"HINDI mo dapat pinagsalitaan ng ganoon ang mga magulang mo," bungad ni Cedric kay Max nang tuluyan nang umalis si Lisa.
"Why am I not surprise na kinakampihan mo sila kesa sa akin?" sarkastikong sagot niya.
"Ang daddy mo ang nakipag-areglo sa mommy ni Dana para hindi makulong si Gaston. Ginamit niya lahat ng koneksyon niya para makahanap ng ebidensyang magpapaabswelto sa boyfriend mo."
Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin dito. Her mouth opened but no words came out from it.
"Pina-autopsy niya si Dana to prove that it was all an accident. He had it all arranged para maisara na agad ang kaso at hindi na tayo madamay pang lahat."
"Alam mo, habang nakakulong ako kahapon, naisip ko na sana noon ko pa iyon naisip gawin. Sana nagpakulong na lang ako kesa lumipad sa Amerika. Mas mababawasan siguro ang guilt ko at maaga sana akong nasanay sa galit ni Hero."
"Have you always been that selfish, Kathrina?"
Cedric's question felt like an accusation to her, at tumagos iyon sa kanyang puso lalo na nang makita niya ang galit sa mga mata nito. Nalilitong tiningnan niya ito sa mga mata. May alam ba ito na hindi niya alam?
"Wala ka nang ibang inisip kundi ang sarili mo simula pa noong mga bata pa tayo. You hated your parents so much dahil wala silang oras para sa iyo and you hated them more noong nakialam sila sa personal mong buhay. Ni minsan ba inilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon nila? Alam mo ba kung gaano kasakit sa mga magulang na hindi makasama ang anak nila pero kailangan nilang gawin para sa kinabukasan nito? And when your future was almost ruined dahil sa pagmamahal mo sa lalaking iyon, may narinig ka bang masama mula sa kanila tungkol kay Hero? Kinutya ka ba nila dahil nagkagusto ka sa lalaking iyon? Did they ever confronted or threatened him na layuan ka? Ha?" sunud-sunod na sumbat nito sa kanya.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga hugot nito, but now that she thought about it, tama nga ito. Ni minsan, hindi niya inisip ang nararamdaman ng kanyang mga magulang. She was all about her and her feelings. Ang paminsan-minsang paglalambing niya were just so she could ask them some favor. Now that Cedric had pointed it out, pakiramdam niya'y isa siyang spoiled brat na walang utang na loob sa mga magulang.
Tears started flowing from her eyes. Cedric also started to calm down.
"Alam mo ba kung bakit kinailangan nating lumipad sa Amerika? Dahil doon ooperahan ang daddy mo sa puso. Nag-alala siyang baka i-bully ka ng mga kaklase mo kapag nanatili ka sa Princeton dahil sa nangyari kaya pinakiusapan niya akong pilitin kang isama.
At nang tumakas ka para bumalik dito sa Pilipinas, your mother had a nervous breakdown. Alam mo ba kung anong sinabi niya habang nasa ospital ka? Hanapin daw kita at siguraduhing ligtas ka at maayos ang lagay mo. Thank God at naisipan mo namang bumalik dito sa Casa de Oro kaya medyo napanatag na rin ang loob nila!
I didn't tell your parents about Gaston being Nanay Belen's nephew and that you were living with him in the house dahil ayokong atakehin na naman sila ng mga sakit nila. But your father found out about it, confronted me, and he asked me to monitor on you. Hindi ko sinabi sa kanyang nagkakamabutihan na kayong dalawa. Alam mo ba kung gaano kabigat sa pakiramdam iyon? Iyong pakiramdam na tinatraydor mo ang mga taong pinagkakautangan mo ng loob dahil naglilihim ka sa kanila!
Pero siyempre hindi mo alam iyon. Hindi mo alam ang pakiramdam na iyon dahil hindi ka naman minsan tumanaw ng utang na loob sa mga magulang mo! You are an ungrateful, selfish, spoiled brat na wala nang ginawa kundi ang magdala ng problema at sama ng loob sa mga magulang niya!"
"Tama na!!!"
Sumigaw siya nang napakalakas bago ito sinugod. Pinatulan siya ni Cedric kaya naglaban silang dalawa. Isang malakas na suntok sa mukha ang iginawad niya rito na sinuklian naman nito ng malakas na sipa sa kanyang sikmura. Mukhang malaki ang galit ni Cedric sa kanya because he's not holding back kahit pa babae siya. She was no more his cousin, Kathrina, to him but an ungrateful, selfish, spoiled brat gangster named Max.
YOU ARE READING
The Transferees
ActionGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...