Naddie's POV
"Yes girls! Ayusin naman ang paglalakad hindi yung halatang hirap na hirap sa heels my god! 4 inches lang 'yan let me remind you! Yung mga lakad niyo parang nakasuot kayo ng 20 inches, hindi maihakbang nang maayos!"
Sigaw nung baklang nagte-train sa amin ngayon for the upcoming Mr. and Ms. Megaleio. I was about to quit the moment I came here sa school since I have a lot of schoolworks to do. Pero pagdating ko sa room ay may mga cartolina na sila with my name on it.
"Okay, 15 minutes break nga muna! Pagbalik dapat maayos na kayong magsilakad ha!" Nagmadali kaming lahat na pumunta sa back stage para makapagpahinga kasi kanina pa kami nakatayo at palakad-lakad dito.
Sumakit na nang kaunti ang paa ko kaya pinauna ko na silang makaalis kasi nagmamadali na sila, pababa na sana ako ng hagdanan kaya lang ay may biglang nakatama sa likod ko. Muntik na akong malaglag pero may brasong sumalo sa akin.
"Oh my gosh sorry Naddie!" Sabi ng babae sa likod ko.
"Okay ka lang?" Tiningnan ko si Ethan saka tumango. "Okay lang ako, thank you Ethan." Tumingin siya sa babae sa likod ko na nakatama sa akin. "Sana mag-ingat ka next time."
Hindi ako sigurado sa pangalan niya pero ang alam ko galing siya sa Psychology? "Yes, I'm really sorry." Sabi niya sabay yuko. "Okay na yun, wala namang nangyari sa akin." I smiled at her para masiguro na hindi naman ako nasaktan.
"Sorry ulit, una na ako." I just nodded at her at umalis na siya. Binaling ko ang tingin ko kay Ethan. "Thank you ulit, if you weren't there earlier nalaglag na sana ako." Sabi ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad palabas ng back stage.
"I'm actually hoping you did." Bigla akong napahinto at kusang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "What?" He looked straight into my eyes, "For me." I blankly stared at him.
"Joke lang!" Hinampas ko siya sa braso dahilan para mas tumawa siya. "Akala ko kung ano na sinasabi mo!" Bulyaw ko sa kanya. "Okay, okay hindi na nga." Sagot niya habang tumatawa pa rin.
"By the way, nakita mo ba si Cassey?" Lumingon-lingon si Ethan sa paligid bago sumagot. "I think I saw her earlier malapit sa Archi building, not sure tho?" Napailing na lang ako. My gosh, why is my best friend so in love with my twin?
"Thanks ulit Ethan, gonna find Cassey muna, I still have to practice for my talent too." Aalis na sana ako kaya lang nagtanong pa si Ethan.
"Anong ita-talent mo?" Tumawa ako sa tanong niya. "May iba pa ba akong kayang gawin bukod sa pagkanta na hindi ko alam kung talent ba talagang maituturing."
"Magaling ka ring sumayaw! Remember, nung sumayaw kayo sa foundation week? Ikaw yata best dancer nun." Bumelat ako sa kanya bago muling tumawa. "Alam mo Ethan, joke time ka." Tumatawa kong sagot sa kanya.
"Anyway, anong kakantahin mo, I can play for you." Saglit akong napa-isip. Oo nga pala, Ethan is a musician. Hobby niya kasing tumugtog, well, not hobby, talent niya. He can play the guitar and piano, drums konti. But he's good with guitar and piano.
"I'd love that! Kaya lang wala pa akong naiisip. Maybe, I'll inform you kapag may naisip na ako. Thank you Ethan!" Niyakap ko siya nang mabilisan. Naalala kong maghahanap pa sana ako ng tutugtog for me, nalimutan kong may kaibigan nga pala akong katulad ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
Hayran KurguJADINE Edition #2 Alam kong kasalanan kong nahulog ako sayo kahit na hindi mo naman ako gusto, kaya ako nasasaktan ng ganito. Pero mali ba talaga? Napipigilan ba ang pagmamahal? Nadidiktahan ba ang pagmamahal? Nauutusan ba ang pagmamahal? Kailan ba...