Araw ng Sabado...
WALANG pasok pero hindi pinayagan si Hero na umalis ng bahay. That day was a special day. Darating ang nag-iisang anak ng mga amo ng kanyang tiyahin na si Kath. Sarado ang karenderya. Naging abala sila sa paglilinis ng buong kabahayan.
Ang malaking bahay na katabi ng karenderya ay isa sa mga pag-aari ng amo ng kanyang tiyahin. Sa guest room na malapit sa kusina, doon siya kasalukuyang natutulog. Dating tambayan diumano iyon ni CJ, ang pinsan ni Kath. Samantalang ang kanyang tiyahin ay sa kwarto pa rin nito natutulog.
Dahil nga nag-iisang anak, he expected the girl to be a spoiled brat. So, para walang masabi ang mga magulang nito kapag kinumusta, they needed to do their best para hindi masabihan ng hindi maganda. She was expected to arrive in the afternoon. And Hero was to fetch her from the terminal and drove her to the house.
Magkahalong excitement at kaba ang kanyang naramdaman habang hinihintay ang oras ng pagdating nito. Hindi niya maintindihan kung bakit excited siya gayong hindi naman siya naging interesado sa mga babae ever since nawala si Dana. Kung may isang babae mang nakatawag-pansin sa kanya nitong huli, that was Max, ang astig na classmate niya na transferee ding katulad niya. But that was just because she reminded him of someone he used to be--no more.
He arrived at the terminal one hour before the arrival of the next bus. He waited patiently. Subalit tatlong bus na ang dumating at umalis, wala pa ring Kathrina ang lumalapit sa kanya.
Suddenly, a petite woman wearing sneakers in denim tattered shorts and loose shirt with checkered long sleeves wrapped around her waist approached him. Medyo wavy ang buhok nitong naka-pony tail. "Excuse me, wala ka pa bang balak umuwi? Naiinip na kasi ako, eh," wika nito, without removing her thick sunglasses.
Kumurap-kurap siya at luminga-linga sa paligid. Walang ibang tao roon sa tabi niya. "A-Ako ba ang kinakausap mo?" tanong niya rito sabay turo sa kanyang sarili.
"May iba bang tao rito? Ikaw ang pamangkin ni Nanay Belen, hindi ba?"
Natigilan siya. That voice was familiar. Muli niyang tiningnan ang hitsura nito lalo na ang mukha nito. "Max?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Kinuha nito ang sunglasses. "Don't say my name so casually. Hindi tayo close," she warned him. "And yes, ako nga. Ako ang anak ng amo ni Nanay Belen. Ako si Kathrina. Kailangan ko pa ba ng ID?"
"Ah, sorry! Akala ko kasi..." Akala niya kasi isang prinsesa ang susunduin niya--a classy girl in fancy dress wearing high heels and make-up. Hindi naman niya inakalang cowboy pala ang anak ng amo ni Tita Belen niya. And of all people, si Max pa talaga!
"So ano? Tititigan mo na lang ako hanggang magdamag?" pilosopong untag nito sa kanya.
Bago pa siya makasagot, muli na maman itong nagsalita, "Akin na ang susi. Ako na ang magmamaneho," she said at mabilis na kinuha ang susi sa kanyang bulsa. Hindi niya alam kung paano nito natunton iyon.
He just stood there, dumbfounded. Natauhan na lamang siya nang biglang umandar ang sasakyan. She drove the car away nang hindi pa siya nakakasakay.
"Hoy, Teka! Sandali! Hintayin mo ako!" Anak ng p**a! Sinubukan niya itong habulin pero hindi na niya ito inabutan. Wala pa naman siyang dinalang pera kasi nga excited siyang magmaneho ulit ng sasakyan after months na lagi na lang siyang nagko-commute simula nang dumating siya ng Casa de Oro.
Napilitan siyang maglakad pauwi. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ng tita niya sa bus terminal. Nasa tabi lang din ito ng highway kaya mukhang malapit lang.
Habang nasa daan, nauna namang tumakbo ang isipan niya sa bahay ng kanyang tiyahin. Ano kaya ang pinagsasasabi ng babaeng iyon sa tita ko?
"Oh, Hero! Maghanda ka na at kakain na tayo," wika ng naglulutong si Belen pagdating niya sa bahay after almost 20 minutes of fastwalking.
YOU ARE READING
The Transferees
AçãoGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...