"KUMUSTA si Hero?" agad na tanong ni Max nang dumating sa bahay. Nabalitaan niya ang nangyari dito kaya agad siyang umuwi.
"Aray ko! Tita naman!" narinig niyang daing ni Hero mula sa kusina bago pa makasagot ang dalawang kaibigan nitong nakabantay sa karenderya.
Lumapit siya rito. She was devastated to see his face. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao sa galit.
"Oh, Max! Andito ka na pala! Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ipaghain na kita?" wika ni Belen na siyang unang nakakita sa kanya.
Pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili. "Okay lang po ako, 'Nay. Ako na po diyan. Asikasuhin n'yo na lang po iyong karenderya."
"Oh, siya! At pagsabihan mo rin itong si Hero, ha? Sa susunod huwag kung saan-saan nagsususuot para hindi mapagtripan," anito nang tumayo. "Naku! Kayong mga bata kayo talaga..." pahabol pang reklamo nito nang palabas na ng kusina.
Umiwas nang tingin si Hero sa kanya habang pinagpapatuloy niya ang paggagamot dito. Sa sobrang inis naman niya'y idiniin niya ang paglagay ng betadine sa sugat nito.
"Aray! Ano ba? Masakit, ha!" reklamo nito.
"Kulang pa iyan. Kung naabutan kita kanina siguro tinuluyan na kita."
"Tutuluyan mo talaga ako? Hindi ka na naawa sa akin? Ako na nga itong kaawa-awa, sa akin ka pa galit?"
"Eh, kung hindi mo ako iniwan kanina, hindi ka sana nabugbog nang ganito?"
"Labo mo rin, eh, no? Galit ka nga no'ng sinusundan kita, tapos galit ka rin kasi iniwan kita. Ano ba talaga?"
Mas lalo niya idiniin ang bulak na may betadine sa sugat nito sa mukha. "Ang dami mong reklamo!"
"Ahhhh! Oo na...Sorry na. Papatayin mo pa ako, eh."
Ngumiti siya at hindi na nagsalita. Sumeryoso na siya sa pagde-dressing ng mga sugat nito. She was aware of Hero's eyes na matamang nakatitig sa kanya. Nako-conscious na siya pero hindi siya nagpahalata.
Few moments later, his hand moved towards her face and tucked her loose hairs behind her ear. It was a simple gesture but it made her heart go wild. Nang tumitig siya rito'y nakatitig pa rin ito sa kanya, at hindi niya magawang iiwas ang tingin dito. She was magnetized by the looks in his eyes.
"Alam mo, tama ang sinabi ni Brenda. Maangas ka nga, pero napakabait mong tao. Ang swerte ng lalaking mamahalin mo."
Pinagtagpo niya ang mga kilay at mabilis na ibinalik sa ginagawa ang kanyang tingin upang pagtakpan ang namumula niyang pisngi at kinikilig niyang puso. "Swerte mo nga," bulong niya sa sarili.
"Ano'ng sabi mo?"
"Wala. Sabi ko tumahimik ka na kundi ilalagay ko itong mga bulak sa loob ng bunganga mo."
"Oo na. Sungit!"
Pagkatapos gamutin si Hero, iniwan na niya ito para umakyat sa kanyang silid. Agad niyang tinawagan si Liam. "Magkita tayo."
"Saan mo gusto?"
"Sa elementary school natin. Sa abandonadong T.H.E. building."
"Fine. Coming."
Iyon lang at pinatay na niya ang kanyang linya. She changed her clothes into white sando top covered by a black leather jacket, tattered skinny jeans with a pair of black rubber shoes. She finished with a ponytail.
"May lakad ka?"
Napahinto siya sa harap ng main door nang marinig ang tinig ni Hero. Humarap siya rito at ngumiti. "Yup. Nagyaya ng girls night out sina Lisa. Naisipan ko lang pumunta baka masaya doon."
YOU ARE READING
The Transferees
AcciónGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...