17

69 7 10
                                    

Naddie's POV




Nagising ako sa Best Part ni Daniel Caesar na tumutugtog sa labas ng kwarto. Kinusot ko ang mga mata ko. Pumikit-pikit muna ako bago tuluyang dumilat. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit.





"Hindi kita gusto, kasi mahal kita Naddie." Bigla akong napahawak sa labi ko nang maalala ko ang mga salitang 'yon. Teka, totoo bang nangyari 'yon? O nanaginip lang ako? Kung panaginip man 'yon, ang weird naman?




Mabilis akong tumakbo papunta sa CR para maghilamos. Binuksan ko ang gripo at saka binasa ang mukha ko, humawak ako sa lababo bago tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nangyari ba talaga 'yon, baka nga panaginip lang? Muli kong hinawakan ang labi ko, pero bakit parang totoo lahat?




Nag toothbrush muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto.





"It's the sunrise, and those brown eyes, yes. You're the one that I desire."





Sumilip muna ako bago tuluyang lumabas at nakita ko si Tyron na kumakanta habang nakatalikod sa may kusina, nagluluto siya ng hindi ko alam kung ano. Napahawak ako sa puso ko nang bigla itong tumibok ng mabilis, weird, ano 'to? Ang ganda ng boses niya kahit kailan. Parang kang hinaharana, tapos dinadala sa langit. Wait, wow, ang OA nung dinadala sa langit.





Actually sa lupa ako dinadala ng boses niya, pa fall kasi e.




"When we wake up, and then we make love. It makes me feel so nice."





Tahimik akong naglakad papunta sa ref na katabi lang ng lutuan. Mabilis kong binuksan ang ref at kumuha ng tubig, naka stretch na ang kamay ko para sana umabot ng baso kaya lang naunahan na ako ni Tyron na kunin 'to saka binigay sa akin.





Kinuha ko ang baso at saka nagsalin ng tubig mula sa ref.


"Good morning baby."



Muntik na akong masamid sa iniinom ko dahil sa sinabi niya. Ramdam kong namula na naman ang mukha ko. Alam niyo napapansin ko ang madalas na pamumula ng mukha ko, sakit na ba 'to? Ito ata yung lovenat, yikes. Tinitigan ko lang siya at uminom ulit ako ng tubig.

"Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Kunwari akong tumawa bago siya sagutin. "Anong tingin?" Paano niya ba gusto na tingnan ko siya, yung may pagnanasa ganon?




"Ayan oh. Yung tingin na parang walang nangyari kagabi." Malungkot na sabi niya. Nangyari kagabi? Meron ba?



Kumunot ang noo niya nang mapansin niyang medyo hindi ko siya gets. Minsan naisip ko kung slow ba talaga ako o sadyang magulo lang ang mundo. Or pwedeng both?




"Wine lang ininom natin tapos nakalimot ka na agad?" Nag pout siya at ibinalik ang tingin sa nilulutong omelette. "Huh? Totoo ba lahat 'yon kagabi?" Parang wala sa katinuan kong tanong sa kanya.






In-off niya ang kalan bago muling sumabay kay Daniel Caesar, "I just wanna see how beautiful you are." Kasabay nito ay ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko para iharap ako sa kanya.


"You know that I see it, I know you're a star." Tinitigan niya ako sa mata bago hinalikan ng marahan sa noo. "Been wanting to do this, finally, nagawa ko na." Hindi ko mapigilang hindi ngumiti at kiligin. Pakiramdam ko joke lang lahat, pero ayoko, kasi, ang saya pala sa pakiramdam?


"Totoo ba lahat kagabi?" I asked na tinawanan niya lang. We're both swaying to Best Part, lakas makadagdag sa kilig ng boses ni Daniel Caesar.



Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon