15

61 8 11
                                    

Naddie's POV

"I shouldn't have brought you sa site, look at what happened to you. Lagot ako nito kayna Jace pati tito at tita." Sabi ni Tyron sabay kamot sa ulo niya while we're heading out of the elevator at naglakad papasok sa room niya.


"I'm fine, galos lang 'to." I said at saka umupo sa sofa sa sala pagkapasok na pagkapasok namin. This day was really tiring, and painful I must say. Pero thinking of what Mang Roman has to endure, walang wala 'tong mga nakuha kong sugat.

"It's not fine Naddie, I should have protected you." Umupo siya sa tabi ko sa sofa. I looked at him, magulo na yung buhok niya after this long day, his sleeves are dirty, then I noticed something on his face, may naiwang dumi sa mukha niya.

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at saka ko pinunasan ang dumi sa pisngi niya gamit ang hinlalaki ko. Napatigil siya at napatitig sa akin. Pakiramdam ko, nagwawala yung puso ko ngayon, hindi ko alam kung bakit.

"M-may dumi kasi." Aalisin ko na sana ang pagkakahawak ko sa mukha niya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Pakiramdam ko lahat ng laman loob ko nag galawan. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Anong nangyayari sa akin? Bakit parang may kakaiba?

"I'm sorry, I won't let anything, or anyone hurt you again." Nilagay niya ang kamay ko sa mukha niya at saka ito mas mahigpit na hinawakan. Hindi ko alam, pero bakit parang... masarap sa pakiramdam?

Lumipas ang ilang minuto at saka siguro napagtanto ni Tyron ang ginawa niya kaya mabilis niyang binitawan ang kamay ko. "Sorry, akala ko kasi, ano, panyo, oo, kala ko panyo." Kumunot ang noo ko sa kanya at saka ko tiningnan ang palad ko. Panyo? Excuse me?

"Ah, maiisip mo na panyo kung kailan halos mag lilimang minuto mo ng hawak?"

Biglang siya umubo at saka tumayo. "Ah, pagod na ako, una na ako sa kwarto." Mabilis siyang tumayo at pumasok sa kwarto.

Napailing na lang ako sa inakto niya. Hinawakan ko ang kamay kong hinawakan niya. Parang nanatili pa rin yung init ng kamay niya. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti.



Weird but, I think kailangan ko lang itulog 'to. Pumasok na rin ako sa kwarto at dumiretso sa CR para magbihis. Pagkahubad ko ng damit ko, ngayon ko lang naalala na swim suit pala ang suot kong under garments dahil hindi ko mahanap yung mga gamit ko kanina.





Magsu-swimming na lang siguro muna ako, nawala bigla yung antok ko e.




Kumuha ako ng robe bago naglakad papunta sa kusina, binuksan ko ang ref at nakakita ako ng wine. I don't know, but a glass of wine won't hurt right? Kinuha ko ang bote ng wine pati na rin isang baso sa kabilang kamay ko.





Naglakad ako palapit sa sliding door na papunta sa swimming pool, ibababa ko sana ang baso para i-slide ang pinto kaya lang may nagbukas na nito para sa akin.




"Iinom ka mag-isa? Ang damot naman." Tuluyan nang bumukas ang pintuan kaya lumabas na ako. "I thought you were sleeping." Nilapag ko ang wine at basong hawak ko sa side table.




"You should have told me earlier, I can drink with you." Pinatong ko na rin sa isang upuan ang dala kong robe.





Umupo siya sa kabilang upuan.



"Biglaan lang naman." Lumapit ako sa pool at ibinaba ang isang paa ko. Mainit ang tubig, sakto at medyo malamig ang simoy ng hangin kaya mabilis akong bumaba sa pool. Lumangoy ako papunta sa kabilang side ng pool. Namiss ko 'to. Ito naman talaga ang pinunta ko dito sa Puerto Galera, pero hindi, ang daming nangyari na wala naman sa plano.





