Naddie's POV
Pagkadating ng order namin ay tahimik na kaming kumain.
"Can I, uh, come with you sa site?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa bahay na nirentahan nina Marie para sana sa amin. Kakatapos lang namin kumain at kasalukuyang binabaybay ang dalampasigan.
"Why?" He asked me back. Magkahawak ang dalawang kamay ko sa likod habang nakatingin ako sa dagat, ramdam ko rin ang malamig na hanging humahampas sa mukha at nagpapalipad sa buhok ko.
"I'm just concerned na may muntik nang mapahamak sa aksidente. I just wanna know kung kumusta yung mga nagtatrabaho doon." He nodded at my answer.
"Fair enough. Pero medyo, hindi pa secured ang site so, I don't know kung pwede kitang isama, baka may mangyari pa sayo." I looked at him.
"Please, I can manage myself Tyron." He let out a sigh.
"Fine." Saktong pagkasagot niya ay huminto kami sa tapat ng bahay na tinutuluyan 'namin' nina Cassey.
Nagkatinginan kami ni Tyron bago ako nag doorbell sa pinto. Nakakaisang pindot pa lang ako ay mabilis nang lumabas si Cassey habang tumatakbo.
"Naddie!" Niyakap niya ako na para bang ilang araw niya akong hindi nakita. "Hi Engineer." Bati niya kay Tyron na tinanguhan siya.
"Tara na sa loob." Hinawakan niya ako sa kamay para hilahing pumasok sa loob habang si Tyron naman ay nakasunod lang sa amin.
Pagpasok ko ay nadatnan ko silang lahat na nakaupo sa sala. Napansin ko ring wala sina Yuri at ang boy friend niya at pati na rin ang dalawang kaibigan nito. Tahimik sila, nakakapanibago kasi hindi sila yung tipikal na makukulit. Para silang mga batang napagalitan, mga tutang biglang nabahag ang buntot sa hindi malamang dahilan.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Marie. "Naddie, we are really sorry. Nalaman lang namin kay Cassey yung ginawa ni Dave sa'yo. Dapat talaga hindi na natin sila isinama." Malungkot na sabi niya sa akin.
"Oo nga! Besides hindi naman talaga natin sila in-invite!" Parang batang inagawan ng lollipop na sabi ni Cassey.
Lumakad ako palapit sa kanila. "You know what guys, hindi niyo kailangang mag-sorry. Walang may gusto nun, at hindi niyo 'yun kasalanan, okay? So please don't feel sorry, you guys don't have to." Nanlalambot ang puso ko sa mga mukha nila.
"We love you Naddie." Sabi ni Cassey sabay yakap sa akin. Nagulat ako ng lahat sila ay sunod sunod na yumakap sa akin. "We love you Naddie!" Sabay sabay nilang sigaw habang nakayakap sa akin.
Hindi ko mapigilang hindi matawa at hindi ma touch sa ginawa nila.
"Ano ba kayo, wala namang masamang nangyari sa akin!" Natatawa kong sabi sa kanila.
"Wala pa! Buti na lang dumating si engineer para iligtas ka!" Masayang sigaw ni Cassey, dahilan para mapalingon sila sa likod ko. Ngayon lang nila napansin na kasama namin si Tyron.
"Engineer." Sabi nila na may ngiti sa mga mukha. Ngumiti ng tipid si Tyron.
"Anyway guys..." Panimula ko kaya nabalik na naman ang tingin nilang lahat sa akin. I cleared my throat bago nagsalita.
"We're just here to get my things, I'll be staying at Tyron's place." Bigla silang sumimangot lahat.
"Bakit Naddie?" Tanong ni Marie sa akin.
Sasagot pa sana ako kaso sumagot si Tyron para sa akin.
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
Fiksi PenggemarJADINE Edition #2 Alam kong kasalanan kong nahulog ako sayo kahit na hindi mo naman ako gusto, kaya ako nasasaktan ng ganito. Pero mali ba talaga? Napipigilan ba ang pagmamahal? Nadidiktahan ba ang pagmamahal? Nauutusan ba ang pagmamahal? Kailan ba...