Chapter 34 - Saving Hero

23 2 1
                                    

"MABUTI naman at natauhan ka na. Napakawalanghiya talaga ng taong iyon..."

"Liam!" agad na bara ni Max kay Liam. "Kahit ano'ng sabihin mo, hindi magbabago ang nararamdaman ko kay Hero."

Dumilim ang mukha nito. "Nagbubulag-bulagan ka pa rin ba hanggang ngayon?"

"Bakit ikaw, Liam? Hindi ka ba nagsasawa sa akin? Nagbubulag-bulagan ka pa rin ba hanggang ngayon?" balik niya sa tanong nito.

Para itong binuhusan nang malamig na tubig at hindi agad nakasagot.

"I know you've cared for me all this time and I thank you for that. You've been a good friend to me. Pero tulad mo, hindi ko kayang turuan ang puso ko kung sino ang dapat at hindi ko dapat mahalin. Si Hero pa rin at si Hero lang ang tinitibok nito," nangingilid ang luhang wika niya sabay turo sa kanyang dibdib.

"Don't do this to me, Kath. Àlam kong..."

"Please, Liam. Pabayaan mo na ako," makaawa niya.

She stood up bago pa niya matapos ang kanyang pagkain. Dumiretso siya ng alis palabas ng campus.

Habang palabas ng gate, naabutan niya ang papasok namang sina Vince at Lisa.

"Max, saan ka pupunta? Mukhang nagmamadali ka yata?" tanong ni Vince sa kanya.

Subalit hindi siya rito tumingin kundi kay Lisa. "Nasaan si Hero?"

Hindi nakaligtas sa kanya ang natatarantang hitsura nito. "Ah, eh..."

"Napaiwan siya doon sa karenderya," sabad ni Vince.

Iyon lang ang gusto niyang marinig. She rushed to the nearest eatery only to find out na nakaalis na si Hero few minutes ago.

Laglag ang mga balikat na lumabas siya ng karenderyang iyon. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Hero. Saan kaya ito nagpunta? Kakabalik lang ulit nito sa klase tapos biglang maglalaho na naman.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang number nito. Nagri-ring iyon pero walang sumasagot.

"Ano naman kaya ang ginagawa ng mokong na iyon?"

She took down the path pauwi habang iginagala niya ang paningin hoping na makikita ito sa daan. Sa kakahanap niya kay Hero, hindi niya napansin ang kanyang dinadaanan kaya laking gulat niya nang mabunggo ang isang bata kaya nabitiwan niya ang kanyang cellphone.

"Naku, boy! Ayos ka lang?" Agad niya itong nilapitan at inalalayang makatayo mula sa pagkakatumba bago dinampot ang kanyang cellphone.

"Oh, I'm so sorry! Nasira ko po ba ang phone n'yo?" nag-aalalang wika nito with his konyo accent.

She looked at her phone. Wala namang deperensya. Matibay naman kasi ito at may protector din. "Ayos lang naman."

"Sigurado po kayo? I can ask my dad to buy you a new one," hindi kumbinsidong anito. Base sa pananalita nito, she could tell na anak-mayaman ang batang iyon.

"No, it's okay. Bakit ka ba kasi tumatakbo?"

"Kasi may mga bad guys na gustong manakit sa akin...Wait! Ate, patingin ng picture."

Nagtatakang tiningnan niya ang kanyang screen. It was Hero's photo attached to his number. "Kilala mo siya?" gulat na tanong ng bata.

"Ate, halika, bilis! Tulungan mo siya. Pinagtulungan siya ng mga bad guys doon!" Agad nitong hinila ang kanyang kamay papunta sa kinaroroonan ni Hero. Kinakabahan naman siyang napasunod dito.

"Hero!" Ganoon na lamang ang kanyang pagkagimbal nang makita ang binatang duguan at nakahandusay sa semento. Agad niya itong nilapitan at kinandong. "Hero, ano'ng nangyari sa iyo? Gumising ka!"

The TransfereesWhere stories live. Discover now