Naddie's POV
We just arrived here at their working site. Ngayon ko lang na realize na mali nga talagang ganitong damit ang suot ko sa lugar na 'to dahil sa puro lalaki ay halos lahat ng tao rito may safety gears since construction site nga ito.
"Wait for me here." Hindi pa man ako sumasagot ay nagmadali ng umalis si Tyron kaya naiwan na muna ako rito sa labas ng site.
May mga harang kasi yero para matakpan ang ginagawa sa loob. Para hindi makita ng iba, at syempre para wala ring makapasok na ibang tao sa site, mahirap na.
Halos mag lilimang minuto na pero wala pa ring Tyron na bumalik kaya naisip kong maglakad-lakad muna sa may gilid nitong labas ng site.
Hindi kalayuan ang dagat mula rito. Hotel din ata 'to, mas malaki nga lang kumpara doon sa mga malalapit talaga sa dagat.
"Hindi naman siya nasaktan, saka akala naman nila aksidente lang. Okay na 'yon." Napahinto ako nang may marinig akong pag-uusap sa hindi kalayuan. Kutob ko ay may hindi magandang nangyayari, kaya alam kong kahit mapanganib ay pinili ko pa ring manatili sa kung nasaan ako para patuloy na makinig. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno.
"Ni wala nga siyang galos! Paano naging sapat 'yon?" galos? Aksidente? Anong pinag-uusapan nila.
"Hayaan na kaya natin siya? Nakapagpaliwanag naman siya hindi ba Danilo?" Sino naman si Danilo? Saka sino ba sila.
Pasimple akong sumilip para malaman kung sino ba sila. Nakita kong nakasuot sila ng uniform ng mga worker sa site, ibigsabihin ay taga doon din sila. Nagtatrabaho rin sila sa site.
"Hayaan? Halos ikamatay ng anak ko ang nangyari sa kanila ng anak niya sa dagat! Hindi ko talaga sila mapapatawad!"
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila, pero bakit pakiramdam ko may kinalaman silang dalawa sa nangyaring aksidente rito sa site? Hindi ko alam.
"Alam mong hindi rin matutuwa si Karesa kung malalaman niya ang mga ginagawa mo sa tatay ni Lito." Bakas ang hindi pag sangayon sa boses niya.
Nagulat ako at halos muntik ng mapasigaw nang may tumakip sa bibig ko. "Shh." Tiningnan ko siya sa mata at kinunutan ng noo. Wala siyang sinabi, sa halip ay hinila niya ako palayo sa dalawang nag-uusap.
"Bakit mo ko nilayo 'don?" Tanong ko sa kanya nang bitawan niya na ako at tanggalin ang kamay niya sa bibig ko.
"You shouldn't be there." Sabi niya sabay suot sa ulo ko ng hard hat. "Though, I need you to tell me what you heard. Okay?" Parang bata niya akong kinakausap kasabay ng pagsara niya sa strap ng helmet ko.
"They're saying something like about an accident involving his daughter. The other guy even said that Lito, I'm not really sure just got scratches and names like Karesa. I don't really know. But I bet, may kinalaman sila sa nangyaring aksidente dito sa site niyo." Saglit na nag-isip si Tyron habang nakatitig sa akin.
Ngayon ko lang napansin na, he looks so good. For years, magkasama kami, simula nung bata pa lang. But I think I have never stared at him this close. His eyes were tantalizing, para silang kumikinang with the streak of the sunlight, the wind brushing his hair, that line of his jaw, I don't know, he looks, fine.
"What are you staring at?" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Nagpanic ako at hindi ko alam ang sasabihin. Nahihiya ako kasi nakita niya atang tinititigan ko siya at pinagpapantasiyahan.
"M-may dumi ka sa pisngi!" Utal kong sabi sabay turo sa pisngi niya kahit wala naman. Kumunot ang noo niya saka hinawakan ang pisngi niya. "Saan?" Tanong niya, nagturo ako sa pisngi niya na agad niya rin namang pinunasan.
"Ayan, okay na, wala na." I smiled at him after that, he nodded at me. "Tara na sa loob, hindi tayo magtatagal ayoko ring magtagal ka rito." I lips protruded at his statement.
