Chapter 24 - In a Re-LIE-tionship

15 0 0
                                    

TULALA si Max nang makabalik sa Cas-U. Hindi nila nakita si Liam sa bahay nito. May sakit diumano ito at ayaw munang tumanggap ng bisita kaya hindi sila pinapasok. Subalit iba ang kutob niya. Hindi ang tulad ni Liam ang madaling dapuan ng sakit, at hindi ito mahilig umimbento ng mga lame excuses na tulad niyon.

"Kawawa naman si Liam. Ano kaya ang sakit niya? Siguro measles o kaya chicken pox. Ayaw tayong papasukin, eh. Takot sigurong makahawa."

Nagpatuloy ang espekulasyon ng mga kaklase niya hanggang sa makabalik sila sa kanilang classroom. Wala roon si Hero. Kahit hindi niya tinatanong, sinabi ni Darwin na hindi pa ito bumabalik simula nang mag-walk out ito kanina. Napabuntong-hininga na lamang siya at tahimik na napaupo.

Hayyy...Bakit ba puro lalaki na lang ang pinoproblema ko ngayon? Dati-rati naman hindi ko problema ang kahit sinong lalaki dahil takot silang lahat sa akin.

Itong si Hero naman, hindi ko alam kung paano kakausapin nang matino.. Hindi ko tuloy alam kung paano mag-react sa harap niya. Para tuloy akong tuta na yumuyuko kapag napagsasabihan ng amo niya. Ako na tuloy itong tila under sa kanya.

Wala sa loob na ipinilig niya ang kanyang ulo sa bandang kaliwa, at napasandal iyon sa sementong dingding. Isa pang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

"Noon, puro babae ang nakapaligid sa akin. Ngayon naman, halos mga lalaki na ang nakakasalamuha ko."

"At nagpapaikot ng mundo mo ngayon?"

"Sa isang lalaki lang naman umiikot ang mundo ko simula noon hanggang ngayon."

"Ako ba iyon?"

"Oo, sino pa ba?"

Agad siyang napalingon nang mapagtanto ang boses na iyon at maramdamang may katabi na pala siya. Napanganga siya pero walang salitang namutawi sa kanyang mga labi. Parang gusto na niyang maglaho nang mga oras na iyon sa harapan nito nang ma-realize niyang kanina pa pala ito nakabalik, at ang balikat pala nito ang sinasandalan niya at hindi ang sementong dingding malapit sa bintana.

Mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin. "I-I'm so s-sorry. Hindi ko...hindi ko sinasadya. Akala ko kasi...akala ko iyong dingding," hindi magkandatuto at utal-utal na sagot niya.

"It's okay. I don't mind," payak na sagot nito. "Gusto mo bang palit tayo?"

"Hindi na. O-okay lang."

"Max!"

Napapitlag siya at agad napatingin dito. "Ha?"

Tumitig ito nang diretso sa kanya. May naaninag siyang kakaiba sa mga mata nito: 

Galit? 

Medyo. 

Selos?

Bumilis ang tibok ng puso niya at tila kakapusin siya nang hininga. She wanted to look away but his eyes were like magnets that kept her gaze in his.

Sumeryoso ang mukha nito. "Simula ngayon wala ka nang ibang sasamahang lalaki kundi ako lang. Hindi ka sasama sa ibang lalaki kung wala ako. At wala kang iisiping ibang lalaki kundi ako lang. Naiintindihan mo?" ma-awtoridad ang mababang boses nito na may kasamang pagbabanta at dalang panganib.

"H-ha?" Magulo. Sobrang gulo ng utak niya at hindi nito kayang iproseso ang mga sinasabi ni Hero sa kanya. Napakaingay ng kanyang puso, at tila ba mabibingi siya sa lakas ng kabog nito.

"Simula ngayon, akin ka lang. Naiintindihan mo? YOU. ARE. MINE." Pagkawika nito'y bigla nitong inangkin ang mga labi niya. Hindi siya agad nakahuma. Nang ilang sandali pa'y napapikit na lamang siya at nanalanging sana hindi iyon isang panaginip lamang paggising niya.

The TransfereesWhere stories live. Discover now