28

59 7 9
                                    

Naddie's POV

Parang bigla akong natulala, pakiramdam ko ay biglang nanigas ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Sobrang lakas ng sigawan sa labas, pakiramdam ko mabibingi na ako.


"Hey, okay ka lang?" Napabalik ako sa realidad nang may humawak sa pulsuhan ko. I stared at her at saka tumango.

"A-ah, yes okay lang ako." I smiled at her. Nalimutan ko yung pangalan niya pero siya yung girl last time na nakasanggi sa akin unintentionally.

"You sure? By the way, I'm Faith." She offered her hand na agad ko ring kinuha. "Yes I'm sure, I'm Naddie." Tumango siya bago binitawan ang kamay ko.

"Yes I know you, mayroon bang hindi nakakakilala sa'yo dito?" I slightly bowed my head.








"Yeah, kasi anak ako nina Nadine and James Reid." I gave her a little smile, I tried my best not to show any bitterness.

"Actually, saka ko lang nalaman na anak ka nila. I knew you sa quiz bee competition before, hindi mo maalala? I'm from Biochem department. Isa ka sa nakalaban namin, you're so smart!" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sobrang flattered sa sinabi niya.

"Ah! Kayo pala yung nakalaban namin sa finals! You guys were good too!" Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ng emcee sa labas dahil sa pag-uusap namin ni Faith. I think that's better, hindi ko alam anong ire-react ko paglabas lalo pa at andoon pala si Tyron, kasama pa si Engr. Sab.




"But not as good as you guys, kayo champion e!" Sabay kaming tumawa sa sinabi niya, umiling ako nang kaunti.

"Nako, tyamba lang namin 'yon." I told her.

"It's nice talking to you, hindi ko akalaing makakausap kita nang ganito." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman?" Ngumiti siya, isang tipid na ngiti.



"Kumpara sa aming ibang babae dito, you are way too high, you're almost perfect. You're smart, talented, pretty, and kind! Kaya nga I really adore you. I actually wanted to quit nung nalaman kong ikaw representative sa department niyo." Tumawa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.



"I'm not perfect, saka grabe naman sa papuri, baka lumaki ulo ko niyan!" Natatawa kong sabi sa kanya. "Huy seryoso kaya! Alam ko na agad at that moment, na ikaw ang Ms. Megaleio 2019."

"Agad? Grabe naman." Kinuha niya ang isang kamay ko at saka ako tiningnan. "Yes, you will win hindi dahil isa kang Reid, you will win because of your personality, your intelligence, your talent." Sa sobrang saya ng puso ko sa sinabi niya ay hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya na ginantihan niya rin.

"Oh my, sorry. Hindi ko napigilan sarili ko. I'm actually at the point of doubting myself then you lift me up, you gave me what I needed." Ngumiti siya sa akin. "It is not what you need Naddie, it is what you deserve."


"Girls, lalakad na kayo!" Napatingin kaming muli sa organizer na sumigaw malapit sa stage.

"Best of luck." "Best of luck." Sabay naming sabi sa isa't isa bago umayos sa pila.


Medyo mas gumaan ang pakiramdam ko after that conversation with Faith. Pero hindi pa rin maalis yung bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ba kasi dapat kong maramdaman.

Hindi ko alam bakit hindi niya sinabi sa akin na judge pala siya dito ngayon. Tapos, sabi ng mga tao sila na raw. Masakit, magulo, hindi ko alam.

Inevitable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon