Naddie's POV
"Okay edi game!"
Kumpara kanina ay mas naging mabilis ang pag-usad ng laro. Sunod-sunod na tumutok ang bote sa kung kani-kanino at kung kanina lang ay lahat kami may mga suot pa, ngayon halos wala na.
Halos lahat kaming mga babae ay naka swimsuit na lang, ang mga lalaki ay topless na.
Sumali pa rin si Ethan kahit na lasing na siya. Ngayon ay topless na rin siya. Kung ayaw mo kasing maghubad ay pwedeng uminom ka na lang. Ramdam kong nakarami na ako ng inom dahil sumasakit na ang ulo ko at nag-iinit na ang pakiramdam ko. Dahil natanggal ko na ang t-shirt ko kanina, shorts ko na lang ang natanggal ko nang matapatan ako. Kaya yung mga sumusunod na natapatan ako ay puro inom na ako.
"Ayoko na uminom!" Sigaw ni Cassey. Malabo na ang paningin ko dahil sa kalasingan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang lasing sa amin o sila rin.
"Inom pa tayo." Napakurap ako at napatingin sa nasa tabi ni Cassey. Kanina alam ko si Marie ang katabi niya pero ngayon ay katabi niya na si Henry. Yung kasama ni Yuri na lalaki.
"Ayoko na." Hindi ko na matingnan si Cassey dahil kahit ako ay bagsak na at lasing na rin.
"Ayoko na rin uminom, stop na tayo." Sabi ko rin sabay form ng cross gamit ang kamay ko.
Nagulat ako ng may maramdaman akong kamay sa bewang ko. "Hoy!" Hilong hilo na ako kaya hindi ko makita kung sino ba ang katabi ko. "Don't touch me nga!" Sigaw ko habang papikit-pikit.
"Lika na iuuwi na kita sa bahay. Lasing ka na oh." Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangiti ang nagsabi nito.
Naramdaman kong dahan-dahan niya akong tinatayo at halos magising ako ng pisilin niya ang bewang ko. "Ano ba! Bitawan mo ko!" Paglayo ko sa kanya sabay tulak sa kanya palayo sa akin. Muli akong napaupo sa sobrang hilo na at sakit ng ulo.
"Tara na nga kasi." Muli niya akong hinawakan sa bewang at mabilis na tinayo. Kumpara sa marahan niyang hawak kanina, ngayon ay mahigpit na ang hawak niya sa akin. Idinikit niya ang katawan ko sa kanya. Napadilat ako at nakita ko ang mukha ni Dave. "Let me go!" Sigaw ko pero imbes na bitawan ako ay mas pinaglapit niya ang katawan naming dalawa.
Nasaktan ako dahil tumama ang dibdib ko sa dibdib niya. "Ang sarap mo." Nakatingin ako sa kanya at nakita ko ang ngisi sa mukha niya. "Bastos ka! Bitawan mo ako!" Sigaw ko habang tinutulak siya.
"Fuck you. Get your fucking hands off her." Nagulat ako nang may biglang sumapak kay Dave mula sa likuran. "Bullshit Naddie." Ang boses niya.
Kumurap-kurap ako, nagulat ako ng bigla niya akong buhatin sa braso niya. "Ibaba mo nga ako! Aaaah!! Kidnapper!!" Pagpupumiglas ko pero mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. Pilit kong ina-aninag ang mukha niya pero sumasakit lang ang mata ko dahil sa ilaw dito sa loob ng bar.
"Fuck it. 'Wag kang magulo, ihuhulog kita." Sabi niya na nakapagpatigil sa pagpupumiglas ko. Habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang ulo ko at gusto ko na lang matulog.
"You know what you look like my gwapo friend." Wala sa sarili kong salita na mukhang pinapakinggan naman niya or ewan ko, basta gusto kong magkwento sa kanya. "I don't know what to call him kasi he's like a relative but he's not. We're so close, gwapo siya and, matalino, and macho, and may abs, and engineer na siya!" I happily said. "Crushy crushy material nga 'yon kaya lang masungit. Hmmff! Parang bato! Yung attitude niya naging katulad na ng abs niya, matigas!" Sabi ko sabay tawa. Naramdaman kong natawa rin siya pero pinipigilan niya lang.
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
FanfictionJADINE Edition #2 Alam kong kasalanan kong nahulog ako sayo kahit na hindi mo naman ako gusto, kaya ako nasasaktan ng ganito. Pero mali ba talaga? Napipigilan ba ang pagmamahal? Nadidiktahan ba ang pagmamahal? Nauutusan ba ang pagmamahal? Kailan ba...