Napatingin siya sa mga mata nito. Pagkuwa'y bigla itong niyakap ng sobrang higpit. "Mahal na mahal din kita. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin."

Marahan itong kumalas sa kanya. "Promise? Hindi mo ako papalitan?"

"Walang papalit sa iyo sa puso ko. Promise iyan," sagot niya. Itinaas pa niya ang kanang palad upang patunay ng kanyang katapatan dito...

"Mr. Gaston? Hero Gaston."

"Yes, Dana Gonzales?" nakangiting sagot niya habang nakapikit.

"Hero!"

"Dana?"

"Mr. Hercules Ronald Gaston, gising!"

Isang malakas na pagbagsak ng makapal na libro sa desk niya, kasabay ng pabulyaw na pagtawag sa buo niyang pangalan, ang tuluyang nagpagising kay Hero mula sa kanyang pagkakaidlip sa klase ni Mr. Saturno.

Agad siyang napatayo nang tuwid. "S-Sir! Yes, Sir!"

Nagtawanan ang kanyang mga kaklase maliban kay Max.

"Mr. Francisco Saturno ang pangalan ko at hindi Dana Gonzales, Mr. Gaston. Ganoon ba ka-boring ang klase ko na mas pinili mong matulog na lang at managinip ng mga babae?" galit na sabi ng guro.

"Hindi po, Sir. Pasensya na po. Hindi ko po sinasadya."

"Sino naman kaya si Dana Gonzales?" tukso ng isang kaklaseng nasa likuran.

Sinegundahan naman ito ng iba pa nilang kaklase na naintriga rin. "Oo, nga. Siguro isa sa mga crushes ni Hero."

"Baka naman girlfriend niya sa dating eskwelahan."

Nagsimulang maging maingay ang kanilang klase na kahit ang guro nila'y hindi maawat ang mga kaklase niya. Hanggang sa tumayo si Max at sipain nito ang bakanteng silyang katabi nito.  Awtomatikong napatingin ang lahat dito.

"Titigil kayo o paduduguin ko iyang mga bibig n'yo?" seryosong banta nito na isa-isang pinandilatan ang mga nag-iingay kani-kanina lang.

Nagsitigil ang lahat at nagsibalik sa pagkakaupo.

"That's enough, Miss Mejares. You don't have to do that," awat ng guro sa kanya. "Alright, settle down na. Balik tayo sa dini-discuss natin."

Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Max habang bumabalik ito sa pagkakaupo. That's when he noticed na bumalik na ito sa dati nitong ayos--sa Max na nakilala nilang lahat. Wala na ang tali sa buhok nito at lalong wala na rin ang light make up sa mukha nito. Purong pulbo lamang ang nandoon at konting lipbalm, na hindi naging sapat upang ikubli ang nakakatakot na hitsura sa mukha nito.

The TransfereesWhere stories live. Discover now