Kinabukasan ng hapon.
"MAY nangyari ba sa dalawang iyan?"
"Oo nga. Hindi ako sanay na tahimik lang sila at hindi nagbabangayan."
"Tahimik lang naman talaga si Max. Pero si Hero, hindi ako sanay na hindi siya nakakairita at nangungulit ngayon."
Alam ni Max na mahina lang ang bulung-bulongan ng mga kaklase nila pero nakakabingi na iyon sa kanyang pandinig.
Sinipa niya ang harapang upuan. Napaigtad naman si Lisa sa sobrang gulat. "Ano ba?! Tatahimik ba kayo diyan o puputulin ko ang mga dila ninyo ngayon din?" naiiritang singhal niya sa kanyang mga kaklase.
Agad natahimik ang mga ito at kanya-kanyang iwas ng tingin sa kanya.
Tumayo siya para lumabas.
"Miss Mejares, saan ka pupunta?" tanong ni Mr. Castro na papasok na sana sa kanilang classroom.
"Sumakit po bigla ang ulo ko. Magpapa-check up lang po ako at hihingi ng gamot sa clinic," pagsisinungaling niya rito.
"Ganoon ba? Sige, ingat ka," sagot ng guro. "Oh, Mr. Gaston! Saan ka rin pupunta?"
Napalingon siya nang marinig ang pangalan ni Hero. Nakita niya itong nakatayo sa likuran ng guro.
"Sasamahan ko lang po si Max. Baka po hindi niya kaya. Aalalayan ko lang po siya," pagsisinungaling din nito na sa kanya nakatingin.
Tumalim ang titig niya rito subalit hindi ito nagpasindak sa kanya. Nauna siyang tumalikod habang nakasunod ito. Nang maramdaman niyang wala nang nakatingin sa kanila, agad siyang lumiko sa isang lumang classroom na hindi na ginagamit.
"Plano mo ba akong sundan hanggang bukas?" naiiritang tanong niya kay Hero.
"Gusto ko lang magkausap tayo," wika nito sa magkahalong pagsusumamo at awtoridad.
"Hindi ba sinabi ko na sa iyo kahapon na huwag mo na akong kausapin?"
"Iyon lang ba ang dahilan? Iyon lang bang hindi ko paggising sa iyo ang ikinagagalit mo sa akin? Kasi ang pagkakakilala ko sa iyo, hindi ka ganyan kababaw at pinapalampas mo lang ang ganyan kaliit na bagay. Nagbago ka na ba talaga? Nagbago ka na simula nang magkamabutihan kayo ng Liam na iyon?"
"You don't know anything about me, at walang kinalaman si Liam dito."
"Huwag mo nang itanggi. Sinabi ba niya sa iyo? Pinakiusapan ka ba niya na layuan ako? O lumalayo ka sa akin dahil galit ka sa nalaman mong ginawa ko kay Liam noon? Alin ba doon? Sabihin mo!"
"Leave. Me. Alone."
Iniwan na niya ito at hindi na bumalik sa kanilang classroom. She snuck out of the campus and rode on the first jeep that she saw. She decided to go somewhere far from Cas-U.
"Para!" wika niya sa driver when she saw a familiar establishment. Bumaba siya at naglakad sa tapat nito. It was the same bookstore na binibilhan niya noon ng mga libro kasama si Cedric. Naroon pa rin ang adjacent coffee shop, which had the same owner, na tinatambayan nila pa pagkatapos mamili.
"Hi! May I help you?" bati ng waitress na lumapit sa kanya nang maupo siya sa bakanteng mesa.
That familiar smile, she would never forget it. It was the same smile that greeted her a long time ago everytime she came. Although she got older, her smile was still the same.
"Isang slice ng chocolate cake at isang Hamtaro milk tea," sagot niya. Those were what she used to order. Chocolate cake was her favorite, at best-seller ng coffee shop na iyon ang Hamtaro milk tea, which was just a taro milk tea with a twist. Ang may-ari lang ang nakakaalam ng secret ingredient nito.
YOU ARE READING
The Transferees
AçãoGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...