Chapter 26 - Missing You

23 1 8
                                    

"KAHIT kailan napakalabo n'yo talagang dalawa. Break-up? As if naman hindi iyon madalas nangyayari sa inyo."

Kumunot ang noo ni Max sa sinabing iyon ni Lisa. "Ano nama'ng ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kahina pagdating sa mga ganitong bagay. You see, kahit noong bago pa kayo sa klase, away-bati na kayo. At kung mag-away kayo, para kayong may LQ na dalawa. Minsan kung hindi kayo magkibuan, daig n'yo pa ang magsyotang kabi-break lang."

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. "So?"

"So, in no time, magkakabati rin kayo at magkakabalikan ulit. Simple. As if naman matitiis ka ni Hero, eh, mukhang patay na patay sa iyo iyon noon pa."

Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Simple? Kung alam lang nito ang totoong nangyari sa kanila ni Hero, walang salitang simple sa lahat ng iyon.

Huminga siya nang malalim kasunod ang isang malungkot na, "Sana nga."

"Makukwentuhan na lang ba kayo diyan? Marami pa rito."

Sabay silang napalingon sa tinig ng kanilang supervisor na si Dorothy. It had been three weeks since their so-called break-up. Salamat sa emersion nila at hindi niya masyadong inaalala ang tungkol doon. Isa pa, nakatulong din ang hindi nila pagkikita ni Hero after that. Ipinasok siya ng Tito Rico niya sa isang pharmaceutical company sa Maynila--isang kumpanyang pag-aari ng isa sa mga business partners ng daddy niya. Lisa insisted on going with her kaya napilitan siyang isama ito at patirahin sa bahay nila. Samantalang si Hero, she heard nag-apply ito sa isang hardware company sa Cebu. Magkasama ito at si Darwin.

Thanks to Lisa, she had all that information and she's keeping her updated. Iyon nga lang, lagi naman nitong ipinapaalala sa kanya ang nangyaring break-up nila ni Hero.

Tumayo siya at humarap kay Dorothy. "Nandiyan na po."

During weekdays, nasa pharmacy sila at tumutulong sa pag-a-arrange ng mga supplies sa mga lalagyan, pag-i-inventory, at iba pang pwede nilang maitulong. Every Saturday naman, nasa lab sila at nag-o-observe. On Sundays, day-off nila.

"Pagkatapos nito, daan muna tayo sa mall, ha? May bibilhin lang ako," bulong ni Lisa nang sumunod sa kanya sa stockroom.

"Okay."

Pagpatak ng alas singko, nakalabas na sila sa pharmacy. She opened her phone and clicked on the Grab app.

"Hindi ka ba namamahalan sa pamasahe natin araw-araw? I mean, not that I'm worried kung mauubusan ka ng pera dahil alam ko namang mayaman kayo, pero...you know, gusto ring maka-experience sumakay ng LRT o MRT."

She paused and looked at her. "Hindi kasi ako sanay mag-commute. May kotse kami at hatid-sundo ako noon. Ngayon, wala na kaya nag-iingat ako."

Yeah, right. May kotse nga sila noon, at may driver din. Pero dinala ng daddy niya ang driver nilang si Mang Nestor sa Amerika at ginawa ring personal bodyguard. Pati mga katulong ay pinaalis at pinalitan ng isa lang.

"Okay," saad nito na hindi na nangulit pa.

Robinsons ang pinakamalapit na mall sa bahay nila kaya doon na sila nagpa-drop.Hindi rin sila nagtagal doon. Pagkabili ni Lisa ng kailangan nitong bilhin, pumara na sila ng traysikel para umuwi.

"Ang boring pala talaga ng buhay mo dati, ano? School at bahay ka lang palagi. No hang-outs. No night-outs."

"I was a minor and a student--and still am. Natural na may curfew at maraming bawal. Besides, may pangalan akong iniingatan noon. Hindi pwedeng magkaroon ng bad records."

"How about now?"

Hindi siya sumagot. Bumaba na sila sa traysikel at pumasok sa gate.

"Bakit nga pala sa Cas-U ka nag-enroll pagkatapos mong magpagamot sa Amerika? Bakit hindi ka bumalik sa dati mong school?"

The TransfereesWhere stories live. Discover now