"ANO'NG meron?" tanong ni Max sa mga babaeng estudyante na parang nagmamadaling lumabas. Kararating lang niya sa campus at nasa lobby na siya papunta sa kanilang classroom.
"Sabi nila sobrang gwapo raw ng bagong transferee at mukhang mayaman," sagot nito.
Napatingin siya sa direksyon ni Hero, na kararating lang at nakatingin na pala sa kanya. Agad niyang binawi ang kanyang tingin at ibinaling sa kapaparadang sasakyan sa parking space ng campus. Medyo malayo man, nakilala niya agad ang kotse ni Liam. Lalong dumilim ang hitsura niya nang bumaba ito at pagtilihan ng mga kababaihan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Hero nang dumaan siya sa tapat nito. She was walking towards Liam's direction.
Napahinto siya. "Mauna ka na sa classrom. Susunod ako," aniya nang hindi tumitingin dito.
Hindi ito sumagot. Naramdaman na lamang niya ang paglayo nito. She then walked towards Liam. Huminto sila sa tapat ng isa't isa, habang nagtatagpo ang kanilang mga titig.
"Tabi!" mahina pero mariin at malamig na saad niya rito.
Hindi tuminag ang binata. Mapanghamon ang titig nito sa kanya, but she wasn't scared at all.
"Nakaharang ka sa dinadaanan ko," wika ulit niya, now even colder at nagbabanta. Subukan mong pumalag at sasapakin kita.
Napatingin si Liam sa paligid nang mapansin nitong yumuyukong tumabi ang mga kasabayan nitong naglalakad at ang iba pa'y takot na lumayo. Nang muli itong tumingin sa kanya, tinaasan niya ito ng kilay.
Tumaas ang kanang bahagi ng bibig nito kasabay ang mahinang pag-iling. "Sorry," anito nang tuluyang tumabi para padaanin siya.
Hindi na niya ito pinansin. Dumiretso siya sa rooftop at naisipang tawagan si Cedric.
"What?!" tila hindi makapaniwalang tanong nito nang sabihin niya ang tungkol kay Liam.
"You heard it right," sagot niya. "Nagkaharap na nga kaming lahat nina Hero; at hindi pa ito nakontento, nag-transfer pa rito sa Cas-U. Talaga bang hindi titigil ang bestfriend mo sa pagsira ng buhay ko?" napipikong dagdag pa niya.
"Kath, calm down. Kakausapin ko si Liam."
"Para ano pa? Eh, di mas lalong magagalit iyon kapag nalaman niya na matagal na akong nandito pati na si Hero. Eh, di kayo naman ang nagkasira at kasalanan ko na naman?"
"Binalaan na kita, hindi ba? You should have seen it coming."
"Hindi ako tumawag para hingin ang opinyon mo. Binalitaan lang kita."
"Ano na'ng plano mo? Kung ayaw mong madamay sa gulo nila, then leave them there."
"No! Hindi ko hahayaang galawin na naman niya at sirain ang buhay ni Hero. Nananahimik na iyong tao. Mabuti nga tumino at hindi naisipang maghiganti."
"Paano ka nakakasigurong hindi? Baka wala pa. Oras na malaman niyang sangkot ka sa gulo tungkol sa pagkamatay ng girlfriend niya, sigurado akong hindi ka rin niya patatawarin. Kung ako sa iyo, lumayo ka na sa kanya bago ka pa masaktan."
Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Cedric kaya pinatay na niya ang kanyang linya. May tama naman ito, at iyon ang ayaw tanggapin ng puso niya.
Limang minuto bago magsimula ang klase, nagpasya na siyang bumaba para pumunta sa kanyang klase. Bakante ang upuan nilang dalawa at hindi mahagilap ng paningin niya si Hero.
"Kung hinahanap mo si Hero, nakita ko kanina sa labas kausap iyong bagong salta. Mukhang magkakilala sila," sagot ni Joshua, ang nakaupo sa unahan ni Darwin.
YOU ARE READING
The Transferees
ActionGumuho ang mundo ni Hero sa pagkamatay ng nobyang si Dana dahil sa isang gang fight. Subalit lingid sa kanyang kaalaman, hindi lang pala buhay niya ang nagbago nang araw na iyon kundi pati na ang kay Kath, ang babaeng lihim na umiibig sa kanya. Nang...