SA kagustuhan ni Max na matapos agad sa kanyang emersion, nagboluntaryo siyang mag-overtime upang madagdagan ang oras ng kanyang serbisyo. Ginawa niya iyon upang mapagtuunan nang pansin ang kanyang driving lessons dahil balak niyang pagpraktisan ang kanilang nakatenggang sasakyan bago man lang sila bumalik sa Casa.
Ang kaso, hindi pumayag si Lisa na mag-isa itong uuwi araw-araw kaya nag-overtime na rin ito. Tuloy, isang linggo rin itong matatambay sa bahay nila dahil pareho ang date ng return flight nila sa Casa de Oro."Bakit, sinabi ko bang gumaya ka sa akin?" katwiran niya nang mahalata itong nagmumukmok kinabukasan matapos silang mag-celebrate ng kanilang farewell party.
"Bakit, sinabi ko ba?" nakasimangot na sagot nito.
"Eh, halata naman diyan sa mukha mo. Kung gusto mo, bumalik ka do'n at magpatuloy sa pagtatrabaho nang walang sweldo. Oo, tama. Mag-charity work ka para naman..."
"Tumigil ka na nga!" inis na bara nito.
Huminga siya nang malalim. "Fine! Babalikan kita rito mamaya pagkatapos ng klase ko, saka tayo mamasyal."
Biglang umaliwalas ang mukha nitong napatingin sa kanya. "Seriously? Wait, tayong dalawa lang?"
"Yeah?"
"Akala ko ba...?"
"Hindi tayo magko-commute. Besides, may google map naman. Hindi tayo mawawala. Charge mo cellphone mo at magpa-load ka nang bongga para may data tayong magagamit."
"Asus! Don't worry, ako ang bahala! Yey!"
Para itong batang pinayagang maglaro sa labas sa sobrang tuwa at yumakap pa sa kanya. "I love you, Max!"
"Eww! Tomboy!" biro niya.
"Tseh! Umalis ka na nga! Bilisan mo ang uwi, ha?" taboy nito sa kanya.
Nagpaalam na siya rito at kay Macy bago umalis.
Taliwas sa kanyang inaasahan, pati pala siya ay excited sa gagawin nilang gala. At sa kasabikan niya'y hindi na niya napansin ang oras.
"Mukhang mas maganda ang awra mo ngayon, Miss Mejares. Mas gumanda rin ang performance mo more than ever," puri ng instructor niya.
"Maganda lang po ang gising ko," nakangiting sagot niya.
After her class, dumiretso na siya ng uwi. Tatawagin na sana niya si Lisa nang mapansin niya ang isang kotse na katabi ng sa kanila at kilala niya kung kanino iyon. Dali-dali siyang pumasok upang makita si Cedric.
"Hindi ko alam kung ano'ng binabalak mo sa pinsan ko, pero gusto kong layuan mo na siya!"
Napatigil siya sa pintuan nang maabutan ang sinabing iyon ni Cedric, at lalo pang nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Lisa ang sinasabihan nito.
"Cedric!"
Sabay na napalingon sa kanya sina Cedric at Lisa.
Lumapit siya sa dalawa. "Bakit ganyan ka makipag-usap kay Lisa?"
"You don't know this woman!"
"Neither do you!" Lumapit siya kay Lisa at itinago ito sa likuran niya. "Kaklase ko si Lisa at kasama ko siya sa OJT kaya dito muna siya nakatira."
Pinandilatan niya si Cedric at sinenyasang kumalma. Kilala niya ito. Hindi ito basta-basta nagagalit at lalong hindi ito nambabastos ng babae, maliban na lang kung may mabigat itong dahilan.
Bumaling siya kay Lisa. "Are you okay?"
Huminga nang malalim si Cedric. "Oh, I'm sorry." Tumingin ito kay Lisa. "Nabigla lang ako. Matagal na kasing walang nakatira sa bahay maliban kay Macy."
YOU ARE READING
The Transferees
ActionGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...