KABANATA II

2.2K 37 3
                                    

Kenzo's POV: 

Dumaan ang mga araw na hindi kami nag papansinan ni Justine. Araw-araw ko siyang hinahatid at sundo sa trabaho at gabi-gabi kaming magkatabing natutulog pero hindi kami nag-uusap. 

Ang hirap na! 

Kaya ngayon naisipan kong ayain ang barkadang uminom dito sa pool area nang mansyon nila Marcus. 

I really need this right now.. 

"Kamusta na kayo ni Justine tol?" Tanong ni Dan bago niya tinungga ang lamang alak nang shot glass na hawak niya. 

"Hindi pa rin kami okay eh.." Sagot ko. 

"Nako pare.. Malapit na ang kasal namin ni Jamie kaya kailangan niyo nang mag bati.." Ika ni Mike. 

Oo nga pala.. 

Malapit na nga palang ikasal ni Mike.. 

And that makes me the only unmarried man in our group.. 

"Paano ba 'yan? Mag papatali na si Mike.. Akala namin pagkatapos niya kayo na ni Justine ang susunod.. Eh mukhang sa mga nangyayari sa inyo ngayon sa hiwalayan pa yata ang uwi niyo.." Sagot ni Marcus. 

Bastos 'tong hayop na 'to ah! 

"Hoy! Grabe ka naman! Parang nagkakatampuhan lang naman kami ni Justine eh.. Bakit mo naman iisiping mag hihiwalay kami?" Tanong ko. 

"Eh diba sabi mo sa kanya kapag pinili niya ang pangarap niya tapos na kayo?" Tanong ni Marcus. 

Tumango ako. 

"Oo.. Pero sa tingin mo ba pipiliin nga talaga ni Justine ang pangarap niya? Sa tingin mo ba papayag siyang mag hiwalay kami?" Tanong ko. 

Walang sumagot ni isa sa mga barkada ko. 

"Hoy! Bakit naman kayo natahimik? Sagutin niyo naman ang tanong ko.." Ika ko. 

Nilapitan ako ni Liam at inakbayan. 

"Pare.. kung susundin ni Justine ang pangarap niya suportahan mo nalang kasi.." Sagot niya. 

"Pero tol tatlong taon 'yun.." Sagot ko. 

"Edi mag hintay ka hanggang sa makabalik siya.. Kayanin niyo ang LDR.." Sagot ni Liam. 

Umiling ako. 

"Hindi ko kaya pare.. Kaya nga dati nung nag-aaral palang siya every weekend ako pumupunta nang Cebu eh.. Hindi ko kaya na matagal siyang hindi makita at makasama.. At isa pa pare hindi naman niya kailangang pumunta dun eh.. Okay naman ang trabaho niya dito.." Sagot ko. 

"Pero pare mahirap kalabanin ang pangarap.. Nung si Jamie nga pumuntang Singapore hindi ko din napigilan eh.." Ika ni Mike. 

Tinignan ko ang mga barkada kong kasalukuyan ding nakatingin sa akin. 

Pero relasyon na namin ni Justine ang nakasalalay.. 

Mas pipiliin pa ba niya ang pangarap niya kaysa sa akin? 

Is it really possible for her to leave me? 

------------------------------

Justine's POV: 

Dahil hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni Kenzo inaya ko nalang ang mga Ate ko sa garden para saluhan ako isang bote nang wine na kinuha ko sa cellar ng bahay nila Kuya Marcus. 

"Bakit may pa wine ka ngayon mayora? May problema ba?" Tanong ni Ate Jamie. 

Tumango ako. 

"Hanggang ngayon kasi Ate hindi pa rin kami bati ni Kenzo.." Sagot ko. 

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon