Chapter 17 - Another Obstacle

20 1 2
                                    

One month later...

"MAX, sandali!"

Napatigil siya sa labas ng pinto ng harangin siya ng mga kaklase niyang babae. She arrived five minutes earlier than Hero. Hindi nila iyon pinagkasunduan pero simula nang mangyari ang "insidente" sa pagitan nila, tila ba nagka-feeling awkward na sila sa bahay lalo na sa harap ni Belen at mga kaibigan ni Hero. Ayos lang sa campus nila dahil alam naman ng mga kaklase nila na away-bati ang "relasyon" nila.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"See? May mali talaga," wika ni Brenda.

Kumunot ang noo niya. "Ano ba? May sasabihin ba kayo o wala? Anong mali?"

"Ikaw! May mali sa iyo," sagot ni Lisa.

"Pwede ba, please diretsuhin n'yo nga ako!" naiiritang hiling niya.

"Alam mo kung ano'ng mali sa iyo?" sabad ni Daisy. "Una, hindi ka dapat nagtatanong? Pangalawa, hindi ka nagtataka. Pangatlo, at higit sa lahat, hindi ka gumagamit ng 'Please' kapag nakikipag-usap sa amin."

Tumaas ang kanyang kilay. Maging siya ay hindi napansin ang mga iyon. "So?"

"Are you in love?" diretsahang tanong ng mga ito.

"What!" Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Napansin lang namin, kasi lately, madalas ka nang nakangiti at hindi ka na nakakatakot kausapin. Hindi mo na rin inaaway si Hero at hindi ka na naiinis sa kanya. In fact, ang bait-bait mo nga...Wait!"

Tila kakapusin siya ng hininga nang tumigil si Sheena sa pagsasalita. Maging ang mga kasama nito'y naghihintay rin sa karugtong ng sasabihin nito.

"It's Hero, right? It's because of Hero. You are in love with him," kinikilig na sabi nito.

Gusto niya itong kutusan sa sobrang inis, but the overflowing kilig was also overwhelming her heart kaya hindi siya agad nakapagsalita.

"Bakit naririnig ko ang pangalan ko mula doon sa entrance gate? Pinag-uusapan n'yo ba ako?"

She froze when she heard Hero's voice.

"Wow! Lakas naman ng pandinig nito. Wala po," wika ni Lisa.

"Tinatanong lang namin kay Max bakit hindi kayo sabay dumating," sabad ni Brenda. "Huwag kang felingero!"

"Aysus! Miss n'yo na ako agad! Ano ba iyan?" mayabang na saad ng binata.

"Whatever!"

Inirapan lang ng mga ito si Hero at nagsibalik na sa mga upuan nila. Siya nama'y walang imik na tumungo na rin sa kanyang upuan. Ni hindi niya binati ang binata.

"Ginugulo ka na naman ba ng mga iyon?"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa kanyang tenga habang bumubulong ito sa kanya. Nagdulot iyon nakakakiliting sensasyon sa kanya at halos maubos ang kanyang lakas sa pagpipigil niya sa kanyang sarili na mag-react. Umiling lang siya at sinenyasan itong huwag maingay dahil kunwari nakikinig siya sa leksyon ng kanilang guro.

Tumango lang ito at umayos nang upo. Ang totoo'y wala sa klase ang isip niya. Naglalakbay iyon sa lomihan na pinagkainan nila last time. She saw again that bastard Calvin Domingo with his gang that day. Hindi lang si Calvin kundi pati na rin si Vince at ang Bikers.

Hindi siya nakatiis kaya naghanap siya ng paraan para makausap si Vince nang gabing iyon.

"It's not a cross. Ang nakita mong tattoo sa pulso niya is a letter 'T', simbolo iyon ng Thunders. Siya ang lider ng isa sa tatlong pinakamalaking gang sa Casa de Oro," wika nito.

The TransfereesWhere stories live. Discover now