32

30 5 9
                                    

Naddie's POV


The moment we arrived home, dumiretso na agad ako sa kwarto. Sobrang exhausted ng pakiramdam ko, ubos na ubos ako, para akong pinagtrabaho ng isang buong buwan na walang pahinga.






Kumain na kami sa labas bago kami umuwi, sumunod din sina mom at dad kaya we already got the chance to at least celebrate kahit simple lang.











They're so proud of me, they're so happy for me, I hope I am proud and happy for me too.











Ang hirap maging masaya, ang hirap pilitin yung sarili mong maging masaya lalo na at alam mong sa loob nasasaktan ka. Para mo na ring sinabing kailangan mong tumawa kahit na may sumasaksak sa'yo, hindi naman ako sadista.








It's been two weeks since the pageant happened, two long weeks without hearing anything from Tyron, and weirdly, no one's mentioning him too, or I don't know if everyone's just really busy since we're just a month away from Christmas.










Two weeks, and I'm still in pain. One month left before Christmas, and I think this will be the first Christmas that I'll be celebrating sad. Every year, sobrang saya ko, we're always complete, with Tyler and Tyron.







Tito Brian has been quiet too, well I guess everyone's just really busy with their own lives, maybe I should be busy with mine too.










Si Xavier wala rin dito, pero he's often here, lalo na after the pageant. Wala siya ngayon kasi he's on a conference somewhere in Tagaytay where he's a keynote speaker. Kahit naman maloko 'yon, he is really indeed one of the breakthrough architects, young and very talented.




Si Jace busy sa plates niya, sina mom and dad, shooting as usual, Ady and Red are at their friend's house swimming kahit na may pool naman kami dito sa bahay. Everyone's doing their own thing, I want to do mine too.




Sobrang occupied ng isip ko sa pag-iisip, nababakante tuloy ako. Wala akong magawang something productive for myself.














Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. I closed my eyes, I think I should get some sleep.









Naalimpungatan ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. I wasn't excited at all, nor was I expecting it was a call from him. I know hindi niya ako tatawagan, maybe this is mom or dad, Ady, Red, or Jace.








Kinuha ko ang cell phone ko at tiningnan kung sinong tumatawag, it was Xavier.




"Hello" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag niya. "Hi Naddie, are you busy? I really need something. Busy daw si Jace e, sorry ikaw na lang naisip kong pwedeng abalahin." Napa-upo ako mula sa pagkakahiga at parang nabuhayan ang dugo ko. "No, no! I'm not busy! What is it?"





Halata ang pagkasabik sa boses ko kaya narinig ko ang pagtawa ni Xavier sa kabilang linya. "Why are you excited?" Tanong niya habang tumatawa. "Can't I be excited? Wala akong ginagawa dito sa bahay! So ano, ano what do you need?" Tumigil na siya sa pagtawa bago ako sinagot.









"Okay so I happen to forgot my very important plate at Jace's room when I went there to help him with his plates. I need that plate later for my meeting with a client, which is set to happen here in Tagaytay." Parang nagliwanag bigla yung mata ko pagkarinig ko nung 'Tagaytay'.








"So I need to go to Tagaytay?" Masaya kong tanong sa kanya. "Yes please." He said with full sincerity. "Okay then, I'm coming! Mag-aayos lang ako!" I heard him laugh sa kabilang linya.









"Gusto mo ba mag stay dito?" Tanong niya sa akin na mas nagpaliwanag sa mata ko.







"Yes, yes! Where are you staying?" Tumawa na naman siya. "Bakit ba excited na excited ka?" I sighed. "You know how bored I am dito sa bahay, everyone's so busy tapos ako andito lang sa bahay, nagpapabulok dito sa kwarto ko. I want to do something pero hindi ko alam kung ano. And now you called me and finally! I have something to do."












"I'm staying at SMDC, dito ka na lang din." Sagot niya sa akin. "Uy, 'di ba katabi lang niyan yung Sky Ranch Tagaytay?"









"Uh, yes." Mas lalo akong sumaya. Well, I'll go swim at SMDC, then go to Sky Ranch. Yeay, something to do!














"Okay, okay! I'm coming! I'll text you if I'm on the way na. By the way, how many plates should I bring?" I asked more about the place, baka mamaya makalimutan ko yung mismong ipupunta ko doon, sayang naman sa biyahe.










"Oh yeah right, nakalagay yun sa black drawing tube. Just bring the whole tube, nandoon na lahat ng kailangan ko."










"Okay! Copy!" Ibababa ko na sana ang tawag nang maghabol pa si Xavier ng sasabihin. "Magdala ka ng jacket, malamig ngayon dito. And, mag-ingat ka sa pagdadrive ha, update me of your whereabouts. Thank you Naddie."











"No worries architect! O sige na, maliligo na ako, at mag-aayos ng gamit." Hindi ko na siya hinintay sumagot at ibinaba ko na ang tawag.









Tinext ko si mommy at daddy na pupunta ako sa Tagaytay today at bukas na ako makakauwi, syempre sinabi ko rin na kaya ako pupunta ay dahil may kailangan si Xavier. I also informed Jace para hindi siya mag-alala pag-uwi niya. He's really busy nowadays, tambak sila sa plates. Kahit naman magaling siya ay nahihirapan din siya lalo na kapag sunod-sunod ang pagpapagawa ng profs.












After texting everyone na kailangan kong i-text, I took a bath and fixed my things. Nagsuot lang ako ng black t-shirt, ripped jeans, and my white converse.












Pumunta ako sa kwarto ni Jace para kuhanin ang drawing tube ni Xavier. Sobrang organized talaga ni Jace in all aspect, nakita ko agad ang drawing tube ni Xavier na nasa tabi ng laptop ni Jace.








Hindi na ako nagsayang ng oras at bumiyahe na ako. Tinext ko si Xavier na on the way na ako pero hindi siya nagreply. Baka busy lang.


















Finally, nakalabas din ako ng bahay. I hope I can unwind there, para naman malimutan ko kahit sandali lang lahat ng sakit dito sa puso ko.






Kahit sandali lang sana.














---
a/n: merry christmas everyone!! next update tomorrow before 2020!! wala masyadong ganap sa chapter na 'to pero sa susunod... i don't know hehe :')

Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon