Chapter 29 - Max versus Ashley

42 1 10
                                    

One month before graduation...

NAKABALIK na ang buong klase nila mula sa kanilang emersion. Naging maingay ang unang araw ng balik-eskwela nila dahil sa mga bigayan ng pasalubong at kumustahan sa isa't isa. Cedric bought a lot of souvenirs on Max's behalf dahil na rin sa pangungulit ni Lisa sa kanya. Napilitan tuloy magmagandang-loob ang pinsan niya.

Lisa excitedly distributed the items as soon as she came in to their classroom, saying that it was from both of them. Well, hindi naman pumayag ang pride nito na si Cedric lang lahat ang gumastos.

"Uy, Max! Thank you for the souvenirs, ha?" wika sa kanya ni Brenda nang lumapit sa upuan niya. "I love it!"

Ngumiti siya. "Mabuti naman nagustuhan mo."

Ipinatong nito ang palad sa noo niya. "May sakit ka ba? Bakit ang bait mo yata ngayon?"

Itinakwil niya ang kamay nito. "Wala akong sakit!"

"That's more like it," tatangu-tangong wika nito.

"Nalulungkot lang iyan kasi mami-miss niya tayo," sabad ni Lisa na nagpakuha ng atensyon ng lahat. "Pupunta na kasi siya ng..."

"Lisa!" bara niya kay Lisa.

Natahimik ito kasabay ng iba pa nilang mga kaklase.

Tumawa ito nang mapakla. "Siyempre, magkakalayo na tayo after graduation. Hehehe."

"That's enough. Malapit nang magsimula ang klase natin."

Her classmates obeyed her and they settled on their seats.

"Good morning, class! It's nice to see all your faces again," bungad ng kanilang adviser. Gumanti sila ng pagbati rito bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa mga ready na sa kanilang written report, pwede n'yo nang ipasa ngayon."

Sa buong klase, si Max lang ang nag-submit ng kanyang written report kaya nagtaka ang kanilang guro at tinanong isa-isa ang kanyang mga kaklase. Almost all of them answered na hindi pa na-finalize ang mga isinulat nila sa kanilang notes.

"Maaga lang po akong natapos kaya marami po akong time para magsulat," pasimpleng sagot niya.

"Hindi ba sabay kayo ni Lisa na natapos? Lisa, bakit sa iyo, wala pa?"

"Na-excite po kasi akong mamili ng mga pasalubong, Ma'am, kaya nakalimutan ko. Hehehe," katwiran nito.

Huminga nang malalim ang guro. "Oh, well. Sa mga hindi pa ready, you have until tomorrow. Your evaluation plus your written report equals your grade. Got it?"

"Yes, Ma'am!!!"

"By the way, before your graduation, may final exams pa tayo. And don't forget all your graduation requirements para makapagmartsa kayo."

"Yes, Ma'am!!!"

"Okay, let's proceed with our lessons."

Pagkatapos ng klase nilang iyon, nilapitan siya ni Lisa. "Max, patulong naman, oh."

"Tungkol saan?" patay-malisyang tanong niya.

"Sa narrative report natin tungkol sa emersion. Alam mo namang mahina ako sa English, eh."

"Simple English lang naman ang ginamit ko. Hindi rin iyon ganoon kaganda."

"Pa-humble ka pa. Sige na, please..."

"Uy, kami rin, Max!" wika ng isang kaklase nila sa likuran.

"Kami rin, patulong!"

Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase niya na gustong magpatulong hanggang sa halos buong klase na ang lumapit sa kanya.

The TransfereesWhere stories live. Discover now