a/n: Please listen to Feel Day's "Sa Ilalim ng Bituin" while reading, para mas dama hihi, support locals!<3 play it kapag medyo nasa bandang gitna na kayo, or malapit sa ending ganon
---
Naddie's POV
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa Rio Grande. "May dala ka bang extra na damit? Baka mabasa ka." Umiling ako bago humakbang pasakay sa pabilog na mga upuan.
"Hindi ako mababasa don't worry." Proud kong sagot sa kanya. "Okay sige, sabi mo e." I smiled at him at saka nilock ang seat belt ko.
May kasama kaming apat na magkakaibigan dito sa nasakyan namin. Puro sila babae at napansin ko na panay ang tingin nila kay Tyron. Napatingin din ako kay Tyron at nakita kong nakangiti siya sa akin. Yung ngiti niya parang nang-aasar.
Muli kong tiningnan yung apat na babae at hindi pa rin sila tumitigil sa pagtingin kay Tyron. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong hinila at hinawakan ang kamay ni Tyron.
Nakita kong ngumisi si Tyron, hindi ko na 'to pinansin at binalik ang tingin do'n sa apat na babae. Kumpara kanina ay hindi na nila tinitingnan si Tyron. Ha, mission accomplished.
Kaya lang, kung sinuswerte nga naman talaga ako. Nung dumaan sa may falls ay sa akin tumapat kaya basang basa ako. Ito ata parusa sa akin ni Lord for being so possesive sa lalaking hindi ko pa naman boyfriend. Pero dun din naman papunta 'yon e, 'di ba?
"Hindi naman ako mababasa don't worry ka pa diyan ha. Kaya pala mukha kang basang sisiw ngayon." Pang-aasar ni Tyron habang naglalakad kami pababa. Siya naman ay itong tuyong tuyo at tanging pwet lang ang basa kasi basa yung upuan. Iba talaga kapag pinagpapala.
"Ano ba!" Tulak ko sa kanya habang tumatawa. Hindi ko alam pero infairness, ang malas ko nga.
"May t-shirt ako sa kotse, gusto mo na ba magpalit?" Umiling ako at saka tinuro yung Ferris Wheel. "Sakay muna tayo."
"Sige, sabi mo e." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa Ferris Wheel. Mas konti na lang ang tao kasi gumagabi na lalo. Pero dahil first day nila, 24 hours silang open ngayon.
"Ma'am, sir, kayo na po." Napakunot ang noo ko sa sinabi nung kuyang staff. "Po? Hindi pa po kami kuya." Nagulat ako kasi natawa si kuyang staff at si Tyron.
"Ibig ko pong sabihin ma'am ay kayo na po ang sasakay." Napahawak ako sa batok ko sa sobrang hiya. Ano ba yung sinasabi ko? "Ah oo nga po, sabi ko nga." Mabilis akong naglakad para sumakay na agad kaya muntik akong madulas, mabuti na lang ay nasalo ako ni Tyron sa braso niya.
"Ah, hindi pa nga kayo." Sabi ulit nung kuya sabay sara ng pintuan nung sa amin ni Tyron.
Tahimik tuloy ako habang nakaupo kasi hindi ko alam ang sasabihin ko pagkatapos nung nangyari sa baba.
"Hey, bakit tahimik ka?" Napatingala ako kay Tyron nang tanungin niya ako. "Wala naman." Sagot ko sa kanya. Unti-unti na kaming umaangat dahil nagsasakay na ng iba pang tao 'tong Ferris Wheel.
Nagkibit balikat siya at saka inilabas ang cell phone niya. Sumilip ako sa labas at nakita ko kung gaano kaganda ang buwan at mga bituin ngayon. Parang sinadya, parang, alam nilang nandito kami ngayon. Napangiti ako, akala ko kanina wala nang igaganda pa 'tong gabing 'to, nagkamali ako, meron pa pala.
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
FanfictionJADINE Edition #2 Alam kong kasalanan kong nahulog ako sayo kahit na hindi mo naman ako gusto, kaya ako nasasaktan ng ganito. Pero mali ba talaga? Napipigilan ba ang pagmamahal? Nadidiktahan ba ang pagmamahal? Nauutusan ba ang pagmamahal? Kailan ba...