"Don't use that face to me." Sabi niya sabay hila sa akin sa palapulsuhan ko papasok sa site. Binati siya ng mga tao dito sa loob, pansin ko ang pagtataka nila kung sino ako, kaya may iba ring bumabati sa akin.
We kept on walking, syempre sumasama lang naman ako kaya hindi na ako nagtanong. I'm also observing the site, they have quite a lot of workers here making the progress of the site fast.
We stopped in front of a man who looked like one of the workers here too. "Mang Ramon." Umangat bigla ang tingin ko sa kausap ni Tyron. "Oh engineer," napatingin siya sa akin at saka ako ginawaran ng ngiti, "hello po ma'am." Ngumiti ako sa kanya kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kumusta naman po kayo, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo kahapon." Ngumiti ito at saka napakamot sa ulo. "Ayos naman ako engineer, galos lang. Saka hindi naman talaga maiiwasan ang mga aksidente sa site tulad dito." Tiningnan ko ang kulubot sa kanyang mukha. Sa tantiya ko ay higit sa 60 taong gulang na siya. Pero sa kabila non ay nagtatrabaho pa rin siya.
"Ganun ho ba, sa susunod ho ay mag-iingat kayo." Tumawa ito bago sumagot. "Oo naman engineer, at sino nga ba 'tong kasama mo?" Sabay silang tumingin sa akin kaya ngumiti ako.
"Ito po si—" Hindi pa tapos magsalita si Tyron nang may biglang sumigaw mula sa hindi kalayuan. "Engineer sa taas!" Sobrang bilis ng pangyayari, nagulat ako ng bigla kaming itulak ni Mang Roman at sabay kaming napahiga ni Tyron sa mga bato dito sa site. Ramdam ko ang hapdi ng balat at sakit ng katawan ko sa lakas ng pagbagsak ko.
Hindi ako kaagad nakakilos dahil sa sakit ng katawan. Pero mas nagulat ako ng makita kong dumudugo ang binti ni Mang Roman habang nakadapa sa mga bato. May nakadagan na hollow block sa binti niya.
"Naddie, fuck, are you okay?" Nagpapanic na tanong ni Tyron sa akin at saka ako tinulungang umupo. "Fuck!" Nakita kong hirap din sa pagtatayo si Tyron sa akin, may mga sugat din siyang nakuha mula sa pagbagsak namin.
"Si Mang Roman." I told him and pushed him away para tulungan si Mang Roman. "No Naddie" "No please help Mang Roman, kaya ko Tyron." Tinitigan niya ako at saka lumapit kay Mang Roman, nakita kong dumudugo ang siko niya na tumagos na sa sleeves ng polo niya.
"Oh my gosh Naddie are you okay?" Napalingon ako kay Engineer Sab na inaalalayan ako papunta sa isang upuan ngayon. "Oh no, ang dami mong sugat." Sabi niya sabay yuko para tingnan ang binti ko. Tiningnan ko ang binti ko at nakita kong nagdudugo ang tuhod ko, pati paa ko. Nakita kong may tumutulo ring dugo mula sa siko ko.
Napatingala ako at nakita kong may tao sa taas kung saan posibleng nalaglag ang hollow block na nakadagan ngayon kay Mang Roman. Hindi ko masyado maaninag dahil masyadong mataas, pero sa hugis ng katawan, tantiya kong sila yung nag-uusap kanina. Hindi 'to aksidente, gumaganti sila sa kung ano mang nagawa ni Mang Roman.
---
a/n: update kasi hindi na ako masyadong busy! i'll publish a short story na nahanap ko from my files before. 15 chapters lang siya and completed na so no need to wait for updates tulad dito haha. please look forward to it, lowkey hoping for support hehe! thank you!Dedicated to: gael25CH thank you for the good feedbacks, i really appreciate it! please continue reading!❤
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
FanfictionJADINE Edition #2 Alam kong kasalanan kong nahulog ako sayo kahit na hindi mo naman ako gusto, kaya ako nasasaktan ng ganito. Pero mali ba talaga? Napipigilan ba ang pagmamahal? Nadidiktahan ba ang pagmamahal? Nauutusan ba ang pagmamahal? Kailan ba...