KABANATA III

1.9K 34 1
                                    

Justine's POV: 

Nang nagising ako ang sakit nang ulo kaagad ang bumati sa akin. 

"Ah! Putek! Sakit nang ulo ko!" Reklamo ko.  

Nagulat ako nang biglang may tumawa sa tabi ko. 

"Ano? Iinom ka pa?" Tanong ni Kenzo. 

Tinignan ko siya. 

"Tsk! Sakit na nga nang ulo ko mang aasar ka pa eh!" Sagot ko sabay kurot sa tagiliran niya. 

"Aray!" Ika niya nang naramdaman ang sakit nang kurot ko. 

"Ano? Mang aasar ka pa? Gusto mo isa pa?!" Tanong ko. 

Umiling siya. 

"Hindi na.. Ayaw na.." Sagot niya.

Tumango ako. 

"Nga pala.. Anong nangyari kagabi?" Tanong ko. 

"Well.. Nag inom kayo nang napakaraming wine.. Tapos nag decide kayong mag laro nang habulan.. Tapos ang dami niyo galos sa tuhod at siko.. 'Yon lang.." Sagot niya. 

Pagkatapos kong marinig nang sinabi niya agad kong kinapa ang tuhod ko. 

May plaster.. 

Sunod ko namang kinapa ang siko ko. 

May plaster din.. 

"Ginamot mo ang mga sugat ko?" Tanong ko. 

Tumango si Kenzo. 

"Alangang namang pabayaan kita.. Ang daming buhangin nang sugat mo eh.. Pinaliguan din kita kagabi at pinalitan ko lahat nang damit mo.." Sagot niya. 

Bigla akong nahiya sa sinabi niya. 

"Pi.. pinalitan mo ako?" Tanong ko. 

Natawa siya. 

"Bakit ka namumula? Nahihiya ka ba?" Tanong niya. 

Tumango ako bilang sagot kaya mas lalong natawa si Kenzo. 

"Bakit ka ba tumatawa?!" Naiinis kong tanong. 

"Eh kasi naman parang akala mo kahapon lang naging tayo eh.. Ang tagal na kaya natin Bi.. Wala ka nang pwedeng itago sa akin.." Sagot niya. 

Well tama naman siya.. 

"Kahit na.. Sana tinawag mo nalang sila Ate Jaja o Ate Jamie.." Sagot ko. 

"Silang dalawa? Paano ka nila mapapalitan eh halos hindi na nga makatayo at makapaglakad ang dalawang 'yun.. For sure ang mga mister na din nila ang nag palit sa mga 'yon.. At 'wag mong sabihin sa akin na sana tinawag ko sila Karla o Rachel para palitan kasi pare-parehas lang kayo nang sitwasyon kagabi.." Sagot ni Kenzo. 

Grabe! Lasing na lasing pala kami? 

"Bakit? Gaano ba kadami ang nainom namin kagabi?" Tanong ko. 

"Hmmmm.. Sa pagkakatanda ko parang mahigit sampung bote ang naubos niyo.." Sagot niya. 

"MAHIGIT SAMPU?! Paano namin naubos 'yon?!" Gulat kong tanong sa kanya. 

"Abay malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo?" Sagot niya. 

****

Halos isang oras na kaming nakahiga ni Kenzo sa kama dahil hindi ko pa magawang bumangon. 

Sakit pa rin nang ulo ko.. 

Nang pakiramdam ko napagusapan na namin lahat naisipan ko tanungin siya tungkol sa mga plano niya sa buhay. 

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon