Naddie's POV
"Ano bang magandang kantahin para sa talent portion?" I asked Cassey habang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin, siya naman ay nakaupo sa kama at nakatingin lang sa akin.
"Ikaw, ano bang gusto mo? Maganda naman boses mo, so any song will do." Binaba ko ang brush at saka siya tinabihan sa kama. Kinuha ko ang laptop ko at saka ito binuksan.
"Wow, I'm getting a lot of support online for this competition." Binasa ko ang iba't ibang tweets na mayroon tungkol sa contest. Most of it ay puro suporta sa akin until I pass by a tweet saying:
"Hindi na ako magtataka kung si Naddie mananalo like anak siya ni James at Nadine what do u expect, smh"
Wait, she or he has a point tho? Pinindot ko yung account niya and she or he, I don't know kung ano siya, wala siyang followers, I think, it's a troll account or something.
Ini-scroll ko pa pababa yung account niya, only to find out na it's actually a hate account, for me.
It all started because of the pageant.
"bakit pa nag contest kung alam naman na agad sinong mananalo"
"ang babaw naman ng heels hindi pa makalakad nang maayos sa practice"
"luto pageant yikes"
"bayad judges"
"yung may mas maganda naman kaysa sayo pero dahil anak ng artista napili agad OPPSZXC"
I felt sudden pain in my heart. I don't know what to feel. Alam ko lang nasasaktan ako.
"Hey Naddie, bakit bigla kang natahimik diyan? What are you looking at?" Mabilis kong sinara ang laptop nang lumapit si Cassey.
"Uh wala, just reading some tweets." Tiningnan niya ako na para bang alam niyang may mali sa ikinikilos ko.
"Eh bakit bigla mong sinara nung lumapit ako? Don't tell me you're hiding something, at sa akin pa talaga?" Natatawang tanong ni Cassey sa akin. Ugh, this is what I hate about best friends, wala ka talagang matatago na kahit ano. Parang may lukso ng dugo, na parang iisa lang kayo ng utak ganon. Weird.
Kinuha niya ang laptop mula sa kamay ko at hindi ko na siya pinigilan. Pinanuod ko na lang siya habang binubuksan ang laptop ko.
I watched her as she read all those tweets from that account. "What the hell? Sinong gumawa ng account na 'to?"
Nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman talaga alam kung sino ang puwedeng gumawa nito.
"Wala akong idea. How will I know?" Sinara niya ang laptop. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at saka naglakad nang pabalik-balik na para bang nag-iisip siya. Parang detective something.
"What are you doing?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Saglit siyang huminto at humarap sa akin bago sumagot. "Nag-iisip! Hindi ba obvious?" Sagot niya at sabay lakad ulit.
"Okay fine, so ano namang naisip mo?" Humiga ako sa kama habang hinihintay na sumagot si Cassey.
"Alam niya yung about sa Mr. and Ms. Megaleio..." Tumango ako bilang sagot kay Cassey kahit na hindi ako sigurado kung nakita niya ba, ang mahalaga tumango ako.
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
FanfictionJADINE Edition #2 Alam kong kasalanan kong nahulog ako sayo kahit na hindi mo naman ako gusto, kaya ako nasasaktan ng ganito. Pero mali ba talaga? Napipigilan ba ang pagmamahal? Nadidiktahan ba ang pagmamahal? Nauutusan ba ang pagmamahal? Kailan ba...