36

69 5 7
                                    

play "Hindi tayo pwede" by the juans para mas masheket <///3
---






Xavier's POV







"I have to go." Mabilis akong tumayo at nilagok ang alak na natira sa baso ko. Tumayo rin si Tyron sa pagkabigla sa akin.








"Bakit?" Tanong niya sa akin. Well, pupunta lang naman si Naddie at hindi ka niya puwedeng makita kasi wala na namang ibang gagawin 'yon kung hindi ang iyakan ka.






Ang weird magmahal 'no. Minsan, kung kailan ready ka na magmahal at ibigay lahat-lahat, hindi mo naman mahanap yung right person. Tapos minsan din, kung kailan andiyan na yung right person, saka naman wrong yung timing. Love really challenges us, kung hanggang saan ba yung kaya nating tiisin, at suurin para sa pagmamahal, if you cannot endure the pain edi wala, talo ka.






Pero ang hirap din kasi, minsan hindi mo alam kung ano ba yung dapat mong ipaglaban pa, sa dapat sinusukuan na. Wala man lang clue, wala man lang hint.









"Pagod na rin siguro." Hindi siya mukhang naniniwala pero tumango na lang siya dahil wala naman siyang magagawa kahit pigilan niya pa ako, hindi rin naman ako magpapapigil kasi kailangan ko ng makita si Naddie, baka mamaya makita niya pa 'tong ungas na 'to.











"Yeah, okay." Tinalikuran ko na siya at lumakad paalis.




Inilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng bar, fucker naman bakit ba kasi ang daming tao dito at ang dilim pa ang hirap tuloy makakita!










'Wag naman sana silang magkita oh. Kasi kapag nagkita sila, hindi ko alam anong gagawin ko.







Nakakabaliw naman 'to!








Naddie's POV






Kasabay ng pagkabitaw ko sa mga pinulot kong gamit ay ang bigla kong pagka-out of balance. Tumumba ako sa sahig at may mabilis na humawak sa dalawang braso ko para alalayan akong tumayo.









Habang tumatayo ako ay nararamdaman ko na ang kakaibang init sa mga mata ko, pinipilit kong pigilan, pero ayaw nilang mawala.











Saktong pagtayo ko ay tumulo agad ang luha mula sa mga mata ko. Nanlalabo ang paningin ko, wala siyang ginagawa nakatingin lang siya sa akin.







Pero, bakit? Akala ko ba sabi niya mahal niya ako? He even kissed me! Ano, wala lang ba 'yon? Trip lang ba 'to lahat?











Binitiwan niya ang braso ko at umiwas ng tingin. "You have to go." Hindi ko alam pero parang may sumaksak sa puso ko pagkasabi niya no'n sa'kin.











Ngumiti ako nang pilit habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata kong parang gripo.










"Right..."







'Yun lang ang nasabi ko at hindi ko napigilang mapakagat ng labi ko. Pakiramdam ko lumulutang ako. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, ang mga paa ko, hindi ako makaalis, hindi ako makalakad. Someone please, pick me up.












Nakatingin lang siya sa akin. Para akong kawawa na nakatayo lang sa harap niya at patuloy na umiiyak.







I have never felt this pain before. Sobrang surreal nung sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.









Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon