Naddie's POV
"Ha? What do you mean?"
Nakatitig lang siya sa akin at hindi sumasagot. Lalo akong kinakabahan sa inaakto niya, dama kong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin, gustuhin ko mang humakbang paatras ay parang nabato na ata ako rito sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw tapos nagwawala pa yung tibok ng puso ko, wow.
"I want you Naddie." Sabi niya nang tuluyan na siyang makalapit. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko tumigil lahat pati tibok ng puso ko.
Tinitigan niya ako sa mata, mas nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at dahan dahan itong iniangat hanggang sa makita niya na ng buo ang mukha ko.
"I want you to cook breakfast for me tomorrow." Biglang bumagsak ang balikat ko. Kulang na lang pati bibig ko ay ngumanga sa sinabi niya.
"Ano?" Tumawa siya ng tipid na para bang inaasar ako. "Sabi ko gusto kong pagluto mo ako ng agahan bukas, ano ba akala mo?" Parang biglang nag init ang dugo ko sa sinabi niya kaya mabilis kong hinawi ang kamay niya sa baba ko.
Hindi ko alam pero nakakainis! Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Gusto ko bang sabihin niya na gusto niya ako? Bakit ko naman iisipin na gusto ako ni Tyron? Saka bakit ko naman iisiping magugustuhan niya ako? At saka! Hindi ko naman siya gusto! Pero nakakainis pa rin.
Mas lalo akong nainis nang makita ko siyang tumatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh, bakit, ano bang kala mo." Sabi niya sabay tawa. Inirapan ko siya at mabilis akong bumaba sa pool.
"Bilis!" Nanggigigil ako. Pakiramdam ko kaya kong lumangoy ng 10 times faster than Michael Phelps sa sobrang init at inis ng katawan ko. "Chill, bakit ka ba galit?" Natatawa pa rin niyang tanong habang mabagal na bumababa sa pool.
"Bilisan mo na!" Inis kong sigaw sa kanya pero natatawa pa rin siya. Pagkababa na pagkababa niya ay binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. Yung tingin na nakakamatay. Sobrang naiinis ako sa kanya! Goodness gracious pigilan niyo ho ako, gusto ko siyang sakalin! Gusto ko siyang lunurin hanggang sa hindi na siya makahinga!
"Game?" Tanong niya sa akin. "Isang round lang, unang makabalik panalo." Naiinis kong sagot sa kanya. Sabay kaming pumusisyon bago siya nagbilang, "Okay, 3, 2, 1, go!" Pagkasabi niya ng go ay kumaripas agad ako ng langoy. Sobrang taas ng adrenaline ko dahil sa inis kaya naramdaman kong mas mabilis akong lumangoy kaysa sa normal na trainings ko. Aba, dapat pala iniinis ako ano?
Mabilis akong nakabalik sa simula at umahon ako kaagad. Halos kasunod ko lang din siyang umahon. "Wow, ang bilis ha. Halatang nagmamadali." Tumatawa niya pa ring sabi sa akin. "Whatever, give me my tickets sa school break." Sabi ko habang umaakyat sa hagdan palabas ng pool.
Tumayo ako sa may gilid at saka piniga ang buhok ko para hindi masyadong basa pagpasok ko. Nakita kong umahon na rin siya sa pool. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin pero hindi ko 'to pinansin.
Kukuhanin ko na sana ang robe ko para pumasok nang bigla niya akong hilahin sa bewang. Nagulat ako na magkatapat na kaming dalawa, magkadikit ang katawan namin, at kitang kita ko ang mukha niya, nakatingin siya sa akin pababa dahil mas matangkad siya. Hindi niya inalis ang kamay niya sa bewang ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Nawawalan na naman ako ng hangin kahit wala na ako sa tubig, bakit ganito?
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
FanfictionJADINE Edition #2 Alam kong kasalanan kong nahulog ako sayo kahit na hindi mo naman ako gusto, kaya ako nasasaktan ng ganito. Pero mali ba talaga? Napipigilan ba ang pagmamahal? Nadidiktahan ba ang pagmamahal? Nauutusan ba ang pagmamahal? Kailan ba...