5

50 3 0
                                    

Naddie's POV




"Uhm, Marie matagal pa ba dadating yung bangka? Sobrang init na kasi e." Tanong ni Yuri habang nagpapaypay. "Kaka-text lang sa akin nung may-ari ng bangka, on the way pa lang daw yung nga bangka niya." Sagot naman ni Marie sabay inom ng tubig.





Nandito kami ngayon sa ilalim ng isang gawa-gawang habong. Para siyang kubo na gawa sa kawayan, yung upuan ay pinagdikit-dikit at itinaling kawayan lang din. Mag kakalahating oras na kaming nakaupo rito kasi hinihintay namin yung mga bangkang susundo sa amin.





Para 'tong secret terminal from Batangas to Mindoro. Kasi yung mga bangkang bumabiyahe rito ay on-call lang or yung mga pasadya lang. Marami kasing tao kung doon sa terminal talaga.  Ang ganda rito kasi kahit tanghaling tapat at mainit, kitang-kita mo na yung dagat. Nakakalma yung alon.





"Mamshies pigilan niya ako ha, ang arte ni Yuri." Pabulong na sabi ni Jiro sa amin. Natawa ako sa kanya pero totoo naman dahil kanina pa panay ang reklamo ni Yuri, kesyo raw mainit o matagal, o marumi raw yung upuan.






"Kung ayaw niya nang naiinitan, at naghihintay sana hindi na lang siya sumama, kakasira ng vibes e." Masungit na sagot ni Lisa sabay lakad sa may gilid ng dagat.







"Hayaan niyo na lang mga mamshie, kunwari wala siya dito at hindi natin kasama." ani Cassey. "I agree, 'wag na natin badtripin ang sarili natin sa kanya. Hindi deserve mga mamsh!" Sabi ni Klaire habang busy siyang nagpipicture ng kung anu-ano.








"Ay wala pa pala tayong picture mga mamsh!" Sigaw ni Tiffany. "Tara groufie!" Masaya niyang aya sa aming lahat. Lumapit naman ang iba at saka niya itinaas ang cell phone niyang nakakabit sa monopad.




Nagpose kami sa picture at nakakaisang shot pa lang ay napatingin ako nang may maramdaman akong nakahawak sa bewang ko. Lumingon ako at nakita kong isa 'to sa mga lalaking kasama ni Yuri. Tinitigan ko siya bago siya nagsalita at inalis ang kamay mula sa bewang ko. "Ops, sorry. Natutulak kasi nitong mga 'to e." Sabi niya sabay turo sa mga nasa likuran niya. Hindi ko siya sinagot. "Naddie bakit naman hindi ka nakatingin! Isa pa!" Ngumiti ako ng isa pang beses para sa picture at pagkatapos ay sinamaan ko ng tingin ang lalaking humawak sa bewang ko.








Nang maglayo-layo na kami ay umupo ako ulit sa tabi ni Cassey. Bigla kong naalala na hindi ko pa pala nate-text si Jace kung nasaan na ako.






Pag-open ko ay mayroon akong tatlong messages na na-receive. Lahat puro galing kay Jace.



From: Jace
Ingat kayo ha, text me kung may emergency.

 



From: Jace
Why are you not texting?





From: Jace
Gaano kahirap mag type at itext ako para naman updated ako sa biyahe niyo?






I smiled pero bago pa ako kiligin ay nagsimula na akong mag type ng reply kay Jace dahil panigurado ay nag-aalala na siya sa akin.

To: Jace
We're here sa Batangas port. Waiting for our bangka papuntang Mindoro.





"Ay bakit may pag smile?" Bigla akong kinurot ni Cassey sa bewang. "Si Jace kasi, nagtext he's so worried because I wasn't texting since earlier." Sumimangot si Cassey sa akin. "Bakit ako walang text?" Sabi niya habang nakasimangot sabay labas ng cell phone.







Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon