"MAX! Nasaan ka na ba? Ano'ng oras na? Bakit hindi ka pa bumabalik?"
"I'll be there in the morning."
"Akala ko ba hindi mo kabisado ang Maynila? Bakit ka naman gagala ng ganitong oras? Nasaan ka ba? Umuwi ka na nga. Kanina pa ako hindi makatulog sa sobrang pag-aalala sa iyo."
"Nandito ako sa Cebu."
"Oh, ano'ng ginagawa mo-- What?! Ano'ng sa Cebu? You mean, Cebu? Lumipad ka kanina diyan sa Cebu?"
"Yes. I took the midnight flight. Mahabang kwento. Mamaya ko na ipapaliwanag pag-uwi ko."
"Talagang hindi mo natiis iyang Hero mo, no? Baliw ka na nga talaga! Hala, sige! Mag-iingat ka diyan. Makabalik na nga sa pagtulog. Hmp!"
Sunud-sunod na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan matapos patayin ni Lisa ang linya nito. Ramdam niya ang matinding pag-aalala nito, at gusto rin niyang batukan ang sarili sa padalus-dalos na desisyon niya.
But she's already in Cebu, in front of the red gate--ang address ng bahay ni Darwin na ibinigay nito sa kanya. Wala nang atrasan ito. Sana nga tama ang napuntahan niya at nang hindi siya mapahiya.
"Max?" Bahagyang natulala ang lumabas na si Darwin nang makita siya. "Ikaw ba talaga iyan? Ano'ng...? Pasok ka! I told you pauwi na kami kanina."
Hindi siya sumagot. Sumunod lang siya rito hanggang sa loob.
"See? Tulog na," wika nito nang buksan ang kwarto ni Hero. Nakadapa itong humihilik.
"Nangako ako sa kanya na hindi ako masyadong iinom. Iyon pala, siya itong ang daming ininom."
Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at bumalik sa sala.
"Pasensya na kung nakaistorbo ako."
Natawa ito nang mahina. "Tama nga si Lisa. Ang sarap sa pakiramdam kapag humihingi ka ng pasensya. Para kang maamong tupa."
Biglang tumalim ang tingin niya rito.
"Oh, huwag ka namang magalit! Compliment iyon," mabilis na depensa nito.
Huminga siya nang malalim. "Masyado akong nadala sa emosyon ko nang tinawagan niya ako kanina. The next thing I knew, nandito na ako."
"Nagulat talaga ako, pero wala iyon."
Pagkuwa'y tinitigan niya ito nang diretso sa mga mata. "Sigurado ka ba talagang wala kayong milagrong ginawa bago kayo umuwi? May narinig akong babae kanina habang nasa bar pa kayo."
"Ah, iyon ba?" Muli itong natawa. "Mga kasamahan iyon ng kaibigan kong may-ari ng bar. Pagkatapos ibigay sa akin ni Hero ang cellphone niya para magkausap tayo, bigla niyang binulungan ang babae. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya pero bigla na lang itong umalis at hindi na bumalik."
"Talaga?" nagdududa pa ring tanong niya.
"Oo. Tingin mo ba ipagpapalit ka niya sa kung sinu-sino lang?"
Hindi niya ito sinagot. "Sige, magpahinga ka na. Aalis na ako."
Akmang tatalikod na siya subalit maagap siya nitong pinigilan. "Sandali! Saan ka pupunta? Huwag mong sabihing babalik ka na sa Maynila?"
"Titingnan ko kung may available flight na pwede akong makahabol ngayon."
"Paano kung wala? Ang mabuti pa dito ka na matulog. Sa umaga ka na lumakad kapag mataas na ang sikat ng araw. Besides, Sunday na at day off n'yo naman."
"May importante akong lakad mamaya."
"Hindi pwede. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa labas. Dito ka lang...at matutulog...na...ak...o."
YOU ARE READING
The Transferees
ActionGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...