Umahon ako at saka hinawi ang buhok ko. Lumangoy ulit ako pabalik sa kabilang banda. Pagkaahon ko, nakita kong binuksan niya ang wine at saka nagsalin sa baso na dala ko, uminom na rin siya don.




"Bakit hindi ka nagdala ng sarili baso?" I asked him, inubos niya muna ang wine na sinalin niya bago sumagot. "Bawal maki-share?" Kunot noo niyang tanong sa akin.



Tinaasan ko siya ng kilay. "Bawal." Humawak siya sa puso niya na para bang nasaktan siya sa sinabi ko. "Aww, ang damot nga. Ganyan ka ba pinalaki nina Tita Nadine?" Natawa ako sa sinabi niya, winisikan ko siya ng tubig dito sa pool na ikinabigla niya.




"Aba!" Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya. "'Wag mo kong hamunin Naddie." Nagbabanta niyang sabi kaya lumangoy ako papunta sa kabilang poolside para takasan siya.





Pagkaahon ko, nakita kong naka baba na rin siya dito sa pool. "Go away!" Natatawa kong taboy sa kanya sabay hampas ng tubig para matalsikan siya. "Bakit sayo ba 'to?" Sagot niya at saka ako ginantihan ng talsik ng tubig. "Hindi! Sinabi ko ba?" Hinampas ko ulit ang tubig para tumama sa kanya.




"Ah, ganyanan tayo. Sige." Mabilis siyang lumangoy papunta sa side ko kaya mabilis akong umakyat palabas ng pool. Tinawanan ko siya pagkaahon niya kasi akala niya nasa pool pa rin ako.





"Madaya!" Binelatan ko siya at ako naman ang umupo sa may table.





Umahon din siya sa pool, sabay hawi ng basa niyang buhok. Ngayon ko lang napagtanto na topless pala siya kaya nagsusumigaw ang katawan niya. Nakita ko ang pagpatak ng tubig mula sa buhok niya pababa sa mukha niya.  Nagsalin ako ng wine, at this time ako naman ang uminom.





"Ang daya mo, akala ko pa naman magkakarera tayo mag swimming. Takot ka ata e." Lumapit siya sa akin at kinuha ang baso sa kamay ko, siya na ang umubos ng wine na sinalin ko.





"Sinong takot? Baka nakakalimutan mong swimmer ako?" He smirked na para bang kaduda-duda ang sinabi ko. Muli kong sinalinan at pinuno ang baso ng wine at saka ito ininom ng isa lagukan lang. Nakita kong nanlaki ang mata ni Tyron pero ngumisi lang ako.








"Game. Dapat may prize!" Nag-inat ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin. "Ano ba gusto mo?" Tanong niya habang nakatitig sa akin.





Saglit akong nag-isip, ano nga bang gusto ko? "Free roundtrip ticket to Japan?" Tinitigan niya ako bago tumawa.







"Are you serious Naddie? Afford mo naman 'yon ah?" Inirapan ko siya. "Yes I do, pero makakatipid ako kung sagot mo, right?" If ever, I can use that money sa ibang bagay, praktikal only.






"Okay, if you say so." Umiling siya bago tumango. "How 'bout you, anong gusto mo?"








Saglit siyang tumahimik na para bang pinag-iisipan niyang mabuti kung anong prize ang hihingin niya. Sana naman 'wag masyadong mahal! Kung roundtrip tix din gusto niya sana. naman within Asia lang ano. Not that I'm being kuripot but, whatever! Ginusto ko 'to so, game.











"Ikaw." Kusang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Anong ako? Anong sinasabi nito?





"Ha? Anong ako?" Tumitig siya sa akin. "I want you."







Wait, what?







~~~
a/n: hi everyone sorry sa pagiging fake news ko sa last chap. sorry because i had to deal with my personal stuffs and issues so i wasn't able to update like what i've said. i hope you can be more patient to me sa sobrang slow updates ko :( sending love to u all, thank u for staying and reading!





























Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon