NANG hapong iyon, dumating ang batang tinulungan ni Hero kasama ang ama nito. Nagpasalamat ang mga ito sa ginawa niyang kabayanihan. Humingi rin ng tawad ang ama para sa ginawa ni Calvin sa kanya at sa nangyari kay Dana.
"Alam ko na ang lahat at nahihiya ako sa sarili ko. Napakawala kwenta kong ama," saad nito.
"Huwag po kayong magsalita nang ganyan. Wala po kayong kasalanan sa nangyari," he consoled him.
Everything was going smoothly until dumating si Calvin. Biglang kumulo ang dugo niya sa galit pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil sa nalaman niyang ito ang nag-donate ng dugo sa kanya at kapatid pa nito ang iniligtas niya.
"Dad, nandito na ang driver natin. Kailangan nang umuwi ni Michael at kailangan n'yo na ring pumunta sa meeting ninyo," wika nito sa ama nang hindi tumitingin sa kanya.
"Sige," sagot ng ginoo bago bumaling sa kanya. "Kailangan na namin umalis, hijo. Masaya ako at ligtas ka na. Maraming salamat ulit."
"Thank you, Kuya Hero!"
"Wala po iyon," mahinang sagot niya.
Tumalikod ito sa kanya at bumaling kay Calvin. "Calvin, wala ka namang ibang gagawin. Samahan mo muna siya rito habang wala pa ang magbabantay sa kanya."
"Ah, hindi na po, Sir. Kaya ko na po ang sarili ko. Parating na rin po yata ang tita ko," sabad niya nang marinig ang sinabi nito.
"No problem, Dad. Babantayan ko siyang mabuti," matabang na sagot ni Calvin na sa kanya nakatingin.
Sinalubong niya ito ng masamang tingin. Inirapan lang siya nito bago ito tumalikod para ihatid ang mag-ama sa labas ng pinto. Pagkuwa'y bumalik din ito sa kanya.
"Kung inaakala mong magpapasalamat ako sa ginawa mong pag-donate ng dugo sa akin, nagkakamali ka..."
"Hindi ko kailangan ng pasalamat mula sa iyo," mabilis na bara nito sa kanya. At hindi ko ginawa iyon para sa iyo, kundi para sa kapatid ko. Ayokong ma-trauma siya sa nangyari sa iyo at dalhin niya sa konsensya niya habang-buhay ang guilt kung sakaling namatay ka. Bata pa si Michael. Ayokong maranasan niya ang mga naranasan kong hindi maganda noon."
"May puso ka rin naman pala, bakit madalas parang hindi ka tao?" komento niya.
"Galit ako sa iyo at hindi kita gusto kaya ganoon ang pakikitungo ko sa iyo."
"The feeling is mutual, huwag kang mag-alala," nakaismid na sagot niya.
"Kung talagang wala ka nang kailangan, iiwanan na kita rito. May iba pa akong pupuntahan," anito bago tumalikod sa kanya.
"Calvin!" Napahinto ito malapit sa pinto. "Humihingi ako nang tawad sa nangyari kay Dana."
Nakita niya ang pag-angat-baba ng balikat nito, indikasyon na huminga ito nang malalim bago sumagot sa kanya. "Yeah. Me, too." At umalis na ito.
Nang araw na iyon, hindi dumalaw sa kanya si Max. Inisip na lamang niyang busy ito sa paaralan dahil ilang araw din itong hindi pumasok dahil sa kanya.
Kinabukasan, nakalabas na siya ng ospital pero hindi pa siya pinayagan ng doktor na magkikikilos at pumasok sa eskwela nang ilang araw. Ipinasya ng kanyang Tita Belen na doon na muna siya manatili sa bahay nina Max. Wala namang tumutol. Even Cedric agreed to it, though, hindi ito doon nanatili kundi sa bahay ng Tito Rico nito.
Everything was fine except that Max had not been talking with him since the last time they talked at napapansin niya iniiwasan nitong magkasalubong sila.
"Tita, may nasabi ba sa inyo si Max?" tanong niya sa tiyahin makalipas ang ilang araw na pagtitiis.
"Wala naman. Bakit, nag-away na naman ba kayo?" sagot nito.
YOU ARE READING
The Transferees
AzioneGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...